Theme Song for this Chapter: Sa'yo by Silent Sanctuary (Listen to the Youtube URL attached to this chapter above.)
Damon's POV
"B-Bakit parang wala kang puso, Diego?" Tangis lang ng tangis si Amanda habang hinahampas-hampas ang dibdib ko habang bumabagsak ng malakas ang ulan at mukhang walang balak pang tumila. Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyayari at kung bakit siya nagkakagan'yan, pero ayaw ko palang ng pakiramdam na umiiyak siya. Lalo na't sa harapan ko pa.
Hindi ko siya gusto noong una. Nais ko lang sana maging kaibigan niya pansamantala. Gusto kong maging isang masamang panaginip sa buhay niya dahil sa kung paano siya maging mahina noong unang pagkakakilala ko palang sa kan'ya, ayaw ko siyang maging kaibigan. Pero hindi ko 'yun nagawa.
Noong bata ako, mahilig ako gumawa ng gulo kapag nasa paaralan bilang pagrerebelde. Pilit ko na lamang 'yong kinakalimutan dahil nabago ko naman na 'yon nang makilala ko si Amanda.
Nang magsalita siya muli, tsaka ko napagtanto kung bakit umiiyak siya. Mukhang nalaman niya sa aking mga kaibigan ang una kong sinasabi sa kanila.
Sinabi kong.... Sinabi kong ayaw ko kay Amanda.
"Nararapat lang naman sigurong hindi mo ako gustuhin pabalik. Pero galit ka ba talaga sa'kin? Bakit ka pa nagkunwari bilang kaibigan kung ganoon? N-Nakakainis ba ako? Anong nagawa ko?" Hinila ko siya papalapit sa'kin upang yakapin. Tumuloy lang siya ng pag-iyak sa balikat ko at pilit ko lang siyang pinapakalma. Buti na lang at walang nakakakita sa'min ngayon dahil madilim na ang kalangitan kasabay ang pag-bagsak ng ulan at nasa ilalim pa kami ng puno.
"May puso ako, Amanda. At mamahalin kita sa pamamagitan ng puso ko. Mamahalin kita ng higit pa sa bawat araw na lumilipas. P-Pasensiya na kung nasaktan kita. Nangangako akong hindi na mauulit." Iyon ang pangako kong gusto kong tuparin. 'Yon ang pangakong sinambit ko at saksi ang bawat pagpatak ng ulan sa pangako kong iyon.
Hindi ko siya sasaktan muli.
"Uy, nandiyan na sila Avery at Damon!" Pagtatawag ni Jace nang makapasok kami ni Avery sa malaki na beach resort na nirentahan nila. I wasn't sure if it was a rent or sad'yang isa sa kanila ay may nagmamay-ari ng resort. Tristan and Julia was already there. Walang pang-itaas si Tristan kaya kitang-kita ang benda sa may bewang niya. Kakalabas palang yata niya ng ospital noong isang araw. It was fun to see them laughing and smiling together before I leave.
Si Hiro lang ang kulang sa'min... And I don't know why I'm even bothering to think of him after what he did to me and our friends.
I didn't know why they placed so much effort in this. I think they were trying to party before our finals kasabay na rin ng bonding naming magkakaibigan. It was the weekend before hell week and I'm surprised na mas ginusto nilang mag-saya kaysa mag-aral para sa finals namin. I appreciated it as well.
Avery ran towards Zelena and Celine and gave them a hug like it was the end of the world. Napangiti na lang ako. It was cute though.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Fiksi Sejarah"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...