Ika-Dalawampu't Tatlong Kabanata

290 22 22
                                    

Hellion

Pilipinas, Taong 1897

(pages 26-30)


Saksi ang bawat sigla ng kalangitan at pagpatak ng ulan

sa pait at tamis ng ating pinagsamahan,

tanging sila lang rin ang kasama ko at naging saksi noong ika'y lumisan.


Hatak-hatak ng mga naninilbihang kutsero sa amin ang isa sa mga kalesa namin kung saan ako lulan. Nakasuot ako ng itim na coat at itim na sumbrero. Bawat mamamayan na madadaanan namin, tinititigan nila ang kalesa kung nasaan ako. Tila ba pinagmamasdan ang karangyaan ng aming pamilya kaya ngumiti na lang ako para batiin sila.


Nandito ako ngayon sa bayan para tunghayan ang mga amigo ni Ama na darating mula sa Espanya. Sila ang mga dalubhasa sa medisina na siya ring pinag-aaralan ko. Ito ang gusto niyang gawin ko kapalit ng pagkakasundo ko ng pagpapakasal kay Amanda, kailangan kong umayon sa lahat ng kagustuhan niya kahit pa nakakasakal. 


"Buenos Dias, Señor Diego. Ano po ang maipaglilingkod ko sa'yo?" Nandito kami ngayon sa sikat na klinika ni Ginoong Fidel na kakauwi lang galing Espanya at sinalubong kami ng kan'yang sekretarya. 


"Naririto ba si Ginoong Fidel?" Pagtatanong ko kaya itinuro niya ang silid ni Ginoong Fidel na nagsisilbing opisina niya. Pinanatili ko na lang si Mang Esnor na siyang kutsero ng aking lulan na kalesa kanina para 'di na siya maglakad pa.


Pagkapasok ko sa opisina ni Ginoong Fidel, may nakita akong pamilyar na likod na nakatayo at nakikipag-usap sa kan'ya kaya nakatalikod siya sa gawi ko. 


Napatayo siya nang makita ako kaya yumuko ako bilang respeto. Pagka-angat ko ng aking tingin, nakaharap na ang lalaking pamilyar sa akin-- Si Gabriel pala. Bakit siya naririto?


"K-Kuya..." Nanatiling seryoso ang mukha ko habang nakatitig sa kan'ya, at siya naman ay mukhang kabado sa 'di malamang dahilan. Dali-dali siyang naglakad papalapit sa'kin, "Bakit ka naririto, Gabriel?" Pagtatanong ko sa kan'ya.


"A-Ako'y nakakaramdam ng init sa aking katawan. Sabi ng ating mga katulong sa hacienda'y ubos na ang ating mga gamot para sa sinat. K-Kaya ako naririto." 


"Ang mga tauhan naman na ni Ama ang bahala sa pag-bili ng kagamitan mula sa bayan. Dapat ay nanatili ka na lang sa iyong silid." Lumapit ako sa kan'ya at itatapat sana ang aking palad sa noo niya upang tignan ang kan'yang lagay pero umiwas siya at hinawakan ang kamay ko. "H-Huwag na, kuya. Baka mahawa ka pa sa akin. Ako na ang nagkusang pumunta rito para 'di na maabala pa ang ating mga naninilbihan sa ating hacienda."


Nagsalubong ang kilay ko dahil sa inaakto niya, halatang may itinatago siya sa akin. Pagkatingin ko sa may bulsa niya, may nakita akong hiringgilya (syringe) doon. Alam ko ang ganoong itsura ng hiringgilya, ginagamit iyong lason sa dugo para sa katawan upang makapatay. Nang mahuli niya akong nakatingin doon, hinarangan niya gamit ang palad niya ang kan'yang bulsa. Naalala ko nanaman ang sinabi sa'kin ni Amanda tungkol kay Gabriel bago kami maghiwalay noong nag-eensayo kami para sa kan'yang dula.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon