Sari"Sari kamusta na nga pala yung anak mo? Nilagnat pa ba?" Ngumiti ako bago umiling. Advantage din talaga yung may kilala kang doktor. Kahit paano eh may napapagtanungan ka kapag may kapamilya kang may sakit.
"Wala na po dok. Salamat sa gamot na binigay ng anak nyo." Tatlong taon na akong assistant ni Dok Redentor "Eddie" Segovia. Sila ang may ari ng Segovia General Hospital kaya naman lahat ng anak nya eh mga doktor. Yung iba namang kamag anak nila ay nurse din doon.
"Mabuti naman at hindi pa expired yung binigay sa iyong gamot ni Red." Natatawang sabi pa nya. Si Dr. Redentor "Red" Segovia Jr. ang panganay nyang anak. Isa itong Pediatrician kaya sa kanya kami humingi ng tulong patungkol sa gamot na kinailangan ng anak ko nung nagkasakit sya.
"Oo nga po eh. Tuwang tuwa nga sya kay Renz binigyan pa nya ng laruan." Kwento ko pa na lalong nagpangiti sa matanda. Wala pa din kasi syang apo at nang makita nya ang anak ko eh gusto na nya laging makita ito. Kaya ang nangyayari eh tuwing uwian sa hospital na hinahatid ng service nya ang anak ko.
Nang maghapon eh dumating ang anak ko kasama ni Dok Rems na pangalawang anak ni Dok Eddie. "Ma.." tumakbo sya palapit sa akin saka ako niyakap. "Look oh Tita Rems gave me this to me.." umupo sya sa tabi ko saka binuksan yung new toy nya. "Hep baka may assignment ka bata. Yun muna gawin natin bago yang paglalaro mo.." napanguso lang sya. "Wala po akong assignment ma.." hindi naman sinungaling ang anak ko kaya hinayaan ko na lang syang maglaro since meron pa akong less than one hour bago umuwi.
Habang naglalaro sya eh nagkwentuhan naman kami ni Dok Rems. Naging close agad kami kahit bago pa lang ako noon kasi pareho kami ng ugali. "Nagpadala na ulit ng letter si Bobby." Asawa nya yun na nasa ibang bansa. Hindi sila ok pero civil naman sila sa harap ng iba.
"Uuwi na daw ba sya?" Napakibit balikat na lang sya. Umalis yung asawa nya nung pangalawang beses nyang nakunan. Galit kami lahat doon kasi ni hindi man lang inalagaan si Rems kung kailan sya kailangan.
"Wala syang sinabi. Nangangamusta lang. If I know gusto na nyang makipaghiwalay sa akin hindi lang nya alam kung paano sasabihin.." then she sighed.
Mababait ang mga Segovia na kung ano ang kaya nilang ibigay ay hindi nila ipinagdadamot. Kaya nga lahat ng empleyado sa hospital na yun eh mahal sila.
"Salamat nga pala Dok sa laruan." Ngumit ito saka ginulo ang buhok ng anak ko.
"Sus wala yun. Alam mo namang si Renz ang anak na wala ako." Isa syang OB-Gyne kaya mahilig din sya sa bata. Yun nga lang dalawang beses na syang nakukunan kaya hanggang ngayon eh wala pa syang anak.
Tatlo lang silang magkakapatid pero wala sa bansa ang bunso nila kaya naman hindi ko pa sya nakikilala. Mabait din daw yun saka gwapo. Ang kukulit nga nila eh kasi once nakauwi daw si Reed eh irereto daw nila sa akin para naman daw maging legal na nilang pamangkin at apo ang anak ko. Napapailing na lang nga ako everytime ganun yung topic namin eh.
Masyado kasing bibo ang anak ko kaya tuwang tuwa sila. Ngayong nga ay nasa top 1 ito sa day care na pinapasukan nya. Salamat sa foundation ng mga Segovia atleast nakakapag aral sa private school ang anak ko.
"Nasaan kaya si Dok para makapagpaalam na kami.." sabi ko sa mahinang tono. Sakto gang kasi ako eh. Wala din namang dahilan para mag OT ako.
"Nakita ko sya sa OR. Naku baka nawili na naman yun sa pakikipagkwentuhan. Sige na ako ng magsasabi sa kanyang umalis na kayo.
"Sige po mauna na po kami ng anak ko.." paalam ko sa kanya. Inaayos ko na ang mga gamit ko ng biglang pasok ni Dok Eddie na kay ganda pa ng ngiti.
"Aalis ka na ba Sari? Can you give this to Dr. Jason before you leave? I need him to sign this para sa darating na Medical Mission." Ngumiti ako saka kinuha ko yung folder na inabot nya saka lumabas papunta sa office ni Dr. Jason. Iniwan ko muna si Renz na busy sa new toy nya. On my way ay nakasalubong ko si Mara na kay lapad ng ngiti sa akin. May dala syang bouquet of rose na alam ko na kung kanino nya ibibigay at kanino galing.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boy?!? (Fin)
RomanceReed is Sari's ex boyfriend but they got separated dahil lang sa inakala ni Sari na nagkamali sya. Years after eh nagkita ulit sila kaya lang hindi na sya kilala nito. Ano kayang gagawin nya para ipaalam dito na nagkaanak sila kung hindi naman pala...