MAB - Epilogue

5.1K 113 8
                                    

A/N :

Salamat po sa mga bumasa nitong story na gawa gawa ko. Sana po nagustuhan nyo. Sana din po basahin nyo din yung iba ko pang stories na ginawa. Ito na po ang huling chapter :'( 

--

Kanina pa kami nandito sa simbahan at hinintay si Sari. Masaya ako kasi ngayong araw eh magiging isa na talaga kami. Ramdam ko na wala na talagang hahadlang sa pagmamahalan namin.

Si Simoune kasi ikakasal na din kay Jed habang si Jake eh kasama na ng mga kalahi nya sa mental hospital. Hindi naman ako galit sa kanya infact naaawa pa na ako eh. Nagmahal lang naman kasi sya eh pero ganun pa yung nangyari. Too much love can make you crazy nga naman. Yun ang masasabi ko sa nangyari sa kanya. Sana lang once gumaling sya eh mahanap na nya yung para sa kanya. Yung tamang babae na mamahalin din sya gaya ng pagmamahal na ginawa nya kay Sari.

Nilibot ko muna ang mga mata ko at nahagip nito sila Marco at Lily napapangisi na lang ako kapag naaalala ko kung paano pa kami nag-aaway na dalawa noon kay Sari. Pero tignan mo naman sila ngayon ni Lily at malapit ng maging mga magulang. Malapit na din kasing manganak si Lily eh. Sobrang saya nga ni loko kasi lalaki ang pangany nila.

Napatingin ulit ako sa wristwatch na suot ko. Ilang minuto na lang eh magsisimula na yung seremonya ng kasal namin pero parang wala pa ding presensya ni Sari. "Kuya nakita mo na ba si Sari?" Tanong ko sa bestman kong si Kuya Red na katabi ang isa ko pang bestman na si Renzz . Nang umiling sya eh mahina na akong napamura.

“Sus bakit ba malay mo nagpapaganda pa yun saka hello ngayon ka pa ba magaalinlangan na hindi ka nya sisiputin?” naiiling na sabi pa nya na ikinasama ng tingin ko sa kanya.

“Sana nga kung ganun lang eh. Ayokong magisip pero paano kung may nangyaring masama sa kanya?” sabi ko pa. Tinapik lang nya ako sa balikat.

"Excited lang Reed? Chill ok? Walang masamang mangyayari sa future wife mo." Napataas ang kilay. Akala naman sya hindi ganito nung kinasal kay ate. Nang makita ko si Rems na papalapit eh sya na yung tinanong ko. Atleast sya mas matinong kaunti na kausap.

"Reed wala pa si Sari.." pangunguna nya sa naiisip kong itanong. Bakas mo sa mukha nya na nag-aalala sya. Pati tuloy ako nakaramdam ng kaba. Why do I have a feeling na may masamang nangyari sa kanya.

Sa naisip ko eh kinuha ko agad ang phone ko para tawagan sya ng biglang tumunog ang iyon. Number mula sa mental hospital na pinagdalahan namin kay Jake.

"Hello?" Sagot ko tawag.

"Sir pasensya na pero inform lang po namin kayo na nakatakas po si Jake Martinez." Sa narinig ko eh parang nanikip bigla ang dibdib ko. Tinapos ko agad ang tawag ng malaman na kanina lang sya nakatakas.

"Ano yun Reed? Sino yung tumawag at bigla kang namutla jan?" Si Rems nasa tabi ko pa din. Hindi na ako nakasagot dahil biglang sumulpot ang wedding coordinator namin at sinabing dumating na yung bride. Nagsimulang tumugtong ang entourage song sign na start na nga.

I would give up everything
Before I'd separate myself from you
After so much suffering
I finally found unvarnished truth
I was all by myself for the longest time
So cold inside
And the hurt from the heartache would not subside
I felt like dying
Until you saved my life

Thank God I found you (Yeah yeah)
I was lost without you (I was lost)
My every wish and every dream
Somehow became reality
When you brought the sunlight
Completed my whole life
I'm overwhelmed with gratitude
'Cause baby I'm so thankful I found you

My Amnesia Boy?!? (Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon