Ika-Anim na Kabanata

375 29 12
                                    

Hellion - Ika-Anim naKabanata


Damon's POV


Nagmamaneho ako papuntang University nang makita ko si Avery na natawid ng kalsada.


I could foresee the future. Nakaramdam ako ng intuition, ng isang pangitain na masasagasaan siya at mukhang ma-oospital siya dahil dito.


Hay nako, lapitin ng disgrasya.


Naisip ko pero pinark ko sa tabi ng kalsada ang sasakyan ko at tumakbo papalapit sa kanya.


Sasalpok na sana sa kanya yung sasakyan nang mahila ko siya, papalapit kaya napayakap siya sa'kin. "Why aren't you looking? Kita mo na yung sasakyan, oh!"


I didn't know where the rage was coming from. 


Kung kamatayan niya man ngayon, masamang pinigilan ko iyon. It's a violation sa pagiging grim reaper ko. So foolish, Damon.


Iniangat ko yung ulo niya nang marahan dahil 'di siya tumutugon sa sinabi ko, pero... naiyak?


"Hey... stop crying. I'm sorry, 'di ka naman nasagasaan ah?" Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa'kin at hiyang nag-punas ng luha.


"Thank you, Damon." Tumango na lang ako kahit 'di ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon.


"You're on your way to the University, right?" Tipid naman siyang ngumiti at tumango.


"Hatid na kita?" kusa na lang lumabas sa bibig ko iyon.


Fuck, bakit ko sinabi iyon? Dinagdagan ko lang ang sakit ko sa ulo.


 'Di ko siya gusto, maybe my inner self is just investigating about her identity, kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya... And why I'm yearning for her?


"Huh?" naguguluhang tanong niya.


"Kung ayaw mo, ingat na lang sa byahe." Tumalikod na lang ako para umalis dahil sa hiya ko. Minsan na nga lang mag-yaya, natanggihan pa.


"Damon!" Tinawag niya ako at nakaramdamam ako ng hilo. May lumabas na namang ala-ala sa isip ko habang humaharap ako kay Avery.


Pilipinas, Taong 1894 (FLASHBACK)


Namimitas ako ng bulaklak na mirasol sa hardin ng aming mansion upang ibigay kay Amanda. Gusto ko siyang ligawan kahit pa kami ay ipinagkasundo na ng kasal ng aming mga ama.


"Diego!" Tawag sa akin ni Amanda kaya't napaharap naman ako sa kanya. Suot-suot niya ang puti niyang baro't saya.


Kahit noong bata palang kaming dalawa, engganyong-engganyo na ako sa simpleng kagandahan na taglay niya na nakakahumaling kahit pa sa unang sulyap pa lamang.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon