My Amnesia Boy 13

3K 73 0
                                    

Sari

"Hoy babae aba anong akala mo nasa isang telenobela ka at may palayas layas ka pang nalalaman jan? Kanina ka pa hinahanap ng anak mo. Mabuti na lang at marami kaming dalang pang aliw sa kanya.." yan ang bungad sa akin ni Rems nang bumalik ako sa cottage namin na medyo madilim na. Masyado akong nadala ng mga iniisip ko na hindi ko namalayan ang oras.

"Rems.." tila nahulaan na nya ang iniisip ko kaya naman hinila nya ako sa isang upuan saka humarap sa akin. "Pasensya ka na dapat kasi si Reed ang magsasabi sa iyo eh. Hindi lang makabwelo si mokong kasi hindi nya alam kung paano sasabihin." Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Nung unang araw na nagkita kayo sa hospital. Yung dumating sya.. akala mo lang na hindi sya nagulat ng makita ka pero hindi. Oo alam nya na ikaw ang assistant ni papa kasi nakita ka nya sa isa sa mga picture na pinadala ko sa kanya nung minsang isurprise natin si papa kasi bday nya." Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko inaasahan ang mga naririnig at maaring marinig ko pa. Nagpatuloy sya.

"Nalaman na lang namin na ikaw pala yung naging dahilan ng pagalis nya nung sinabi nya that same day. Oo alam namin na pinalabas nyang may amnesia sya. Natatawa na nga lang ako sa galing nyang umarte eh." Hindi ako makapagreact sa mga sinasabi nya.

"He still love you. No. He never forget his feelings for you kahit nasa ibang bansa pa sya. Alam ko lahat yun kasi sa akin sya nagkukwento about you pero never nyang pinakita ang mukha mo at sinabi ang pangalan mo." Alam nila so ibig sabihin kaya ganun na lang sila kabait sa amin dahil..

"Lukso ng dugo. Nararamdaman nyo ba yun sa anak ko kahit noon hindi nyo pa alam ang totoo?" Tumango sya. "Alam mo kasi Sari unang kita ko pa lang sa anak mo nakita ko na sa kanya ang batang Reed. Mula sa facial expression at sa ugali. Tapos yung pangalan pa nya kapareho.." natatawang sabi pa nito na ikinangiti ko. Ewan ko ba kahit naman kasi hindi ako sigurado na sa kanya nga yung bata eh sa puso ko sya lang ang ama noon.

"Bakit ka ba kasi biglang nawala? I mean bakit mo sya iniwan kung nabuntis ka na pala nya? Alam mo bang halos mabaliw na yan kakahanap sa iyo? Buti nga at nakaakyat pa sya sa stage para makuha ang diploma at medal nya eh." Ngumiti ako ng alanganin.

Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang phone nya. Nagpaalam sya saglit na sasagutin lang yun saka lumabas.  Pumasok na lang ako sa kwarto kung nasan ang anak ko. Nahiga ako sa tabi nya saka pumikit.

Nagising lang ako ng maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Bumaba ako para sana kumain pero tinapay lang ang nakita ko kaya yun na lang ang pinatiyagaan ko. Matapos yun eh binalak ko ng bumalik sa kwarto namin ng mapansin ko si Reed na nakaupo sa may labas at mag-isang umiinom ng beer.

Wala sa sariling pinuntahan ko sya kahit hindi ako sigurado kung paano ako haharap sa kanya at kung paano ako makikipagusap.

----

Reed

"Haay" late na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok. Naisip ko na naman yung sinabi ni Martin kaya ko sya nasuntok.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon