Ika-Labing Siyam na Kabanata

298 22 10
                                    

Damon's POV


"I told her the truth." Sabi ko pero muntik nang mabuga ni Hiro ang iniinom niyang juice. Nandito kami sa living room ng bahay ko. I needed his opinion. Kasi wala rin ako sa wisyo para malaman kung tama ba ang naging desisyon ko.


Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya, "What do you mean na sinabi mo ang totoo?"


"That I'm a grim reaper." Nagsalubong ang kilay ni Hiro. Wala pa siyang sinasabi pero halata na agad sa mukha niya ang iniisip niya. I know he's thinking why the hell I did that. 


"Hindi ka naman mahilig magpadalos-dalos, Damon. Kilala kita at alam kong pinag-iisipan mo lahat bago ka kumilos. Bakit mo 'yun ginawa?"


"It's just that... I talked to Caudillo the other day. May kapalit ang pagpigil natin sa insidente noong unang araw ng Foundation Day. A soul for a soul, Hiro." Kalmado kong sabi habang nilalaro ang lighter ko sa isang kamay ko.


"What? Nasa isang libo dapat ang mga mamamatay nang araw na 'yon. Huwag mong sabihing may isang libong tao ang mamamatay kapalit noon?" He looked devastated kaya natawa na lang ako habang umiiling.


"They're aiming for Avery. Nadamay lang talaga ang isang libong tao na mga 'yun. You don't have to worry about them anymore, natulungan naman na natin sila. Just help me protect Avery." Kita kong lalo lang siyang naguluhan sa sinabi ko dahil napahilot na siya sa sintido niya.


"Why? I heard that you did a background check on Avery through Scion. Galing ba siya sa makapangyarihang pamilya?" Ipinatong ni Hiro ang mga braso niya sa kandungan niya kaya iniabot ko sa kan'ya ang brown envelope laman ang mga papeles na nalaman ni Scion tungkol kay Avery. Tumitig muna siya sa'kin saglit bago kunin 'yon at buksan.


"Samantha Avery Perez. 17 years old. Studied highschool and elementary in Saint De Vera High School. She got in Xavierre University with a special scholarship. Father had a heart attack and is dead on arrival kasi hindi agad inasikaso ng mga doctor 'yung tatay niya. She's living with her mother who's a call center agent. At... At ang nag-iisang anak ng pamilya. So, it's just the two of them? Nanay na lang ang mayroon siya and the only property they have, is their house near the University?" He was reciting every piece of information he needed habang ibinabalik-balik ang tingin sa'kin na para bang sinisigurado kung tama ba ang mga sinasabi niya. "Why would they want her dead?"


"That... That, I don't know. Inaalam ko palang, Hiro." Sabi ko kaya tumango-tango na lang siya at ibinalik ang papel sa loob ng envelopem at ipinatong sa glass table na namamagitan sa'ming dalawa.


"How was it? Anong sabi ni Avery?" Habol niyang tanong.


I let out a heavy sigh, "Well..." 


"Kung 'yan ang sabi mo, maniniwala ako sa'yo Damon." Tumalikod na si Avery upang maglakad papalayo at napasabunot naman ako sa buhok ko. I'm devasted and I didn't know what to say or do. Alam ko namang hindi siya kumbinsido sa pinagsasabi ko. At alam kong 'di ko na rin kayang i-hypnotize pa siya. Nakaka-guilty.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon