"I'm passing the phone to someone na hindi daw pupunta sa performance pero pumunta pa rin kasi nandun crush niya!" Pang-aasar ni Jace kay Damon habang pinipilit si Damon na gawin 'yung challenge na ginagawa nila. Nakaupo kaming anim ngayon sa may table na pa-bilog malayo sa mga tao na abala sa mga booth. Past lunch time na at third day na ng Foundation Day kaya wala nanaman kaming klase.
"I'm passing the phone to someone na hindi pa nagcoconfess, but got rejected already." Ibinato ni Damon ang phone ni Jace pabalik sa kan'ya at buti na lang nakatayo agad 'yung bulinggit para makuha 'yon.
"Damon naman eh! Mamemersonal na nga lang, 'di pa alam 'yung rules! 'Di mo sa'kin ibabalik 'yung phone, kay Avery kasi siya katabi mo ampota." Humagalpak kami nina Zelena, Hiro, at Celine ng tawa. Para talagang aso't-pusa sina Damon at Jace na hindi magkasundo.
"Sus, rules-rules pa. Barado ka lang eh." Hirit ni Celine kaya nakabusangot na lalo si Jace ngayon na lalong nagpatawa sa'min.
"Hindi ko kayo bati, away niyo'ko ah! Ampapanget niyo!" Nag-akto siyang parang bata na inagawan ng candy at isiniksik ang ulo niya sa tuhod niya.
"Sige na, 'di ka namin aawayin. Basta aamin ka sa crush mo." Sabi ni Zelena kaya 'di namin alam kung tatawa kami o tatahimik. Yawa, ikaw gusto niyan e.
"Tapos dapat, sa microphone. Tutal kaibigan mo naman lahat pati 'yung nasa tech team, Jace!" Suhestiyon ni Celine kaya napabalikwas na si Jace sa kaba. Pawisan na rin.
"L-Luh. Sige, awayin niyo na lang ako. Madali naman akong kausap eh." Nakatingin na sa'min ngayon si Jace at napatawa kami sa ekspresyon ng mukha niya. Para siyang natatae na ewan.
"Dali na, bro. Don't be such a kill-joy." Tumayo si Hiro at hinawakan ang braso ni Jace kaya nanlaki ang mga mata niya.
"Ampota, nahatak na nga, na-english pa, may galet ba kayo sa'kin?" Nakayakap na ngayon si Jace sa mga tuhod ni Hiro at parang paiyak pa para 'di siya nito mahatak.
"Hindi na tayo highschool. Umamin ka na, aba." Tumulong na rin si Celine upang mahatak si Jace at nakatingin na siya ngayon sa'kin habang hatak-hatak siya ng dalawa kaya 'di ko mapigilang mapahawak sa sikmura ko kakatawa.
Napatingin ako kay Zelena dahil tumayo siya at hinawakan ang pulsohan ko para makalapit sa stage kung nasaan ngayon ang tatlo. Hinatak ko rin si Damon. Yes po opo, tug of war talaga ang nilalaro namin ngayon.
"Anong klaseng trip 'to?" Nagawa kong hatakin si Damon dahil 'di naman siya umalma pero heto siya at nagtatanong. Kill-joy talaga.
"Luh. Pasalamat ka nga hinatak ka namin eh, you'll miss a half of your life kung hindi, Damon!" Hirit ni Zelena kaya napailing na lang si Damon.
"Sa tingin mo, aamin talaga si Jace?" Bulong ko kay Damon, nakatingkayad ako ngayon kasi mas matangkad siya sa'kin at hanggang leeg niya lang ako.
"No one knows. Uto-uto pa naman 'yang hapon na 'yan." Sabi niya kaya napatawa ako. Tiningnan naman kami ni Zelena na para bang tinatraydor namin siya. Hindi naman sa gano'n, pero parang gano'n na nga.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Ficción histórica"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...