My Amnesia Boy 19

3K 76 0
                                    

Reed

Feeling ko ngayon lang ulit ako naging masaya after namin maghiwalay dati. Though masaya din naman ako mula ng malaman kong may anak na pala ako. Kaya lang syempre iba pa din yung may isang tao kang minamahal at mahal ka din. Isang taong kasama mo sa lungkot at saya. 

Habang pinagmamasdan ko ang babaeng mahimbing na natutulog sa tabi ko eh hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko man alam kung paanong nangyaring minahal ko sya ng higit pa sa buhay ko na nung panahong iniwan nya ako eh halos mawala na ako sa katinuan. Kung tutuusin eh napaka ordinaryo lang naman ng itsura nya. Sexy sya pero may mas sexy pa sa kanya.  Tama nga siguro ang kasabihan na hindi mo alam kung kailan at kanino titibok ang puso mo.

Kaya lang napaisip din ako. Sa akin na kasi nanggaling na hindi ko na binabalikan pa ang dati ko ng naging gf. Eh hindi mo lang naman sya gf before di ba? Remember kinasal kayo sa wedding booth bago sya nawala? Nag honeymoon pa nga kayo dahilan para mabuo ang anak nyo. Tama asawa ko na nga pala sya saka siguro naman pwede kong sabihin na may exemption ako sa pwede kong balikan since may anak na kami. Saka hello may nangyari sa amin hindi naman nya pwedeng sabihin na nadala lang sya sa kagwapuhan ko di ba? Ramdam kong ginusto din nya yun kaya alam kong mahal pa din nya ako. Natigil ako sa pagiisip ng bigla syang gumalaw at yakapin ako. Siniksik din nya ang mukha nya sa leeg ko. Napakislot ako kasi nakiliti ako.

"Hmmm ang bago mo pa din kahit pinagpawisan ka na kanina.." maloko nyang bulong sa tenga ko. Nakaramdam na naman tuloy ako ng kakaibang init. "Pwede ba pang humirit ng isang round?" Balik bulong ko na nagpadilat sa kanya at napataas ng kilay. Napaikot na lang ang mga mata ko bago sya tinalikuran. "Kung ayaw mo eh di sige huwag na lang.." kunwaring pagtatampo ko. Naghintay lang ako sa susunod nyang gagawin at hindi naman ako nabigo kasi bigla nya akong niyakap sa likod at halikan sa leeg.

"Naman eh. Huwag mo nga akong tuksuhin tapos hindi mo naman ako pagbibigyan." Maktol ko pa na nagpatawa sa kanya. I missed that laugh. I missed everything about her. Kahit kailan hindi ko sya nakalimutan na sana ganun din sya.

"Pagbibigyan naman kita eh.." sabi nya kaya napaharap na ako sa kanya. I was about to kiss her nang bigla nya akong pigilan. "Hep bago yun eh kailangan muna nating magusap. Gusto ko munang maging malinaw ang lahat.." nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka.

"What do you mean?" Umupo sya kaya umayos din ako ng upo. "You took advantage of me.." seryoso nyang sabi kaya kinabahan ako. "Alam mong malungkot ako dahil wala si Renz kaya sinamantala mo yun para magawa ang gusto mo.." napailing ako saka lumapit sa kanya para yakapin sya.

"Beh huwag naman ganun. Ok im sorry kung nadala ako pero beh sinasabi ko sa iyo na seryos ako. Mahal kita at if ever mabuntis kita eh this time pakakasalan na kita. Hindi ko na hahayaang lumaki sya ng walang ama.." maramdamin kong pahayag. Tinignan ko sya pero wala man lang syang reaksyon. I sighed. Inayos ko ang sarili ko. Iiwan ko na lang muna sana sya para makapagisip ng bigla syang yumuko.

Maya maya pa eh gumagalaw na ang balikat nya at ng mag angat sya ng mukha eh maluha luha na sya kakatawa. Napasabunot ako sa buhok ko. Ano bang trip ng babaeng ito? Pinaglalaruan ba nya ako or what?

"Ang cute mo dok.." sabi nya na natatawa pa din. "Joke lang yun pero sineryoso mo naman.." sabi nya kaya napabuga na ako ng hangin. Gusto kong maging maayos tapos ganyan pa ang gagawin nya sa akin? Sa inis ko eh tumayo na ako not even minding kung wala ba akong suot. Pumasok ako sa cr saka doon nagkulong.

Seryos ako tapos nakuha pa nyang mag joke? Napapailing na lang akong pumasok sa shower room saka nagpakabasa sa malamig na tubig. Papakalmahin ko muna ang sarili ko bago ko sya harapin ulit.

Unti unti ng nawawala ang inis ko ng may maramdaman akong braso sa bewang ko. "Im sorry. Hindi ko naman alam na mapipikon ka eh. Sorry na beh.." buti na lang nakatalikod ako atleast hindi nya nakita ang pag ngiti ko. Dahan dahan akong humarap sa kanya trying to compose myself. Ayokongakita nya na hindi na ako galit. I want her to feel guilty kahit saglit lang.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon