Damon's POV, 2 days ago (FLASHBACK)
Pagkapasok ko sa mansyon, the only thing that caught my attention was the black book that Hiro gave me. Pagkatapos na pagkatapos ko umakyat sa kwarto ko para maligo, pagkalabas ko ay pumunta ako sa study table ko at inilapag iyon doon. It was familiar to me. So familiar.
Pagkabukas ko nito, isang pangungusap na nakasulat sa Wikang Espanyol ang parang isang bala na tumarak sa puso ko.
'Eres la causa de mi sonrisa que solo serán lágrimas eventualmente. Estás destinado a cambiar mi destino, pero él también me romperá el corazón. Que la próxima vez, nuestro amor ya no sea una tragedia.'
Sa Wikang Ingles,
Ikaw ang dahilan ng ngiti ko na magiging luha lamang sa huli. Nakalaan ka upang baguhin ang aking kapalaran, ngunit siya ring dudurog ng puso ko. Sana sa susunod, ang pagmamahalan natin ay hindi na isang trahedya.
Tsaka ko naalala kung ano ang naging tanda ng librong ito sa buhay ko. It's been more than 100 years... Nang magsimula ang buhay, ni Diego Montesillo.
Taong 1887
(pahina 1-5)
Ipinanganak ako sa isang marangal na pamilya sa bayan ng San Ildefonso. Ako si Diego Montesillo, ang panganay na anak ng kasalukuyang Gobernadorcillo ng bayan. May kapatid ako na si Gabriel Montesillo.
Simula pa noong bata ako, hindi na ako naniniwala sa salitang 'pagmamahal'. Sinasabi nilang magbabago lang ang pananaw mo kapag naranasan mo nang magmahal at mahalin pabalik. Kaya pala hindi ako naniniwala dahil kailanman hindi ako pinakitaan ng pagmamahal ng aking ama, at nang ako'y musmos pa lamang, nawala na sa aking piling ang aking ina.
Isinarado ko na ang itim kong kwaderno mula sa Espanya nang biglang pumasok sa aking silid ang nakababata kong kapatid. Ako'y walong taong gulang pa lamang, at siya'y anim na taong gulang pa lamang kaya obligasyon ko na talagang saluhin ang mga binubunga ng kanyang mga kapilyuhan.
"Kuya! May mga binibining naglalaro sa harapan ng bahay ng pamilya Corpuz! Ako'y sasali sa kanila, nais mo bang sumali rin?" Nang dahil sa sinabi ni Gabriel, napasilip ako sa bintana ng silid ko na nasa tabi ko lamang. Tanaw ko na agad ang hacienda ng Pamilya Corpuz, at natanaw ko ang mga binibining pinagkakaisahan ang isang batang babae na wari ko'y kasing edad ko lamang.
"Gabriel, sila'y hindi naglalaro, huwag ka na pumunta pa doon--" Sabi ko habang tinatago sa tukador ko ang kwaderno ko, ngunit napatigil ako nang makitang naka-alis na siya. Napailing na lang ako at kinuha ang aking sumbrero at dere-deretso nang tumakbo pababa para sundan siya.
Malapit na ako sa hacienda ng Pamilya Corpuz ngunit palinga-linga pa rin ako, hindi ko mahanap si Gabriel. Nasapo ko ang ulo ko nang makita ko siyang nasa harap ng aming hacienda at kasama na niya si Mang Kanor, ang katiwala ni ama sa pagbabantay ng hacienda. Pangiti-ngiti pa siya at kumaway, napatingin naman ako sa binibining pinagtutulungan pa rin hanggang ngayon kaya wala akong nagawa kundi ang pigilan sila.
Humakbang ako papunta sa harapan nang binibining naka-baro't saya na 'di ko pa rin matanaw ang itsura dahil nakatingin lang siya sa sementadong kalsada, halatang paiyak na, at kung nagkakamali 'man ako, siguro'y naiyak na nga talaga siya.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Ficção Histórica"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...