We're living in a world of fools.
Palaging sinasabi sa'kin ni mama noon na ang kaaway, hindi mo kaaway sa umpisa. Sometimes, they're someone who's so close to you. Madalas pa nga kaibigan mo pa. At magugulat ka na lang na sasaksakin ka nila mula sa likuran. No matter how much you treasure them, they would still turn their backs at you. One day, one of them will betray you.
That's the cycle of life. Dahil hindi naman lahat ng pinapahalagahan mong tao, pinapahalagahan ka rin katulad kung paano mo sila tignan bilang importanteng tao sa buhay mo.
But believe it or not, all of us has our reasons. Lahat naman tayo nakakagawa ng mali, hindi ba? Lahat naman tayo, may itinatagong dahilan sa bawat aksyon na ginagawa natin. Minsan ginagawa natin dulot ng pangangailangan. Minsan, dahil nagmamahal tayo. At minsan, nasisilaw at naaakit lang tayo ng kalaban kaya nakakagawa tayo ng masasamang bagay.
Same goes for Hiro... And Tristan.
Kahit na tinulungan ni Tristan si Hiro na dakipin ako ngayon, sinusubukan kong isipin ang dahilan kung bakit nila nagawa 'yon. Pero hindi naman ako santo. Kahit naman anong pag-intindi ko, nakakaramdam pa rin ako ng galit. Ng sama ng loob kasi pinagkatiwalaan ko sila.
Parang kahapon lang rin nang gawan kami ng kasakiman ni Hiro peo heto nanaman siya ngayon. Kailan ba siya titigil?
"Hi there, Avery. Buti naman at tumigil ka na sa paghingi mo ng tulong." Ngiting sabi ni Hiro sa'kin habang nakaway pa. 'Yung ngiting nang-aasar. 'Yung ngiting... Pang-demonyo.
Kasama niya si Tristan at nakatingin lang siya sa'kin na para bang naaawa. It felt like he wanted to help me, pero may pumipigil sa kan'yang gawin 'yon.
Hindi ako makagalaw dahil nakatali ako sa silya. May packing tape rin ang bibig ko. All I can do was tear up. All I can do is call for help kahit alam kong walang makakaintindi dahil pag-sigaw lang ang nagagawa ko.
Pinilit kong magwala kanina kahit pa hilong-hilo ako. Nagising na lang ako kanina na nasa isang abandonadong lugar ako. Pinilit kong kumawala sa pagkakatali sa'kin pero wala talaga. Tinatawanan lang ako ni Hiro na para bang wala kaming pinagsamahan. Na para bang 'di kami naging magkaibigan.
He was enjoying how miserable I looked like right now. As if I'm just an entertainment to him.
"This has always been your destiny, Avery. Your destiny is to always die in my hands because of Damon. Palagi ka na lang niyang pinapahamak. Palagi na lang niyang inilalagay ang buhay mo sa peligro. Will your prince charming come? Or not..." Pang-aasar niya habang may hawak na patalim sa mga kamay niya. Nainis ako nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid niya.
Hindi niya alam kung paano nagdalamhati si Damon noong akala niyang patay na si Hiro. Hindi niya alam kung paano siya pinahalagahan ni Damon bilang kapatid at kaibigan. Pero heto siya ngayon, gumagawa ng kasakiman laban sa'min. Ulit.
Gusto ko muling magwala pero hindi ako hinahayaan ng katawan ko. Bawat minuto yata na lumilipas ay lalo akong nanlalambot at hindi pa rin nawawala ang pagka-hilo ko. Patuloy pa rin ang pag-ikot ng paligid. Nakakasuka tuloy sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...