"I already know." Nag-salubong ang mga kilay ko sa sagot ni Zelena. She was serious while sipping on her water, not showing any signs of disbelief on what we said. Nagkatinginan naman kami ni Damon, I was surprised, pero siya seryoso pa rin ang tingin.
Nandito kami ngayon sa mga bilog-bilog na upuan na may bilog ring bato na lamesa sa ilalim ng puno sa may University. Kakatapos lang ng klase namin, at kaming tatlo ang natira kaya sinabi na namin ang totoong pagkatao ni Hiro kahit pa 'di namin sigurado kung maniniwala ba siya o hindi. Wala sina Tristan, Jace, at Celine dahil sila ang bumili ng pagkain namin.
"Paano mo nalaman?" 'Di ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
"I'm not in this school for so long without knowing anything, Avery. Sa tagal ko nang nakikita at nakakasama si Hiro, well, he has some covers that blows up. I find him mysterious sometimes. And with what you said, med'yo mahirap paniwalaan, pero sa mga misteryosong mga ginagawa niya, 'di na rin ako gaanong nabibigla. Mysterious things started to happen ever since Hiro and Damon came here. And I pretended to not know anything, kahit pa naguguluhan ako." I was in awe that she was able to keep it inside her for so long. Kung gano'n, bakit gusto niya pa rin si Hiro?
"I know what you're thinking, Avery. Alam kong iniisip mo kung bakit ko pa rin siya gusto. Kung bakit nag-aalala at iniisip ko pa rin siya." Ngumiti lang si Zelena ng tipid habang wala pa rin ang paningin niya sa'kin habang nagsasalita. Am I that easy to read? Bakit pareho sila ni Damon na alam agad ang mga iniisip ko?
"They always say that love is for fools. Tignan mo ako ngayon, iyak ng iyak kahit niloko at pinagsinungalingan na ng taong gusto ko. Nagmumukha akong tanga, wala eh, tinamaan ako eh." I couldn't sense all of the emotions she can feel while stating those lines. The only familiar emotion I can sense, is sadness.
"But, hey. Kung sinaktan niya kayo, hindi na imposibleng saktan niya rin ako. Avery, I won't choose someone I like, over my friends. Maybe it's time to take care of my heart. Kaya ko naman ng wala siya." I was touch that Zelena was thinking like that.
Hinaplos ko lang ang likod niya, "Oo. Malay mo nandiyan lang pala 'yung para sa'yo, 'di mo lang napapansin kasi nakatuod 'yung tingin mo sa iba noon." Saktong pagkasabi ko no'n, biglang dumating sina Jace.
"Oh, ano pinag-uusapan niyo? Binabackstab niyo'ko 'no?" Pagbibiro pa ni Jace kaya napatawa na lang ako. Napansin niya yatang siya ang tinutukoy ko dahil bigla kaming tumigil sa pagkwekwentuhan pagkarating nila.
"Parang hindi umiyak ng umiyak noong isang araw ah?" Binatukan pa ni Tristan si Jace kaya nakasimangot nanaman siya ngayon.
"Miss ko na si Hiro. Nasaan kaya siya?" Malungkot ang tono ng boses ni Jace pagka-upo niya sa tabi ko. Si Zelena at Celine nasa harapan ko. Si Tristan at Damon nakatayo pagkatapos ilapag 'yung tray ng mga pagkain sa lamesa, 'di ko alam kung ano ang balak nila.
"Masaya kaya siya?" Pagtatanong rin ni Celine kahit alam naman naming wala sa'min ang makakasagot noon. Si Zelena lang ang nakakaalam ng pagkatao ni Hiro, si Celine, Jace, at Tristan, walang kamalay-malay sa mga nangyayari. Iniisip nilang patay na talaga si Hiro.
"Libing na ni Hiro bukas ng hapon. Inaasikaso na ng pamilya niya, punta tayo ah?" Sabi ni Tristan habang tinatanggal 'yung coat niya at umupo sa tabi ni Zelena. Tumango naman kami. Pupunta na lang rin siguro ako kahit 'di naman totoong katawan ni Hiro 'yon. Bilang respeto na lang siguro.
"Miss mo si Hiro 'di ba, Jace?" Pagtatanong ni Celine habang nakain kami kaya napatingin kami sa kan'ya.
"Tatabihan ka nun mamaya." Napalitan ng tawanan ang lungkot na meron sila dahil sa pagbibiro ni Celine. Mukha pang nabuhusan ng malamig na tubig 'tong si Jace kaya lalo kaming natatawa.
"Gago."
Pagkatapos namin kumain, nagsi-alisan na rin kami kaagad. We took our separate paths going home. Palabas na sana ako nang gate ng bigla kong makasabay sa paglalakad si Tristan.
"Uhm, hi." Sabi niya naman kaya tipid akong ngumiti.
Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ni Tristan ang braso ko, "T-Tristan, bakit?"
"I'm sorry, Avery. Hindi ko gustong gawin 'to." Sabi niya kaya kumunot naman ang mga noo ko. Bakit naman siya nagso-sorry?
Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya ako mula sa likuran at tinakpan ang ilong ko gamit ang isang handkerchief na naging dahilan ng pagkahilo ko. May nakita pa akong puting van na tumigil sa harapan namin bago ako tuluyang mawalan ng malay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Author's note: Don't forget to vote!
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...