Ika-Tatlumpung Kabanata

201 20 25
                                    


Nagulantang ang pagka-diwa ko nang may bumagsak na plato sa may pintuan ng kwarto ni Damon.


"Ano 'to, bold?" Naka-awang lang ang labi ni Zelena ngayon habang nakatitig sa'min ngayon ni Damon. Napa-tayo ako ng maayos nang mapagtantong ang weird pala ng posisyon namin ngayon. Nakita ba nila lahat? Lagot.


"Shet, pare. Sorry, 'di mo naman sinabing nakakaabala kami." Parang naka-tulala lang si Jace dahil sa nabagsak niyang plato. Akmang luluhod na sana ako para damputin 'yon nang magsalita si Damon para pigilan ako, "You'll get hurt. Ako nang bahala diyan."


I was in doubt kung susundin ko ba siya, but I could see in his eyes that he would still insist kahit pa tumanggi ako kaya nagpahatak na lang ako kay Zelena pababa.


"Kayo na ba?!" Hiya naman akong ngumiti. Aba malay ko dun, hinalikan niya lang naman ako... Kami na ba ng lagay na 'yon?


"Tanga ka, kayo na eh! Wala lang, sana all." Tumawa na lang ako habang nababa kami pababa ng hagdan. Wala naman akong alam sa ganito, first kiss ko nga 'yon tapos nakuha niya kaagad!


Pagkababa ko, nagulat ako na andami nilang pina-deliver. Ano 'to? Buffet?


"Bakit ang daming pagkain?"


"Kasi first time ko lang sa bahay ni Damon at ayaw ko namang may masira akong gamit sa panluto niya, mukhang mamahalin, e. Kaya pina-order ko na lang si Jace."
Pag-papaliwanag pa ni Zelena. Sa tuwing kasama ko sila, parang lagi kaming nakain. Squad goals yata.


May malaking roasted chicken dun, may mojos, meron ring softdrinks, may rice, tsaka pizza. Tsaka may mga pang-ibang bansang pagkain pa na 'di ko alam ang tawag.


"Parang fiesta 'no? Kung ang maraming pagkain ay fiesta, bakit kayo may jowa?" Pagsasalita ni Jace na may halong pagkanta pa habang naghahanda ng mga plato.


"Sus, wala ka lang jowa eh." Pambabara ni Zelena.


"Bakit ikaw meron? Tsaka meron naman akong jowa kung 'di lang manhid gusto ko, e. Tsaka I'm still waiting for you to move on." Pagpaparinig ni Jace. Zelena looked so confused, hanggang ngayon yata'y 'di pa rin niya gets na siya ang gusto ng madalas niyang inaaway.


"Bakit mo ako hinihintay maka-move on? Future ba kita?" 


"Oo."
Sagot ni Jace kay Zelena nang 'di manlang tumitingin sa kan'ya. Nakita ko pang med'yo napailing si Zelena habang nag-iinit ang mga pisnge. Yawa, third wheel yata ako nito, e.


"Oh, bakit nandito 'yan?!" Napatingin na lang ako sa tinuturo ni Zelena dahil parang gulat na gulat siya. Nang tignan ko 'yon, si Julia pala at mukhang kakapasok palang sa bahay.


"What? Am I not allowed to be here?" Pagtataray pa ni Julia, "This isn't your home, have manners." Sabi ni Jace na nagpasimangot sa kakambal niya.


"Pinapunta ko siya rito para kumain. Hayaan niyo na. Ako naman bahala kung maging maldita." Mahinang bulong pa ni Jace habang nagsasandok ng ulam para sa'min habang kami'y nakaupo na. 

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon