Kaia
"Sinong namiss nyo??!!!"
I shouted as I enter our house. Tamang tama naman na nagdidinner na ang pamilya ko.
After 3 years! Finally, I am home!
"Kaia!!!"
Mommy saw me so she immediately stands and hugged me tightly. Iba talaga kapag nakikita ang kamukha!
"I missed you, Mommy."
"I miss you too, sakto ka sa dinner."
I was shocked that even Dad stood up and hugged me too.
"Kaia, why did you not call us? We should have fetched you."
"You miss me that much Attorney?"
Daddy smiled and hugged me tighter.
"See girls? Ako talaga ang paborito."
My sisters then rolled my eyes on me except Myelle syempre. Nakangiti pa rin ang loka loka.
"Upo ka na Ate, ikukuha kita ng plate."
"Si Myelle lang talaga ang may pasalubong."
My sisters of course ganged up on me. Myelle gave me a plate and a pair of utensils then I started eating.
"What's your plan?"
Muntik na ako mapabuga ng kinakain ko. 3 years akong nag-aral at nagtraining sa US tapos pagbalik ko, plan agad? Lakas neto ni Attorney talaga oh. I graduated from my masters tapos pinaderecho na nila ako ng SGC management training for a year and a half tapos pagbalik ko, work agad agad?? Iba talaga.
"Grabe Dad, pahinga muna please?"
"Okay then, you can return to SGC next week."
"Ay grabe yung pahinga Dad. Next week agad?"
"Huwag ka jan tamad Kaia. Hinihintay ka na ni Dad sa SGC. Bumalik ka na dun."
"Grabe naman Ate, konting pahinga pa. 3 years straight yun ah."
"Wow, parang pagod na pagod naman sya."
"Ada! Makacomment ka ha!"
"Kaia, huwag mong sayangin ang panahon, I'll arrange your papers so you can start next week."
"Okay Attorney, wala naman ako magagawa diba? Excited naman kayo masyado family."
"Mamaya na nga yang usapang trabaho na yan. Kaia, eat. You've got thinner, you eat well."
"Gayahin mo daw si Ada kumain, Kaia!"
Ada just rolled her eyes at Sab. Ako naman, I just smiled at Mommy and eat some more. Ohh, how I miss my happy family.
After dinner, nagkanya-kanya na kami. At syempre pinuntahan ko ang Ate ko. When we are growing up, kami talaga ni Ate ang close. Sobrang bait kasi ni Myelle nakakatamad awayin.
"Buti naman at naisipan mo na umuwi."
"Choice ko ba yun?"
"Choice mo na pumunta sa US, Kaia."
"Ihhh, alam mo naman kung bakit. Ate"
Oh well, truth, choice ko ang pumunta sa US. Hindi kasi ako kasing talino ng mga kapatid ko to take up medicine or law kaya I choose to graduate in a good, reputable university abroad.
"Tamad ka kasi Kaia! You could have just entered law school, sobrang matutuwa si Daddy."
"You know I can't. Beauty lang ako, sayo na lang ang brains."