Listen to the song attached in this chapter as a youtube video while reading :)
"Hiro!" Nag-rift ako papuntang bahay ko pero nanginig ang mga tuhod ko nang makitang duguan ang katawan niyang nakahiga sa sahig. Hindi na siya nagalaw kaya nataranta ako at itinapat ang daliri ko sa may ilong niya para matignan kung nahinga pa siya... Pero wala. Walang hanging nalabas.
Wala na si Hiro. Nawala nanaman siya sa'kin... Ang kapatid ko.
Tadtad ng saksak ang katawan niya at nandoon pa rin sa lamesa ang ice cream na kanina niyang kinakain. Inilibot ko ang paningin ko dahil baka nandito pa rin ang tauhan ni Caudillo.
Pero kahit anong paglingon ko sa paligid, kay Hiro lang napako ang paningin ko. I lost my brother again. Ni dalhin nga siya sa morgue ay hindi ko magagawa dahil hindi ako makagalaw.
Isang beses ko pa nga lang siyang nayayakap simula nang bumalik ang ala-ala ko at nagpakilala siyang bilang si Gabriel na siyang kapatid ko. Pero ngayon, it will be my last hug from him.
Niyakap ko ang katawan niya at doon na bumuhos na ang luha ko. "H-Hiro... S-Sorry, nahuli nanaman si kuya... I came too late again. D-Dapat 'di ko hinayaang mangyari 'to."
Punong-puno ng pagdadalamhati at galit ang puso ko. Grim reapers are immortal. Pero kung ang mismong Diyos na ang nagdesisyong kunin ang buhay namin dahil kay Caudillo, it's the end. Hindi kami tao pero sa pagkakataong may mamatay na Grim Reaper dahil kay Caudillo, we'll become human so that we'll have a proper ceremony of death and so that humans won't get to know that mythical creatures are real, pero wala rin 'yong kwenta dahil patay na nga. Fuck her existence, she only abuses her power dahil siya ang kanang kamay ng Diyos at kalangitan.
Buong buhay ko bilang mangunguha ng kaluluwa, galit na ako sa Diyos. They always say that God won't give you a punishment you can't conquer. But I think he thought of me too highly. Sobra-sobra na ang sakit na natatanggap ko.
Tumunog ang phone ko sa bulsa kaya inis kong kinuha 'yon at pinunasan ang luha ko.
"Avery was the target, but it would be too easy to kill her first, right? Her purpose is to be the end of your punishment, pero kung hindi niya 'yon magagampanan, death threats on her will continue on. Hiro died instead of Avery. Another innocent person down. Sa tuwing sinusubukan mong protektahan si Avery, may inosenteng namamatay kapalit ang kaluluwa niya. Looks like I'm winning, Xavierre." Caudillo laughed sarcastically like a demon on the other line. Demonyo naman pala talaga siya.
"El juego aún no ha terminado. Veamos quién gana realmente al final." (The game isn't even yet to be over. Let's see who truly wins in the end.) Diin kong sabi at pinatay na agad ang tawag. Ayaw kong marinig ang boses niya dahil baka matukso pa akong pumatay.
Avery's POV
"Anong nagustuhan mo kay Damon, Avery?" Pagtatanong ni Zelena na may halong panunukso.
"Huh? Anong gusto? 'Di ko gusto 'yon!" Napataas ang boses ko. Tunog guilty kaya napatakip ako ng bibig ko. Nagtawanan naman silang dalawa ni Celine.
"Sus. Kami pa niloko mo, eh 'pag wala 'yon. Nagbabago ang timpla ng mukha mo, Avery." Pang-aasar rin ni Celine.
"Eh..." 'Yon lang ang nasabi ko. Paano ko ba ililigtas ang sarili ko, shemay. Gusto ko ba siya? 'Di ba p'wedeng nag-aalala lang ako sa kan'ya kapag wala siya AS A FRIEND?!
Tumawa nanaman silang dalawa kahit wala akong sinasabi kaya lalo akong naguluhan.
"You're confused? 'Yan din ang nararamdaman ko para kay Hiro noon. Halata na agad sa mukha mo ang mga gusto mong sabihin at iniisip mo, Avery." Patawa-tawang sabi ni Zelena.
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Fiksi Sejarah"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...