"Nasaan na ba si Damon? 'Di ba talaga 'yon pupunta?" Pagtatanong ni Zelena. Dumaragsa na ang mga tao ngayon kasi magsisimula na 'yung live band. Nakatayo na kami, at med'yo malapit kami sa stage tutal kaibigan namin 'yung isa sa mga nag-aasikaso, si Zelena.
"Sabi niya 'di siya pupunta 'di ba?" Binalik ko naman kay Zelena ang tanong.
"Weh? Malay ko ba kasi kung it's a prank 'yon."
"Sus, prank-prank pa. Sanay ka lang maloko eh." Pambabara ni Jace na naka-full get up ngayon, akala mo sa concert pupunta. May dala pang stick na umiilaw-ilaw, parang nursery na naligaw sa college.
Akmang hahampasin ni Zelena si Jace pero nahawakan niya ang braso nito, "Ang boyish mo talaga."
"Maganda naman."
"Sobra." Napatingin kami ni Celine dahil sa sinabi ni Jace. Kahit si Zelena ay naistatwa at natulala sa mukha niya habang hawak-hawak nito 'yung braso niya.
"Sobrang hangin mo." Habol na sabi ni Jace kaya marahang nasampal siya ni Zelena at umirap. Napatawa nanaman kami. Muntik na 'yon, ah.
Nakuha na ang atensyon namin ng may umakyat nang banda sa gitna ng stage. Pamilyar mukha nila sa'kin.
"Magandang Gabi sa inyong lahat! We're Silent Sanctuary, at masaya kaming inimbita niyo kami dito!" Nabuhayan ang madla nang magsalita ang lead vocalist yata 'yon ng banda nila.
"Ang kakantahin namin ngayong gabi... Ay para sa mga nagmamahal diyan!" Sigaw niya kasabay ng paghampas ng drummer kaya lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.
"Ampota. Pa'no naman kaming mga 'di minahal?" Reklamo ni Jace na para bang dismayado at pinagsisihan na gano'n ang get-up niya ngayon.
"Manahimik ka nga." Sabi ni Zelena at umakbay kina Celine at Jace. Bale, siya ang nasa gitna ng dalawa ngayon. Napangiti naman si Jace. Mas gwapo siya 'pag naka-ngiti at seryoso, sa totoo lang. Pero parang nakakapanibago 'pag tahimik eh.
"Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko, ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot~"
Tumingin ako sa paligid at puro sila magkakaakbay. May mga nakataas pang mga ilaw-ilaw mula sa mga phone nila.
"Grabe naman. Silent Sanctuary naimbita ng Xavierre University?" Tanong ni Celine, katabi ko silang tatlo pero 'di sila nakaakbay sa'kin, nakatayo lang ako na parang mannequin. Ang awkward tuloy.
"Our University is much more than what you think. Kung hinahayaan lang ng management na pumasok ang media dito, tayo na sana ang pinakasikat na University na bansa. But they don't." Sagot ni Hiro na magkapatong lang ang mga braso ngayon, nandoon siya sa kabilang dulo. 'Yung tatlo ang nasa gitna at kami ang pumapagitna sa kanila.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...