My Amnesia Boy 26

2.8K 66 2
                                    

Sari

"Hoy Rosario saan ka ba galing--" natuptop ni Rems yung bibig nya ng makita kung sino ang kasama namin ni Jake. Mabilis syang lumapit sa kapatid at sinipat ito.

"Reed? Nakakaalala ka na ba? Bakit ka nandito?" Paninigurado pa nya. Magtatanong pa sana si Rems ng sumingit na si Simoune. Agad namang sumama ang tingin nya sa doktora.

"Wala pa syang naaalala pero ibabalik ko na sya sa totoong pamilya nya." Napatingin kaming lahat sa kanya dahil sa sinabi nya. Mukha naman syang seryoso kaya nakinig pa kami. "Im sorry Reed for what I did. Alam kong mali pero sige pa din ako. Hindi talaga tayo totoong mag asawa. Never nangyari yun at never mangyayari kasi si Sari talaga ang mahal mo." Napaiyak na ako dahil sa saya. Totoo na talagang makakasama na namin uli si Reed.

"Nagawa ko lang yun kasi nabulag ako sa idea na mahal kita at dapat sa akin ka lang. Nung magising ka at sinabi mong wala kang maalala natuwa ako. Sinamantala ko yun kaya lang kahit wala kang maalala eh wala pa ding nangyari. Ramdam ko na sya pa dun yung hanap mo. Nung pinuntagan kanya sa Davao eh nakita ko yung saya sa mga mata mo na never kong nakita nung magkasama tayo. Sana maptawad mo ako." Sabi nya saka ako nilapitan. Nagulat ao ng bogla syang lumuhod sa harapan ko.

"Sari Im sorry. Im so sorry kasi nilayo ko sa iyo si Reed. Akala ko kasi kapag nalayo sya sa iyo eh marerealize nya na hindi ka talaga nya mahal at ako ang mahal nya but it never happened." Pinilit ko syang tumayo pero dahil hirap akong kumilos dahil sa buntis nga ako eh tinulungan na ako ni Jed.

"Iuuwi ko na sya." Nagpaalam lang sila sa amin saka sila umalis. Nang maiwan kaming tatlo nila Rems eh napatingin ako kay Reed.

"Ah - pasok ka muna sa office ng papa mo. Padating na yun. Im sure matutuwa sya kapag nakita ka." Pilit ang ngiting lumabas sa labi ko. Nagpaalam na si Rems sa amin kaya kaming dalawa na lang ang nandoon.

"Sari.." ay hindi pala kasi andoon pa pala si Jake. Hinarap ko sya saka nginitian. "Ganun nalang ba yun? Porke bumalik na sya eh ok na ulit kayo? Sari wala pa din syang maalala." May hinanakit sa tono ng binata. Alam ko naman kung saan nya hinuhugot yang emosyon nya eh.

Nung mga panahon na kailangan ko ng kausap eh nanja sya. Kahit pa hindi ko sya kinakausap eh hindi nya pa din ako iniiwan. Kaya lang kahit anong gawin ko eh wala talaga akong maramdaman sa kanya bukod sa pagiging kaibigan nya. 

"Jake Im sorry.." yun ang tanging lumabas sa bibig ko. Lalapitan ko pa sana sya kaya lang bigla na lang syang tumalikod at dumiretso alis. Napabuntong hininga na lang ako saka hinarap si Reed na hindi ko malaman kung may gusto bang sabihin o wala.

"Ahm ano maya maya dadating na si Renz baka magtaka ka na tawagin ka nyang papa. A-anak natin sya.." napaiwas ako sa kanya ng tingin sa huli kong sinabi. Hindi ko alam kaya lang para kasing nahihiya ako eh. Ayokong isipin nya na feeling close ako. "Miss ka na nya kaya naman sana huwag mo na lang ipahalata sa kanya na wala kang natatandaan - na nakalimutan mo sya." tumalikod ako kasi namuo na naman yung mga luha ko eh.

"Ang a-alam nya ka-kasi nagpunta ka lang ng Davao dahil sa Medical Mission. Wala syang alam sa nangyari so please--" napahinto ako kasi parang maiiyak na naman ako eh. Humarap ako at ng makita nya ang luha sa mga mata ko eh napaatras sya kaya napatalikod ako ulit.

"Ok lang ako. Magpahinga ka muna jan para pagdating ng anak mo eh may lakas--" hindi ko natapos ang anu pa mang sasabihin ko kasi parang naramdaman ko sya sa likuran ko. Pagharap ko naman eh napasinghap na lang ako kasi halos magdikit na ang mga mukha naming dalawa. Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako kasi feeling konting push pa eh hahalikan na nya ako.

“Re-reed!” kulang sa conviction na sabi ko. Akala ko lalayo na sya pero parang mas lalo pa syang lumapit.

“I don’t know why pero something is telling me to do this..” sabi nya bago ako kinabig at hinalikan sa labi. Awtomatiko na lang akong napahawak sa batok nya at sinagot ang halik na binigay nya. Ako pa ba ang aarte eh miss ko na talaga sya. Ok na sana ang eksena eh kaya lang talaga naman nauso pa ang mga istorbo.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon