My Amnesia Boy 07

3.4K 84 0
                                    

A/N:

Kung nasimulan mo ng basahin ito at magulat sa mga bagong pangalan, dont worry kasi nipalitan ko lang yung mga existing names na ginamit ko.

From-To :

Edna - Remmie/ Rems

Ed - Red

Edgar - Eddie

Japs - Jason

Jason - Jake

--


Sari


"Goodmornig Sari.." bati sa akin ni new girl Simoune. Nginitian ko na lang sya kasi wala lang. I really dont like her kahit pa lagi syang nakangiti sa akin. Feeling ko kasi pinaplastik lang nya ako eh. "Can I ask you something?" pinilit kong huwag magreact sa tanong nya na yun. Mahirap magtaray kasi kahit malakas kapit ko kung magaling namang magdrama ang isang ito eh wala din.

Paano kung sya ang kampihan ng lahat eh di kawawa ako. Humarap ako sa kanya saka tumango. Ngumiti sya ng pagkalapad lapad bago nagsalita. "Close kayo ni Reed di ba? May nababalitaan ka bang nililigawan o dinedate nyang babae?" buti hindi tumaas ang kilay ko sa tanong nya na yun. Umiling na lang ako bilang sagot.

"Really?" sabi nya saka sya parang timang na nagdedaydream sa harapan ko. Kaming lang dalawa yung sakay ng elevator kaya parang awkward lang. Hindi ko na sya pinansin at tahimik na lang na nagdasal na sana bumilis ang takbo ng elevator para makalabas na ako.

Isang floor na lang sana at makakalabas na ako ng bigla na lang huminto yun at mamatay ang ilaw. Napamura ng malakas ang kasama ko habang ako naman eh nawalan ng balanse kaya natumba. Medyo malakas yung pagkakabagsak ko kaya naman nasigaw din ako. "Hey ok ka lang ba?" buti patay na ang ilaw kaya hindi na nya nakita ang pagikot ng mga mata ko.

Sya kaya matumba at tanungin ko kung ok lang sya, ano kayang isasagot nya? Hindi na ako umimik dahil sa kaloob looban ko eh naiiyak na ako. Takot ako sa dilim tapos masakit pa ang balakang ko, paanong hiindi ako maiiyak? "Hey answer me kaya, are you ok ba kasi ako natatakot na. Paano ba tayo makakaalis dito?" sarap batukan nitong babae na ito. Imbis na kumalma eh putak pa ng putak.

"O-ok lang po ako dok, hintayin na lang natin ang maintenance. Kumalma lang tayo dahil yun lang ang magagwa natin sa ngayon." malumanay kong sabi sa kanya.

"Halos isang oras na tayo dito bakit wala pa ding tumutulong sa atin?" litanya na naman nya nang wala pa ding nangyayari. Sasagot pa lang sana ako ng biglang bukas ang ilaw saka pintuan. Bumungad sa akin ang nagaalalang mukha ni Reed. Naunang tumayo si Simoune at tumakbo sa kanya. Ako naman bilang masakit pa din ang balakang eh sinubukang tumayo.

Napangiwi pa ako ng makaramdam ng kirot. "Shet masakit.." nagulat na lang ako nang may biglang kumabig sa akin saka ako binuhat. Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ang mukha nya. Napatingin ako sa direksyon ni Simoune at sinalubong ang mapagtanong na tingin nito sa akin.

Hindi ko na lang sya pinansin kasi hindi naman sya yung nasaktan eh. Ako. Akala ko sa clinic ng papa nya ako dadalin kaya nagulat pa ako ng pumasok kami sa fire exit at nagsimula syang bumama ng hagdan. "Te-teka Dok, saan tayo pupunta?" takang tanong ko sa kanya kasi papunta na kami ngayong basement.

"Kailangan mo magpahinga kasi mukhang napalakas ang bagsak mo nang huminto ang elevator. Huwag ka ng magtanong kasi nakita ko sa CCTV yung mga nangyari. Buti mabilis nagawan ng maintenance ng paraan yung naging problema kundi makakasira ako ng elevator." kung makapagsalita naman ito akala mo kaya talaga nyang sirain yung elevator. Pero huwag ka touch ako ah. Kakaiba talaga yung kilig factor kapag sya na yung bumabanat kahit pa napaka seryoso ng aura nya.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon