Unang Kabanata

907 50 26
                                    


PILIPINAS, TAONG 1897


Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa aking sariling ama.


"Hindi ikaw ang magmamana ng posisyon ko, Diego!" Dumagundong sa kanyang silid ang kanyang boses. Hindi ko akalaing makikita ko ang ganitong ugali ng aking sariling ama.


"Nasa iyo na ang lahat! Itatak mo yan sa ulo mong makitid, ang kapatid mong si Gabriel ang magmamana ng aking posisyon, at wala ka nang magagawa pa." Tumulo ang luha ko ngunit tumalikod na lang ako at nilisan ang kanyang silid.


Itatatak ko sa isipan kong mamamatay ka dahil isa kang walang kwentang ama.


***


Nandito ako sa aking silid, malalim ang iniisip ukol sa kasal ko bukas at ang tungkol sa aking plano. Napasabunot na lang ako sa aking buhok hanggang sa biglang pumasok ang tagapag-payo ng Gobernadorcillo, nanatili siyang nakatayo sa tabi ng aking kama at nagsalita.


"Ginoong Diego, paumanhin sa aking pagpasok, kanina pa ako nakatok ngunit wala akong naririnig na tugon." Kanina pa pala siya kumakatok sa pintuan ng aking silid ngunit masyadong nababagabag ang isip ko para mapansin ito.


Napaiwas ako ng tingin. "Paumanhin."


"Alam kong ikaw ay nagdadalawang-isip tungkol sa iyong sitwasyon. Ngunit ito ang makakabuti para sa iyo na magmamana ng posisyon ng iyong ama, at isa pa, ang binibining papakasalan mo ay ang iyong kababata, siya si Binibining Amanda Corpuz, hindi ba?" Tila naman tumigil ang pagtibok ng aking puso nang marinig ang ngalan ng babaeng aking unang minahal, matagal ko nang alam na siya ang aking papakasalan ngunit 'di pa rin nagbabago ang reaksyon ng aking puso sa tuwing naririnig ko ang ngalan niya. 


Ngunit natahimik akong muli at inalala ang nangyari sa silid kanina ni ama,nagkaroon ng inis sa aking dibdib nang mabanggit niya ang posisyon ng aking ama na ang alam ng iba ay mapupunta sa akin. Magiging sagabal lang si Amanda sa aking madilim na plano laban sa aking ama.


Tinapik ng tagapag-payo ni ama ang aking mga balikat. "Nawa'y gawin mo ang nais ng iyong ama nang bukal sa puso," sabi niya at itinapat ang kanyang sumbrero sa tapat ng kanyang dibdib bago mamaalam.


Ang kapal ng mukha niyang itakda ako ng kasal kahit pa hindi ako ang magmamana ng kanyang posisyon bilang Gobernadorcillo ng San Ildefonso, at ang mas masaklap pa, hindi ko natanggihan ang kasal na ito bilang pagrerebelde dahil kay Amanda.


Nakatulog na ako dulot ng kaguluhan sa aking isipan tungkol sa mga mangyayari sa sumunod na araw.


***


Nakahanda na ang lahat. Handa na rin akong magtungo sa simbahang pagdarausan ng kasal namin ni Binibining Amanda, siya ang nag-iisang anak ng isang Kastilang may mataas na posisyon sa Europa, ang aking kababata at ang babaeng una at tangi kong minahal.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon