Ika-Labing Isang Kabanata

315 28 14
                                    


Avery's POV


Tulala lang ako habang hawak ang isang gitara ni Damon habang siya pinapractice ang mga sinaulo niyang chords sa gitarang lagi niyang gamit, paborito niya yata 'yon. Nandito ulit kami sa music room ng bahay niya kasi bukas na yung performance namin for Foundation Day. Nawala na rin ang ilang namin sa isa't-isa dahil doon sa sinabi niya noong unang punta ko at 'di ko na rin nagawang itanong ang pinagsasabi niya at ang itim na libro na 'di ko na muli nakita. 'Di ko maintindihan, ngunit pamilyar sa'kin ang linyang ipinahiwatig no'n.


Naaalala ko pa kung paano ako maguluhan pagkahatid niya sa'kin pagkatapos no'n.


"Sa susunod na pagkakataon, kung magkakaroon man... Nawa'y hindi na magiging trahedya ang ating pag-iibigan."


Napako lang ang tingin ko kay Damon habang hawak-hawak ang dibdib ko dahil sa 'di maintindihang paghapdi noon. He had longing in his eyes and I was also shedding tears for no reason. Napaatras ako nang makakita ako ng imahe sa kanya ng lalaking naka-barong at mukhang maginoo, he was handsome. And it felt like I knew him. Hindi lang basta kilala, sa sandaling iyon, pakiramdam ko mahalaga siya sa'kin.


Muntik na'kong matumba dahil sa matinding hilo nang hilahin niya ang kamay ko,


"F-Forget all that. Ihahatid na kita." Tumalikod siya at inilagay ang mga kamay niya sa bulsa ng sweat pants niya. "It's not important anyway..." Mahinang bulong niya na narinig ko pa rin.


****

Nakatingin lang ako sa puting pader ng kwarto ko matapos ako ihatid ni Damon. Naguguluhan ako sa sinabi niya at kung paano siya umiyak. Naisipan kong i-text si Zelena. Binigay na niya sa'kin ang phone number niya noon pa 'man dahil nga gusto niyang mapalagay na talaga kami sa isa't-isa.


To: Zelena

Naniniwala ka ba sa déjà vu ? Past past keme? Naniniwala ka ba dun?


From: Zelena

Oo naman. Bakit? Tungkol ba kay pareng Damon 'yan?


Napatawa naman ako. Kung maka-pare siya parang kainuman lang niya sa kanto ang lalaking pinakasikat sa school.


To: Zelena

Paano mo nasabi?


From: Zelena

'Di ko kaya sinabi, tinype ko.


Nasapo ko na lang ang ulo ko at pinatay ang phone ko. Ang tanga na umasa akong makakakuha ako ng matinong sagot sa kanya.


Napatawa ako nang maalala ang kashungaan ni Zelena. Puro siya kalokohan. Napatingin tuloy ako kay Damon na ngayon ay sa akin na nakatingin. Yung tingin niya parang palihim na nagsasabi ng 'Nagkakatol ka ba?'


"Tapos naman na tayo, let's just have a short finalizing later. It's past lunch, kain kaya muna tayo?" Seryoso ba? Friends na ba kami para kumain nang magkasama?  Unti-unti naman akong tumango at tumayo para ayusin ang gitarang nasa lap ko kanina.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon