Epilogo

398 25 23
                                    


This Chapter's Theme Song: Crazier, a Cover by Arthur Miguel (Listen to the Youtube URL attached above while reading.)


Hellion

(Huling Pahina)

'Ikaw ang aking tahanan at mundo. Madalas sabihin sa'kin ni ina na kapag nagmamahal ang isang tao, handa siyang saluhin ang balang dapat sana'y sa taong mahal niya. Ganoon rin ako sa'yo, Diego. Ayaw kong masaktan ka, at hihilingin ko pang ako na lang. Palagi mo akong makakasama sa araw ng matinding bagyo sa buhay mo dahil mahal kita. Ako na lang ang sasalo ng sakit na pinapasan sa'yo ng mundo. At 'yan ang pangako ko.'


Damon's POV


Sa tuwing may namamatay na malapit sa puso mo, you wouldn't have any other wish than to ask God... Na sana ikaw na lang. Sana ikaw na lang ang nawala, hindi siya.


Kasi ako naman talaga dapat ang nawala... Hindi siya.


Kahit pa hindi ka naniniwala sa Diyos, doon ka biglang kakapit sa kan'ya.


Because you wouldn't lose anything if you believed. Kahit pa huli na ang lahat.


I couldn't stop but blame myself. Ako dapat 'yon, e. Ako dapat 'yung nawala, hindi siya. Pero bakit siya 'yung nagsakripisyo? Bakit kailangan niyang gawin 'yon para isalba ako...


Everything felt so empty. It was like those times na nawala si Avery sa buhay ko. Bumalik ang dati sa lahat. I was trapped with my eternal punishment. It was plain, and I felt miserable. Parang wala na akong rason para bumangon.


Love was the cure,


and she died for me.


Sa bawat pagpatak ng ulan, parang nakiki-dalamhati pati ang kalawakan sa pighating nararamdaman ko.


'Yon lang ang nag-iisang beses na p'wede akong mawala. Kaya 'di ko magagawang sundan pa siya para magkasama kami.


I'm still immortal, at wala nang makakatapos sa buhay ko. Hindi na rin ako ginugulo ng Caudillo at ni Hiro. Nakikita ko pa sila pero mukhang masaya na silang malaman na 'di na matatapos ang buhay ko.  Gusto kong magalit sa kanila pero 'di ko magawa. 'Di man ako ang pumatay sa nakaraan kong buhay, ako naman ang nagmanipula at pumaslang ng iba kapalit ng buhay ni Avery dahil gusto ko siyang maging ligtas.


Habang buhay mananatili ang sakit sa puso ko.


At habang buhay akong aasang babalikan niya ako. Habang buhay akong maghihintay... Maghihintay na muling masilayan ang ngiti sa mga labi niya.


"Congrats, Tristan and Julia!" Maligayang sabi ni Jace habang nasa video call at kausap ang dalawang engaged. They went back to Spain at doon sila grumaduate. It was a coincidence that our graduation day and theirs were the same.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon