My Amnesia Boy 16

3.4K 77 0
                                    

Sari

"Oh anong sinabi nya ng makita na suot mo yung singsing?" Napabuntong hininga lang ako. "Ayun nag thank you. Sakto kasing nandoon yung amo mo eh. Nagpapasalamat sya kasi tinulungan ko syang maitaboy si Doktora." Napanguso sya. Kahit ako naman disappointed sa naging reaksyon nya eh. Kaya nga hinubad ko na yung singsing kasi baka maiyak pa ako pero binalik ko ulit kasi naalala ko yung pakiusap nya.

"Ok lang yan girl. Atleast hindi ka nga umasa sa magandang reaksyon nya.." yun ang akala nya. "Kaya lang masakit pa din eh.." sabi ko saka yumuko. Akala ko kasi hindi na ako masasaktan eh. Akala ko makakayanan ko na kasi dati naman nagawa ko. Hindi pa pala. Ang masaklap pa noon eh parang mas masakit ngayon.

"Halika na nga at baka nandoon na yung anak ko at hinahanap na ako.." yaya ko sa kanya pabalik sa mga pwesto namin. Nagmeryenda kasi kami. "Sus as if naman pababayaan yun ng tatay nya." Hindi na lang ako nagreact, tama naman kasi sya eh. Mula ng malaman nila yung totoo eh lagi na lang silang magkasama. Minsan nga naiisip ko kung may binabalak ba si Reed na ilayo sa akin ang anak ko eh.

Isipin ko pa lang yun natatakot na ako. Ayoko. Hindi pwede. Sa akin ang anak ko. Hindi ko naman ipahdadamot sa kanya yung bata eh basta huwag nya lang kunin. Si Renz ang buhay ko kaya kapag nawala sya eh para na din akong namatay.

"Paano dito na ako. Huwag mo na lang masyadong isipin yun. Magiging ok din ang lahat tiwala lang.." nginitian ko na lang sya sa nagtuloy sa pwesto ko. Sana lang wala pa si Dok kasi patay ako kapag naunahan nya akong bumalik. Ayoko namang iaipin nya na dahil apo nya ang anak ko e magpapabaya na ako sa trabaho ko.

Malayo pa lang eh nakita ko na ang anak ko kasama na naman ang ama nya. "Huh dont tell me sinundo na naman nya yung bata?" Tanong ko sa sarili ko. Nagmadali na akong maglakad papunta sa kanila. Napansin ko na may mga hawak sila parehong gitara at parang may kinakabisang kanta. Dahan dahan akong lumapit para sana makita yung kanta na pinagaaralan nila kaya lang napansin ako ng anak ko.

"Ma!" Tila gulat na gulat nyang sabi saka mabilis na dinampot yung mga papel na nakakalat sa table ko. "Sari!" Pareho din ng tono ng anak ko saka tinulungan ang bata sa pagtatago ng mga papel. Nag cross arms ako saka sila hinarap.

"Ano yan huh? Bakit parang may tinatago kayo sa akin." Taas kilay kong tanong sa anak ko. Ayun sya nagtago lang sa ama nya. Si Reed naman eh parang ewan ang itsura. "Ah w-wala po. Nagpapraktis kami sa program sa school. Father and son po kakanta kami.." hindi pa din bumaba ang kilay ko kasi parang hindi naman totoo ang sinasabi nya eh.

"Oo totoo yun Sari. Kanina lang sinabi nung teacher nya nung sinundo ko sya sa school.." segunda naman nung tatay. Napailing na lang ako. May pakiramdam kasi talaga ako na may kalokohan silang ginagawa eh.

--

"Sus paranoid ka lang. May kaloohan agad malay mo naman totoong may program lang sa school. Sari talaga oh.." sabi ni Rems. Iniwan ko na lang yung mag ama ko at nagpunta sa kanya kasi nga feeling ko ayaw nilang ipaalam sa akon yung ginagawa nila.

"Eh bakit hindi ako kasama?" Unggot ko. She made a face. "Father and son nga di ba? Sana pala father, mother and son na lang para kasali ka." Sarkastikong nyang sabi kaya napanguso na lang ako.

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon