My Amnesia Boy 15

3.2K 72 0
                                    


Sari

"Alam mo nakakatampo ka." Kumunot ang noo ko nang tumingin sa taong nagsalita. Si Lily pala. "Kaya naman pala may kakaiba sa iyo kapag nasa paligid si Dok Reed. Kaya pala iba din ang tingin nya sa iyo at sa mga lalaking nakakausap mo kasi may nakaraan kayo." Napailing na lang ako. Huwag nyang sabihin na alam na ng buong hospital? Sabagay isang linggo na yung lumipas mula ng malaman namin ni Renz yung tungkol sa papa nya.

"Sabi na eh kaya magaan ang loob ko sa iyo ikaw pala ang papa ko." yan pa ang litanya ng anak ko ng ipagtapat namin ni Reed ang lahat. Well hindi naman lahat kasi hindi ko na sinabi ang dahilan ko kaya ako biglang umalis at iniwan sya. Hindi pa din kasi kami nakakapagusap ni Martin eh.  Kaya as much as possible eh umiiwas ako kay Reed kapag nasa paligid na sya. Hindi ko din hinahayaang mapagsolo kami kasi naman natatakot akong may sabihin sya sa akin na hindi maganda.

"So kila Dok Reed na kayo nakatira ngayon?" marahan akong tumango. After nga ng outing na yun eh sinamahan na kami ni Reed sa apartment namin. Sya na nagdesisyon na lilipat na kami sa kanila.

"B-bakit kailangan pang kasama ako sa pagtira sa unit mo?" Natatarantang tanong ko sa kanya. Ayokong magisip pero aaminin kong umaasa ako. "Tingi mo sasama sa akin ang anak ko kung di ka kasama?" Balik tanong nya. Napatingin ako sa anak kong tulog na tulog na. Sa kotse nya kami nakasakay kasi nga may balak na pala syang palipatin kami. Nalaman ko na lang nung nasa byahe na kami.

"Still pangit tignan. Ano na lang iisipin ng mga kapitbahay mo?  Baka isipin pa nila na may asawa ka na ikaw din hindi ka na makakapan chicks nyan." Wala syang naging reaksyon kaya tumahimik na lang ako. Nang makarating kami sa bahay eh sya na ang nagbuhat sa anak namin.

"Sige na ayusin mo na yung mga gamit nyo para naman makaalis din tayo agad. Sa inyo ba iyong mga appliances?" Umiling ako. "Good kasi may mga gamit naman ako sa bahay."  Kumunot ang noo ko pero hindi pa din ako umalis sa harapan nya. Nasa maliit na sala kami tapat ng kama kung saan kami natutulog ni Renz.

"Bakit hindi ka pa kumikilos jan?"  Takang tanong nya ng mapansin na wala akong galaw. "Sari please. Ibigay mo na ito sa anak natin. Gusto ko syang makasama same point na gusto ka din nyang kasama. Lets just accept the fact na kailangan nating magsama sa iisang bubong para sa kanya." Wala na akong nagawa ng tungan nya ako.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng mapatili sya kaya napatingin sa amin yung ibang dumadaan. "Hoy ang ingay mo huh. Wala na kasi akong nagawa ng pilitin kami ni Reed eh." Ngumisi sya. "So magkakasama kayo sa iisang kwarto?" Mapanukson nyang tanong na nagpalaki ng mata ko.

"Baliw apat yung kwarto sa bahay na nilipatan namin kaya hindi kami magkakasama. Tig iisa kami pero sa kanya muna tumatabi si Renz kasi gusto nya talagang bumawi sa anak namin.." kwento ko pa pero tinignan lang nya ako na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Hindi ka man lang nya ginagapang?" Natampal ko nga sya sa braso. "Ewan ko nga sa iyo. Ni hindi nga ako tinitignan tapos gagapangin pa ako." Naiiling na sabi ko.

"Asus still chance mo na yun girl. Im so happy -- ay aray ano ba ayun?" niyakap nya kasi ako kaya lang tumama yata yung colar bone nya sa necklace ko. "Ah wala kwintas lang.." nilabas ko yung sinasabi ko pero nagsisisi din kasi nakita nya yung pendant na singsing.. "Teka ano yan huh.. uy ano yung nakalagay? Patingin nga.." wala na akong nagawa ng pilitin nyang hubarin yung kwintas ko.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon