My Amnesia Boy 27

3.4K 69 0
                                    


Sari

Naalimpungatan ako dahil parang may maingay sa baba. Pagtingin ko sa wall clock eh pasado alas singko pa lang ng umaga. KAhit pa tamad na tamad kumilos eh bumangon pa din ako.

Nasa hagdan pa lang ako ng marinig ko yung mag ama ko na parang nagtatalo pero hindi naman galit. Naglakad ako papunta sa kusina ng dahan dahan at ng nasa pinto na ako eh nakita ko nga yung dalawa sa tapat ng ref. "Pa ang gusto ni mama sunny side up at hindi well done.." tumaas ang kilay ko. Are they trying to cook breakfast?

"Oo nga pero para maiba naman at saka ako naman yung magluluto kaya sigurado ako na magugustuhan nya yun." Nakita kong napakamot na lang sa ulo ang anak ko. Nakakatuwa silang panuorin na parang wala ng amnesia at nakakaalala na si Reed pero parang mahirap naman atang isipin na ganun lang kadali na makaalala sya.

Oo nga at maraming makakatulong sa recovery nya pero - haay basta. "Pa gusto din ni mama ng bacon at saka hotdog." Dagdag pa ng anak ko na nagpakunot sa noo nung isa. "Kailan pa sya nahilig sa ganun? Ang akam ko cereals at gatas kang ang kinakain nya ah.." ako naman ang napakunit ang noo. Paano nya nalaman yun?

"Eh di ba po buntis sya? Ayun siguro pinaglilihihan nya." Hindi na nakapagsalita si Reed kasi napansin nya na andoon ako at nakikinig sa kanila. Sinundan ng anak ko ang tinitignan ng ama kaya napansin na din nya ako. "Mama ang aga pa ah. Bakit nagising ka na? Psh wala na tuloy surprise.." nagkakamot sa ulong sabi ng anak ko bago tumakbo palapit sa akin at hinalikan ako. May kinuha sya sa likod nya at inabot sa akin.

"Happy Valentines Day ma. I love you!" Napaluha ako sa kasweetan ng anak ko kahit pa paper rose lang yung binigay nya. "Sige na magluluto lang kami magpahinga ka muna sa taas. Tatawagin na kang kita pag ok na." Hindi ako pumayag. Baka kasi kung ano pa mangyari eh kaya bandang huli eh tumulong pa din ako.

"Pagkatapos kumain ma balik ka na sa taas at matulog ka ulit. Wala ka naman pong pasok ngayon di ba? Mamaya na kang kayo mag date ni papa kapag dumating na si Tita Rems." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Para namang walang narinig si Reed kasi patuloy lang sya sa pagkain. Gusto kong mapabuntong hininga pero pinigilan ko.

"Ano kasi Renz aalis ako eh." Napatingin sya sa akin na para bang may sinabi akong mali. "May kukunin at aayusin lang ako sa hospital pero babalik din ako saglit lang ako doon" sa itsura nya eh parang ayaw nyang umalis ako pero wala naman syang nagawa.

Binilinan na lang nya akong magingat at umuwi agad kasi nga may date daw ako. Pagdating ko sa hiapital eh hinanap ko agad yung pakay ko. Sa totoo lang eh parang ayaw ko pang umuwi kasi hindi ko naman alam kung seryoso ba ang anak ko sa sinabi nyang may date kami ni Reed. Mahirap mag assume kasi mahirap masaktan. Kasalukuyan akong nagaayos ng mga file ng may magsalita sa harapan ko.

"Hi Sari.." napatingin ako sa nagsalitang si Jed. Wala sa ariking napangiti ako. Alam ko naman kung bakit sya nandito eh. Nalaman ko na dati pala nyang gf si Simoune pero dahil ayaw sa kaya ng pamilya nito eh napaghiwalay sila.

Last month lang sila muli nangkita nuon ngang nakiusap ito na ilipat ang byahe nilang dalawa ni Reed. I know that he's trying so hard to win her back. Bagay din naman sila eh. "Dinalaw mo ulit sya?" Nahihiya syang tumango. Naging magkaibigan na din naman kami kahit papano eh.

"Ah oo kaya lang madami pa syang pasyente eh kaya umalis na lang ako. Ikaw wala kang date?" Napanguso ako. Paano naman ako magkakadate di ba? Nakalimutan ata nyang may amnesia ang fiancee ko. Imbis na sagutin eh nagkibit balikat na lang ako.

"So kung wala syang pasyente eh aayain mo syang mag-date kayo ngayon?" Marahan syang umiling. "Hindi kasi alam kong malabo naman yun eh" Kita mo pa din yung lungkot sa mga mata nya. Dapat pa ba akong matuwa na hindi lang ako yung malungkot ngayong araw na ito?

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon