His eyes look so cold. Ang lungkot ng mga mata niya.
"So since Damon is the last one to introduce himself, tapos na tayo. But I have a question for you, since it is your first day naman, dadalian ko lang, at baka 'di niyo rin alam that I will be your professor in Psychology. Just a simple question on your first day, and hindi kayo required lahat sumagot, but I'm encouraging you to answer if you have something on your mind." Ms. Rawilio said, habang naglalakad nang pabalik-balik sa harapan at may nakaukit na ngiti bawat titig niya sa mga estudyante na nasa classroom.
"What is love for you?" Napaisip naman ako sa tanong ng prof namin, at nasiyahan ako nang 'di ako ang naunang tawagin.
"Damon, let me call you once again, I know you're the smartest one in this class, if I'm not mistaken," saad ng prof namin na parang may halong pang-hahamon at napangiti siyang muli.
Bored na bored namang tumayo si Mr. Xavierre at nag-salita. "Love for me... Love for me is a waste of time. It's just the irony of showing positive emotions to someone who'll just hurt you in the end, or vice versa."
Ang bitter naman niya, siguro ay naloko na 'to.
Nang marinig nang ibang kaklase namin ang sinabi niya, ang ilan ay tumango-tango, at yung iba naman, mga lutang kasi 'di naman nakikinig.
Nag-aagree ako ng slight, 'di ko pa naman kasi nararanasang magmahal. Nag-babasa lang ako ng novel tungkol sa love, mga love songs din siguro dahil mahilig akong kumanta, pero 'di ko pa nagagawang ialay ang puso ko sa isang tao.
"But... But love can also be the answer to something not even answerable. It's that extraordinary... That a heartbreak is worth the smile of the person you truly love." Napatingin ako sa kanya at lalong lumungkot ang mga mata niya. Pumalakpak silang lahat at nanatili lang akong nakatitig sa kanya... Ang bilis-bilis ng tibok nang puso ko habang nakatitig sa kanya, pero ang lahat ay parang tumigil nang may isa pang lalaking nagsalita.
"What is love for me? It is the start of something wonderful, yet so painful. It's just a punishment..."
Kinabahan ako sa lamig ng boses ng nagsasalita. Pero nang lumingon ako sa harapan, wala nang tao at wala na ang prof namin. At si Damon ay nagliligpit na ng mga gamit, kaming dalawa na lang pala ang natira sa classroom...
"Narinig mo iyon?!" Nagulat naman siya sa akin at nabagsak niya ang librong inaayos niya.
"What the hell? Baliw ka ba ha? Narinig ang alin? Kita mong dalawa lang tayo dito," masungit na sagot niya. "Kanina ka pa rin nakatitig, you might fall in love with me, stop that."
"Tanga! Ang kapal mo, tinatanong lang kita kung narinig mo yung lalaking nagrecite... Yung huli... Sabi pa niya parusa daw ang magmahal! Isang simula nang maganda pangyayari na ikakasira mo lang rin daw sa huli, 'di mo ba talaga narinig?" Natatarantang sabi ko. Bakit tila ako lang ang naka-rinig? Siguro ay guni-guni ko lang iyon.
Napatitig naman siya sa kawalan.
"Ang daldal mo." Pinitik naman niya ako sa noo at naglakad papalabas ng classroom.
Salubong ang kilay ko dahil hindi naman kami close.
Patakbo akong sumunod papalabas, malayo na siya pero alam kong narinig niya ang sinabi ko.
Gusto kong pumunta sa cafeteria pero hindi ko alam ang daan kaya napili ko na lang sundan ang lalaking naka-itim na hoodie.
Nag-tataka ako dahil sa bawat pag-sunod ko sa kanya sa hallways, paunti nang paunti ang mga estudyante na nakikita ko. Parang kanina pa kami nag-lalakad pero antagal namin makarating.
Napako na lang ako sa kinatatayuan ko nang may mabangga siyang babae. Takot na takot na nag-lakad nang paatras ang babae pero nahawakan pa rin ni Damon ang pulsuhan niya at tinitigan sa mata. "Lumayo ka sa mga kotse. Cross the road safely."
Huh? Anong pinagsasabi niya? Monggoloid ata talaga 'to
"You will die, consider yourself lucky that I warned you." Lalong nanlaki ang mga mata ng babae, kumawala siya sa pagkakahawak sa kanya ni Damon at napatakbo na lang siya papalabas ng University, at nagitla ako nang makitang masagasaan siya ng nagraragasang kotse.
Eksaktong-eksakto ang kotse sa pagkasabing iyon ni Damon. Pinagkaguluhan ang babaeng naliligo na ngayon sa kanyang sariling dugo, at nahulog ko naman ang mga librong hawak ko at napaatras nang titigan ako ni Damon sa mga mata ko mula sa pwesto niya.
What the hell are you, Damon Xavierre?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...