Ika-Dalawampu't Siyam na Kabanata

199 19 20
                                    


Malay mo tayo sa dulo

'Di natin masabi kung,

ano nga ba ang kahahantungan

Sugal ang pag-ibig,

handa akong isuko ang sarili

sa daang walang kasiguraduhan


Avery's POV


"Sinabi ba talaga sa inyo ni Damon lahat?" Tanong ko kay Zelena habang nakahiga si Damon sa kama sa kwarto ng bahay niya. Tristan's sudden operation last night was a success. Natanggal ang bala sa bewang niya pero nasa ospital pa rin siya para magpagaling. Pagkatapos magbantay ni Jace at Zelena kay Tristan kagabi, tinulungan naman nila akong dalhin si Damon dito sa bahay niya. Si Celine naman ay umuwi na rin agad pagkatapos kami i-check dahil sa pag-aalala, hinahanap na rin kasi siya sa bahay nila.


"Everything." She simply answered with a cup of coffee in her hand. Dito na rin kami nakatulog dahil hinintay namin si Jace na naghatid kay Celine kagabi.


"You also know that..." Pinutol ko pa ang sarili ko dahil baka sakaling 'di pa nasasabi ni Damon ang parteng iyon.


She chuckled, "That Hiro and Damon is a grim reaper? Alam ko dahil nasabi niyo na, pero this time, sina Jace at Celine, alam na rin." Napabuga na lang ako ng hangin. I was relieved to hear that. I didn't want to be the only one who knows. Gusto ko rin kasi ng makakausap tungkol doon maliban pa kay Damon. I don't want to stress him out more.


"You thought we won't believe the two of you kaya siguro you guys were doubting to confess it to us, right?" Tumango naman ako habang pinapanood si Damon na mahimbing pa ring natutulog hanggang ngayon. Kagabi pa siya hindi gumigising. Kagabi pa siya 'di gumagalaw kaya nag-aalala ako. Hindi naman namin siya madala sa ospital dahil baka magulat pa ang mga doktor at nars na 'di tumitibok ang puso niya o kung ano 'man. Ni hindi ko naman alam kung parehas lang ba ng tao ang katawan ng Grim Reaper o hindi. It was hard to take the risk. Even our friends thought the same.


"Kaibigan niyo kami. Kahit pa mahirap paniwalaan, maniniwala't maniniwala kami. Wala naman kayong dahilan para lokohin kami, e." Zelena held my hand to calm me down, "Ayos ka na ba? Masakit pa rin ba? Walang hiyang Hiro 'yon! Wala manlang respeto sa babae!" Napatawa naman ako sa paraan niya ng pag-aalala. Parang kailan lang gustong-gusto niya ang taong kinagagalitan niya ngayon.


"Calm down. Hayaan mo na, wala naman na tayong magagawa. Tsaka na-first aid niyo na rin naman ako, ayos na 'yon." Ngumiti na lang ako kahit med'yo hilo pa ako dahil sa kung anong pinaamoy sa'kin ni Tristan para makatulog ako at nasapak pa ako. Pagkatapos namin dalhin dito si Damon kagabi, na-frustrate pa si Zelena ng treatment sa'kin sa internet. Ano ba kasing alam namin dun, eh parehong Business Management ang course namin. Si Jace lang ang may kaunting kaalaman kasi nagmula siya sa pamilya ng mga doktor kaya tumulong siya.


"Magpahinga ka muna Avs, luto muna ako breakfast. Tawagan ko si Jace para bili muna kami ng pangluto." Kumaway muna siya bago ako iwang nakaupo sa may couch sa bedroom ni Damon. Si Damon ang nakahiga sa kama dahil sa couch na lang rin ako nakatulog kagabi dulot ng pagod. Malaki 'yon kaya nagkasya pa kami ni Zelena. Si Jace sa isang kwarto natulog at umalis rin kaninang umaga para magpaalam sa magulang niya.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon