SariFeeling ko may nagbubulungan sa paligid ko at feeling ko din eh may nakayakap sa akin. Mukhang hindi naman si Renz kasi malaki ang mga brasong nakakapa ko. Magkagnun eh nanatili pa din akong nakapikit. Ang sarap kasi sa pakiramdam eh.
"Oh di ba bagay sila." Sabi ng boses babae. I know that voice.
"Opo bagay na bagay. Boto din naman ako sa kanya para sa mama ko eh." Sabi naman ng batang makulit. I try to open my eyes only to see Dok Rems together with my son na nakangisi sa akin. Nilibot ko pa ang paningin ko at agad na nanlaki ang mata ko ng makita si Reed na tulog pa din at syang nakayakap sa akin. Shet bakit ba kami nasa ganitong posisyon?
Sa sobrang taranta ko eh natulak ko sya at boom laglag sya sa kama. "Alam mo yung masakit?" Napakagat labi ako sa kunot noo nyang reaksyon. Yung dalawa naman eh tatawa tawang lumabas.
"Breaksfast is ready na po kaya kain na tayo.." pahabol pa na sigaw ng anak ko. "S-sorry po dok. Nagmadali akong tumayo para sana tulungan sya. Nailahad ko na ang kamay ko sa kanya ng magsalita sya.
"Hindi ako tumatanggap ng sorry.." sabi nya bago kinuha ang kamay ko at hilahin ako. Natumba ako sa ibabaw nya. Feeling ko eh pulang pula ang mukha ko ng mga oras na yun. Bakit ba nya kailangang gawin yun?
Nagkatinginan lang kami pero nagulat ako ng bigla nyang baguhin ang posisyon namin. Sya na ngayon ang nasa ibabaw ko at ramdam na ramdam ko na yung kaibigan nya sa pagitan ng mga hita nya.
"Do-dok--" at wala na nga akong nagawa ng halikan nya ako. Kusa na lang pumikit ang mga mata ko at hinayaan sya sa ginagawa nya. Kahit bagong gising eh mabango pa din ang hininga nya. Alam kong mali ito pero hindi ko na kaya pigilan ang sarili ko. Hindi ko na kayang itanggi na namiss ko sya ng sobra.
Busy pa kami sa catching up namin ng biglang sumigaw na naman amg anak ko. "Ma ang tagal mo naman gutom na po ako saka may pasok pa po ako di ba?" Napaungol na lang si Dok bago tinigilan ang labi ko. Ako naman ay nagmadaling tumayo at inayos ang sarili.
"Now your forgiven." Sabi nya sabay ngisi ng nakakaloko bago nya ako tinalikuran at nauna ng lumabas ng kwartong iyon. Grabe bakit feeling ko nanginginig ang mga tuhod ko? "Oh ok ka lang? Halik pa lang yung ginawa ko nanghihina ka na paano pa kaya kung higit pa doon?" Parang magtayuan ata mga balahibo ko sa batok. Akala ko kasi wala na sya eh pero ang loko eh tinignan pa ata yung reaksyon ko.
"Ang aga lang ha. Tabi ka nga jan." Sabi ko saka ko sya tinabig para maunang makababa. Kailangan ko na atang lumayo sa kanya dahil baka sa susunod nga eh higit pa doon ang gawin nya.
Tahimik kaming kumain. Salita ng salita ang anak ko at si Rems pero kaming dalawa eh nagtitinginan lang. Alam mo yung awkward yung di mo alam ang gagawin mo kapag nagpapangabot ang mga mata nyo? Nang matapos syang kumain eh tumayo na sya.
"Maliligo lang ako at aalis na tayo.." nang makaalis na si Reed eh nginiihan lang ako ni Rems. Alam kong pinagiisipan na nya kami. Sa nakita ba naman nya kagabi eh di malabong magisip ang bruha.
"So tell me something I dont know?" Hala ka makatanong lang di ba? Umiling ako bago nagsalita. Ano naman kasi ang hindi nya alam na dapat kong sabihin? Sana kung meron di ba kaso wala naman. Its just a kiss at wala lang sa kanya yun.
Mahirap mag-assume lalo na at may isang babae na humalik sa kanya at sa hospital pa nagtatrabaho. Nang matapos syang makaligo at makapagbihis eh umalis na kami. Sa backseat na ako umupo kasi inunahan ako ng anak ko. Kwentuhan lang silang dalawa habang ako eh pumikit muna at sinubukang umidlip.
Pagdilat ko ng mga mata ko eh nasa tapat na pala kami ng apartment namin. "Nauna ng bumaba ang anak mo. Hindi ka magising eh kinailangan pa kitang halikan. Feeling mo naman masyado si sleeping beauty ka.." and then he smirked. Sinamaan ko lang sya ng tingin saka bumama ng kotse at dumiretso sa loob.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Boy?!? (Fin)
RomanceReed is Sari's ex boyfriend but they got separated dahil lang sa inakala ni Sari na nagkamali sya. Years after eh nagkita ulit sila kaya lang hindi na sya kilala nito. Ano kayang gagawin nya para ipaalam dito na nagkaanak sila kung hindi naman pala...