Ika-Labing Tatlong Kabanata

314 26 6
                                    


Avery's POV


"Avery, ikaw na kakanta ng buong kanta tutal wala na si Damon, kami na ang bahala sa instrumentals. Ayos ba?" Sabi ni Hiro at may actions pa habang nag-eexplain kaya napapangiti ako, nagpipigil na asarin siya. 



Kakadating lang niya galing sa kinainan namin kanina. Kasabay niyang pumunta dito si Zelena at Celine pero umalis rin sila agad nang magkasama, para rin makatulong na si Celine sa mga dapat ayusin bago ang event. Sila rin ang naglilibot kung may kailangan pang ayusin sa set-up.


"Wait. I need to take this call." Sumenyas si Hiro na mag-practice na kami ni Jace. Abala siyang ayusin ang gitara at mukhang nagprapractice mag-strum kaya napatingin ako kay Hiro at naisip ang sinabi kanina ni Jace.


"Hindi ko naman siya pagmamay-ari kaya wala akong karapatang ma-disappoint sa kanya." Sabi niya habang nakangiti kahit pa parang paiyak na ang mga mata niya. Nakaupo siya doon sa mga box na makikita backstage tuwing may mga event na concert o ano, backstage music equipment box yata tawag doon.


Ang hirap pala talaga 'pag hindi ka gusto ng gusto mo, ano? Lalo na't mukhang magkakaibigan na rin sila dahil since preschool nandito na nag-aaral si Zelena.


"Don't worry, Avery. Huwag mo nga ako titigan nang ganyan." Pinilit pa niyang tumawa samantalang ako, 'di alam ang gagawin at sasabihin.


"Hindi naman sa lahat ng oras, magugustuhan ka ng gusto mo. Huwag ka lang talaga mag-eexpect para hindi ka madismaya." Tipid siyang ngumiti nang mapatingin kami sa pintuan dahil pumasok si Zelena at Celine kasunod si Hiro.


"Yeah, I got you covered already. Hindi ko siya hahayaang mag-isa dito for her safety. Susunod rin ako kina Zelena mamaya kung hindi sila makakapunta dito agad." May sinabi pa ang nasa kabilang linya bago ibinalik ni Hiro 'yung phone niya sa bulsa niya kaya binalik ko na ang tingin ko kay Jace.


Pumwesto siya doon sa may upuan sa may drums at tumingin sa'kin, "Jace and I know the chords. Try natin mag-run ng kanta? Let's see kung may room pa for improvements."


Tumango naman kaming dalawa ni Jace sa sinabi ni Hiro. May nilagay na kung anong headset si Hiro sa tenga niya at nagsimula naman si Jace sa paggigitara. 


"There I was an empty piece of a shell

Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about
Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you~"
Pagkanta ko habang nilalaro ang daliri ko sa microphone na binigay sa'kin ni Hiro. Halatang praktisado sila dahil parang wala akong naririnig na mali sa pagtugtog nila.


Kalaunan ay nagsimula na ring humampas si Hiro sa cymbals ng drum kaya napangiti ako. Bagay na bagay ang tandem nilang dalawa. Para bang tinugtog na nila nang sabay 'yung kanta kaya alam na alam na nila ang gagawin.


"You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you~"


Natapos na rin ang practice namin at nakailang ulit pa kami para ayusin at i-polish ang performance dahil may naririnig daw na maling blending si Hiro na naayos rin namin agad.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon