Taong 2016, Present
Damon's POV
"I'd be happy to see you fall inlove again, brother."
"Anong sabi mo, Hiro?" Litong-lito ako sa pangyayaring nakita ko. It was like I was hallucinating. Is this my past life, or just a daydream? Dreams reflect the things you worry about... maybe I'm just imagining things.
"Ha? Huwag mong sabihin na kailangan kong ulitin lahat, Damon." Inubos niya ang nasa baso niya at inilapag sa lamesa. "Are you seeing things, Damon?" Tumitig sa mga mata ko si Hiro.
"What?" I asked, confused.
"That's good." he smiled.
What's that smile for?
Nag-sisimula na akong mag-duda kay Hiro.
Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari kaya napagdesisyonan ko nang umuwi. Ini-start ko ang kotse ko at buong pagmamaneho ko papunta sa bahay, ang iniisip ko lang ay ang kakaibang nangyayari sa akin. My hallucinations at... at yung pag-iyak ko nang walang dahilan.
Avery's POV
Nagising na lang ako sa infirmary dahil sabi ng mga nurse... Nahilo daw ako? 'Di naman ako nagpakapagod, at mas lalong wala akong anemia o kung ano mang sakit yan na nagdudulot ng pagkahimatay. Naguguluhan ako pero 'di na ako nagtanong ng iba pang detalye at dumeretso na pauwi.
Nag-aabang ako ng bus sa may silong nang biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Wala pa naman akong payong.
Gustong-gusto ko nang makauwi agad, kaya lumingon-lingon ako sa paligid, baka may nagtitinda ng payong.
Nakakita ako ng matandang ginang na nagtitinda ng payong sa may tabi lang ng University kaya tinakbo ko na ito.
Iba talaga ang swerteng dala ng magaganda na tulad ko. Chos.
"Lola," pag-tawag ko sa ginang na may nakakatakot na awra.
"Ano yun, hija?" mahinahon na pag-tatanong niya.
"Pwede po bang bumili ng payong? Magkano po?"
"Libre na lang sa'yo. Ingatan mo ang sarili mo." Ngumiti ang matanda at nag-abot ng itim na payong na foldable.
"Hala, lola. Nakakahiya naman po." Binuksan ko yung coin purse ko at kinuha ang—1000 na buo lang pala ang pera ko, paano na 'to?
Baka sign ni Lord na mas kailangan ni Lola yung pera, sige na nga. Lakad na lang siguro ako pauwi.
Iaabot ko na sana sa kanya nang ngumiti siya at nagsalita. "Hindi ko kailangan ang perang iyan, iha. Kailangan mo yan sa pag-uwi mo. Napakabuti mong dalaga, ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang piniling magdilang anghel sa buhay ni Diego."
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...