My Amnesia Boy 17

3.2K 68 0
                                    


Reed

Nagising ako na parang lumilindol. Nakiramdam muna ako kasi saglit lang eh humint na din pero hindi pa ako nakakarecover sa paggalaw ng kama ko eh ayun na naman ang paglindol. Kaya kahit wala pa akong balak dumilat eh napadilat ako. Syempre pa sana kung ako lang ang nandito kaso kasama ko na ang magina ko. Dumilat ako at akmang tatakbuhin na silang dalawa ng makita ko si Renz sa gilid ng kama ko. Nakangisi sya sa akin na alam na alam ko kung ano ang dahilan. Malamang sya yung nagpapagalaw ng kama ko kanina pa. Napailing na lang ako sa ginawa ng anak ko. 

"Hey kid ang aga pa huh? Alam mo bang linggo ngayon at walang pasok?" Tanong ko sa kanya. Tumayo sya saka tumabi sa akin. "Eh kasi po di ba papa  kapag sunday po wala kang pasok pati si mama?" Tumango ako saka ginulo ang buhok nya.

"Bakit?" Ngumisi lang sya ng nakakaloko saka tumayo sa harap ko at tumalon talon. "Simba po tayo. Miss ko na mag family day eh.." akala ko naman kung ano na. Bumuntong hininga muna ako bago tumango sa kanya. Hindi pa din sya tumigil sa pagtalon at lalo pa atang tinaasan ang talon nya kaya naman hinuli ko sya at dinaganan para lang kilitiin.

"Pa tama naaa.. ahhh.. papa naman eh.." hindi ko malaman kung nagmamakaawa ba sya or what. "Yan ang parusa mo kasi ginising mo ako. Sige na gisinhin mo na si mama mo para makaabot pa tayo sa unang misa" he made a face. "Samahan mo ako pa. Hirap gisingin yang si mama kapag sunday eh. Kilitiin mo din para hindi na makaporma at gumising na agad sya." Tumaas ang kilay ko. Ano bang akala nya sa mama nya bata katulad nya? Paano kung imbis na magising yun ng maayos eh masaktan pa ako? Worst magalit pa sya sa akin. Parang hindi ko ata kaya yun. Paano na lang yung plano kong pag-propose sa kanya kung galit sya sa akin?

"Pa ano na.." iiling na sana ako ng bigla nya akong hilahin patayo. Oh di ba boxer brief lang ang suot ko tapos hinihila nya ako papunta sa kwarto ng mama nya? Help me lord. Ilang saglit pa at nasa tapat na kami ng kwarto ni Sari. Walang babala nyang bnuksan ang pinto saka tumakbo sa loob. Nakahinga ako ng maluwag kasi hindi na nya ako hinila pa.

Since napalaki ang bukas ng pinto eh kitang kita ko syang nakatalikod sa akin habang nakatalukbong ng kumot. Natawa ako kasi hirap na hirap nga si Renz na gisingin ang ina. Nang mapagod siguro eh tumigil na. Aalis na sana ako para kumuha ng tshirt ng bigla nyang hilahin ang kumot. Nakaramdam agad ako ng kakaiba ng makita syang nakatalikod pa din pero hantad na sa mga mata ko ang katawan nya na natatakpan lang ng manipis na sando at isang black underware. I bet she's not wearing any bra. Napalunok ako ng tatlong beses.

Dapat umalis na ako kaya sinubukan kong itaas ang paa ko kaya lang biglang sumulpot si Renz sa likuran ko at hinila ako papasok sa loob. Anak naman huwag ganyan. Magagalit mama mo sa akin nyan eh. Gusto ko sanang isigaw sa anak ko kaya lang baka naman sumama pa ang loob sa akin kaya hinayaan ko na lang. Ipipikit ko na lang ang mga mata ko kahit magmukha pa akong tanga sa harap nya.

Ako lang ba o talagang nakaya nya talaga akong itulak sa kama at mabunggo si Sari. Kinabahan ako kasi iba na talaga eh. Lalo pa ako kinabahan ng bigla na lang humarap si Sari sa amin na nakakunot ang noo. "Ano ba naman Renz -- Reed anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Taranta nyang sabi ng makita akong nakahiga na din sa kama nya.

Napatingin sya sa ibabang bahagi ng hita ko na halata mo ang pagtayo. Binalik nya ang tingin sa akin saka bumalik ulit doon. Mahina naman akong napamura ng mapatingin ako sa dibdib nya na kahit may suot sya eh kita pa din dahil kulay puti ang sando nya.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon