ReedIve never been excited before. Not until now na mapapatunayan ko ng akin nga si Renz. Na anak ko sya kay Sari. Ang babaeng una kong minahal ng totoo. Isang linggo na din ang lumipas after kong makakuha ng pang dna sample para sa test.
Kanina pa ako nandito sa office ng kuya ko. Sya na yung pinakuha ko ng result kasi kinakabahan din ako. Saglit lang naman ako naghintay kasi dumating din sya agad na may dala ng envelope.
"Ayan na ba yun kuya?" Tumango sya kaya parang dumoble ang tibok ng puso ko. "I-ikaw na ang magbukas kinakabahan kasi ako eh." Hindi na sya nagsalita at kinuha agad ang result. Seryoso lang ang mukha nya kaya di ko malaman kung ano ba ang resulta. Kung positive ba o hindi.
"Ano na?" Tila naiinip na tanong ko pero wala pa din syang reaksyon. Maya maya pa ay tumingin sya sa akin saka umiling. "Negative bro.." ang lungkot lang ng mukha nya kaya napabuntong hininga na lang ako. I was about to see kung tama ba yjng narinig ko nang bigla syang tumawa.
"Grabe kung nakita mo lang yung itsura mo. Priceless." Kumunot bigla ang noo ko. Nakuha pa nya akong pagtripan ng lagay na yan huh. "Niloloko mo ba ako?" Halos maluha na sya kakatawa bago inabot sa akin yun resulta.
"100% match kayong dalawa meaning anak mo talaga sya Reed" relief was written all over my face. After a week of waiting sa result ng DNA testing eh natapos din. Words cant explain kung gaano ako kasaya ngayon.
"Congratulations bro. Akalain mo yung isa ka pa lang batang ama" natatawang pahayag ng magaling kong kapatid. Hindi ko din naman alam kung paano nangyari yun eh hanggang sa bigla na lang bumalik ang nakaraan sa akin.
School Fair.
Punong abala ang grupo namin sa pagaayos ng mga booth. Every year eh natatalo namin ang sarili naming record sa kagandahan at kaayusan ng school fair.
"Boss ok na lahat. Ready na sila sa pagbubukas ng fair maya.." sabi sa akin ng assistant ko nang hingan ko ng reports. Maaga kamimg pumasok lahat dahil nga guato naming masiguro na wala na kaming magiging problema.
Nang wala na kaming nakitang mali eh nagsimula na kami. Bumalik na ako sa office ko para doon na lang mag monitor sa harap ng mga screens na nakakonekta sa maraming CCTV na nakapalibot sa buong school.
Hindi naman nagtagal eh nagsidatingan na ang mga estudyante. I was busy monitoring all the footages ng may mahagip ng mga mata ko. She looks pretty with her white dress terno with a pair of doll shoes.
Everytime I looked at her eh talaga namang slow motion ang lahat. Mula ng makilala ko sya eh hindi na nawala ang mga ngiti sa labi ko. Gusto ko sya laging makita at makasama. Gusto ko ako lang ang nakakakita ngga ngiti nya. Gusto ko akin lang sya.
I made that clear to her that day when I told her how I feel about her. Para akong mababaliw kapag hindi ko sya nakikita kahit makausap man lang. I immediatly get my phone and call some neophytes.
"Bring Sari to me.. NOW!!" sigaw ko saka tinapos ang tawag. Napangisi na lang ako ng magulat sya sa pagsulpot ng dalawang lalaki sa harapan nya. Sinubukan nyang tumakbo pero dahil nakasuot sya ng dress eh wala syang nagawa ng mabilis syang nahawakan sa braso ng mga ito.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boy?!? (Fin)
RomanceReed is Sari's ex boyfriend but they got separated dahil lang sa inakala ni Sari na nagkamali sya. Years after eh nagkita ulit sila kaya lang hindi na sya kilala nito. Ano kayang gagawin nya para ipaalam dito na nagkaanak sila kung hindi naman pala...