Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't-isa nang basagin n'ya ang katahimikan. "Pareho lamang tayong may tinatago sa isa't-isa." Hindi ako nag-pahalatang nabigla ako sa tunay niyang pagkatao. He's a Grim Reaper too. It's so stupid of me na 'di ko napansin ang maliliit na detalyeng iyon.
Napako ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako nito. "I'm honestly glad that you caught me, brother."
"Brother?" Nag-salubong ang kilay ko.
"Alam kong oras na para malaman mo ang lahat, kuya Diego."
Sumakit ang dibdib ko sa narinig kong pangalan na iyon mula sa kanya. Tila ba nahilo ako sa kinatatayuan ko at nandidilim ang paningin ko. Isinama niya ako sa sasakyan niya, at doon kaming nag-usap na dalawa.
"Alam kong may mga nakikita kang pangitain sa tuwing nakikita mo ako at si Avery. Pero nagkaroon ka lang ng pangitain tungkol sa akin simula nang nag-transfer siya dito, tama?" Tumango na lang ako at pinanatili ko ang blangkong ekspresyon sa mukha ko.
"I am Gabriel. Ako ang kapatid mo sa nakaraan mo, kuya. Ako ang kapatid mong nakita mo sa pangitain mo noong nag-uusap tayo sa bahay ko," pagpapatuloy niya.
"Pero... Bakit mo naalala? Grim Reapers aren't supposed to remember their past, right? Ano ang mabigat mong kasalanan? At baka sakaling alam mo rin ang kasalanang nagawa ko."
"Kailanman naman ay hindi nabura ang memorya ko, kuya. We had a choice. Kung papanatilihin ba natin ang mga ala-ala natin o hindi. And you... you chose to forget about all of it." Napasandal na lang siya sa upuan nang sasakyan niya at ipinatong ang mga kamay niya sa manibela. "Alam ko ang lahat, pero ayaw kong ibunyag sa'yo, I was waiting for the right timing."
"And when is that right timing, Hiro? Ano'ng hinihintay mo?"
"Ang dumating ang babaeng tatapos ng parusa mo," sagot niya.
Napailing na lang ako sa sinabi niya. "You really believe that someone can end my life with just a kiss?" I asked sarcastically.
"We're Grim Reapers. Doon pa lang, sapat nang dahilan para maniwala sa ibang bagay na parang pantasya lang, pero totoo pala." Tama nga siya. Ano pa ba ang 'di namin papaniwalaan eh ang pagkatao nga namin ay hindi kapani-paniwala.
"Ang ganda ni Ate Amanda, hanggang ngayon kuya." Lumingon siya sa akin at napaiwas naman ako ng tingin. "Hindi pa rin ako nakaka-alala ng maayos, Hiro. Baka naman gusto mo akong bigyan ng further explanations? Hindi ba?"
"Ang sungit mo pa rin talaga." Ngumisi siya at tumitig sa mga mata ko. "Kuya, do you really want to remember everything? Hindi mo ba 'to pagsisisihan? Nakapaloob sa nakaraan mo ang mabigat na kasalanang ginawa mo, ayos lang ba sa'yong maalala mo lahat ng iyon?"
Sa totoo lang, hindi ko alam. Pero mas maganda naman sigurong may malay ako sa mga nangyayari, hindi ba? Ayaw ko namang maging mang-mang.
"Tell me, Hiro." 'Di ako nakagalaw nang bigla s'yang naglabas nang patalim mula sa storage compartment na nasa may tabi lang ng manibela ng sasakyan niya..
BINABASA MO ANG
El Tiempo Es El Mayor Castigo
Historical Fiction"Love was the cure, but also the end of his life." Diego Montesillo, the rich, handsome, and greedy son of the gobernadorcillo in the year 1800s is currently living a new modern life as Damon Xavierre, the heir of a prominent family who hides a secr...