Chapter 25's Theme Song: Umaasa by Calein, listen to the Youtube URL attached to this chapter :)
Hindi na ako na-sorpresa sa biglang pag-harang ni Hiro sa sasakyan namin. Heto naman ang kutob ko kanina nang sabihin sa'kin ni Avery na si Gabriel ang pumatay sa'min, pero hindi ko akalaing ngayon na agad siya magpapakita sa'min.
"You don't need to bring me to the hospital." Nandito na kami ngayon ni Avery sa loob ng sasakyan ko. She looks so worried seeing that my body is bleeding, at halatang-halata iyon dahil puti ang suot kong panloob.
"May first-aid ako, pero Damon naman eh, bala 'yan. Bakit mo kasi iniharang sarili mo? Paano 'pag naubusan ka ng dugo?" Pinigilan ko siyang hawakan ang sugat ko, "Ako nang bahala." I tried to calm her down pero mukhang may hinahanap siya sa bag niya, 'yung first aid niya yata habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. "Avery, calm down. I won't die."
"I can't lose someone else again, Damon!" Tumaas ang boses niya kahit pa ang hinhin ng boses niya. She looks like she was having a break down.
I grabbed her arms that were shaking and hugged her tight. Umiyak naman siya sa balikat ko. "Damon naman eh. Nawalan na nga ako ng tatay, si Hiro naman tinalikuran tayo, pati ba naman ikaw, mawawala?" I can feel her sincerity saying those words while hearing her silent cries at my shoulders. I didn't know if she was attached to me being Damon, o nasasaktan siya noong nabasa niya 'yung talaarawan ko dahil sa trahedya noong nabubuhay pa kami sa nakaraang buhay.
Hinawakan ko ang buhok niya kahit pa med'yo sumasakit ang tagiliran ko, "I'm a Grim Reaper, Avery. I'm immortal, unless you end my punishment. Kaya hindi ako mamamatay. Huwag ka nang mag-alala. I'm just taking the chance to protect you... 'Cause I failed to do that before."
Sabi ko kaya hinampas niya ako sa balikat ko, "Ah!"
"Inaano kita?" Sabi ko dahil sa biglang paghampas niya sa'kin. Pagkatapos niya akong yakapin habang may bala sa tagiliran ko pa talaga?
Humiwalay na siya sa pagkakayakap ko at nagpunas ng luha. "Bakit 'di mo sinabi agad? Edi sana 'di na ako umiyak!" Kasalanan ko bang 'di s'ya nagtanong?
Napailing na lang ako. "Give me your first aid. 'Di ako mamamatay pero kailangan kong matanggal 'yung bala na 'to." Dali-dali niyang hinanap ulit 'yung kit niya at inabot sa'kin. Tinakpan pa niya 'yung mukha niya gamit 'yung palad niya na may kaunti pang butas para sumilip. Bakit pa siya nagtakip kung sisilip din naman siya?
Binuksan ko 'yung parang kit niya, and I was satisfied to see a tourniquet there, gauze, forceps, an iodine solution, and a few bandages. May inabot pa siyang towel sa'kin na kinuha ko rin agad at binasa gamit ang tubigan ko na nasa may compartment ng sasakyan. Itinaas ko ang polo na suot ko para ma-treat na kaya napatalikod si Avery at namumula pa ang mga pisnge. I smirked to myself.
After I applied the tourniquet and finished sterilizing it, med'yo kinabahan pa ako nung bubunutin ko na 'yung bala pero napahinga ako ng malalim at napadaing nang matanggal 'yon.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...