Ika-Labing Pitong Kabanata

288 22 13
                                    


Nakatulala lang ako habang may Prof kaming nagtuturo sa harapan. Hindi ako namamalik-mata kanina, alam kong hindi.


Hindi nakita ni Damon noong nandoon ako sa pangyayaring iyon. Gamit lang ang mga titig niya, bigla na lang naglaho ang katawan na nasa harapan ko noong papasok ako ng building, pati na si Damon. Kahit nga Science hindi ma-eexplain ang nangyaring iyon eh. Kahit si Zelena, siya ang nag-text sa'kin na may patalon sa building pero normal lang siya kung makitungo sa akin na para bang walang nangyari. Nung tinanong ko naman siya, nababaliw na daw ako. Pinakita pa niya phone niya at wala naman daw siyang sinesend na ga'nong text.


Sumilip ako sa likuran ko, wala si Damon. Si Hiro ang nandoon, magkaklase kasi kami sa klaseng 'to. 'Di kaya... Naglilibing na siya ng bangkay?


Pero ba't niya naman gagawin 'yon? Mabait siya, Avery. Baka naman nagkakamali lang ako.


Nabalik ako sa wisyo nang tapikin ako ni Zelena, "Hoy, tawag ka ni Miss. Baka gusto mong tumayo." Pagkasabi niya no'n, napatingin ako sa harapan at nakatingin na nga ang babaeng Prof namin sa'kin ngayon.


"Ms. Perez, I asked you something. I want you to define, Business Management." Sabi niya kaya umayos ako ng tayo.


"Business management is the administration of a commercial enterprise. It includes all aspects and categories of overseeing and supervising business operations and other business-related events." I tried not to stumble kahit pa hindi ako mahilig sa mga recits.


"Anything to add on Ms. Perez' answer, Mr. Xavierre?" Sabi niya habang nakatingin sa may gilid, kung nasaan ang pintuan papasok ng room. Xavierre? Si Damon 'yon ah?


Inilibot ko ang paningin ko para malaman kung sinong Xavierre ang tinutukoy niya, pero si Damon nga. Gulo ang buhok niya at nakasuot siya ng jacket habang nakasukbit ang backpack niya sa isang balikat niya.


"It is the act of allocating resources to accomplish desired goals and objectives efficiently and effectively, it comprises planning, organizing, staffing, and analysing of business activities." Walang ganang sabi niya, "Sorry, I'm late." Habol niya at naglakad na papunta sa upuan niya sa likod, katabi ni Hiro. Si Jace, nasa ibang class. May mga subjects na magkakapareho kami pero halos lahat magkakaiba.


"Very good to the both of you." Pagpuri niya at kung ano-ano pa ang itinuro at isinulat sa board bago siya mag-dismiss. Hindi na rin naman ako nakapakinig ng maayos dahil okupado ang isip ko.


"Avery? Ano kakainin mo?" Pagtatanong ni Celine. Nasa kainan na kami ngayon dito sa University. As usual, dagsa nanaman ang tao. Pero med'yo nabawasan kasi may mga estudyanteng sa labas nakain o 'di kaya'y doon sa mga round tables sa may Quad.


"Woi." Pangungulit ni Zelena sa'kin dahil tulala nanaman ako.


"Iniisip niya yata crush niya." Pang-aasar ni Celine, nakaupo ako at silang dalawa ay nakatayo dahil mag-oorder. Nagtawanan sila at si Celine na lang daw ang oorder para sa'kin para naman daw 'di siya makaabala sa iniisip ko.

El Tiempo Es El Mayor CastigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon