Chapter 18

811 43 5
                                    

Ben

I am so nervous. Feeling ko pagkatapos ng araw na ito, hindi ko na makakasama ang asawa ko. Huli kong punta dito, halos tatlong araw akong di nakabangon sa kalasingan.

Pasko naman na bukas, sana bumait na sa akin ang biyenan ko. Sana hindi na sya tumawag ng reinforcement para di naman ako masyado malasing. Hindi nga nya ako binugbog pero pinabugbog nya ako sa kapatid nya na sobrang lakas. Akala ko talaga, mabubyuda na si Kaia nung araw na yun. Di pa kasi nakuntento sa malalakas na suntok ang Uncle ni Kaia, nilasing pa ako ng sagad.

Haiii. Kalahating taon na kaming kasal ni Kaia, masaya naman kami pero twing makikita ako ng Daddy nya, feeling ko lagi gusto nya pa rin akong lasunin. Nung bumisita nga sila sa farm, yung mga simpleng pag-akbay sa akin ng Daddy ni Kaia may kasamang pasimpleng suntok.

"Hubby, okay ka lang?"

I just sigh.

"Takot ka pa din kay Daddy?"

"Wifey, gusto pa kitang makasama ng matagal. Gusto pa kitang mayakap."

Kaia just laughed.

"Ikaw naman kasi sunod ka ng sunod kay Daddy, kalma ka lang. Wag ka na kasing lumayo sa akin."

"Wifey, ayaw ko malasing sa pasko please. Paano ko naman makukuha ang christmas gift ko saýo."

"Tumigil ka nga jan."

"Wife..."

"Wala nang atrasan Ben, ayan na oh, gate na yan ng bahay."

I sighed again.

All for the love of my wife! Magpapasko kami dito sa bahay ng biyenan ko kahit feeling ko matotorture na naman ako.

"Mommy! We're home."

"Hi, Ate Kaia!"

"Ayie!"

"I missed you Ate Kaia!"

"I miss you more! Super busy ka?"

I was starstrucked. Si Aiesa Seigfreid sikat na artista ay nasa harapan namin. Wait Seigfreid, kapatid din ni Kaia?? Diba 5 lang sila?

"Ay, Ayie, my husband, Benedict Santiago, Hubby, this is our superstar, Aiesa Seigfreid, pinsan ko. She's my Uncle Luke's Unica Hija."

I smiled. Mama would be very happy to meet her.

"Hi, Kuya! Papa can't wait to meet him Ate!"

"Uncle Luke knows already?"

"Yeah! Daddy Matti called Papa to tell you already have a husband!"

Natakot ako bigla! Isa pang uncle ulit??

"Ay iba din talaga ang Daddy. Hubby, don't worry, mabait si Uncle Luke."

"Mabait."

"Yes Kuya, my Papa is mabait. I am sorry for Uncle Matti, ganoon talaga sya eh."

"Kaya ikaw Ayie, kahit sino, wag lang si Uncle Akim mauunang makakilala sa boyfriend mo!"

"Ate! Kapag 30 pa ako pwede magboyfriend."

"Aba Ayie! Expired ka na nun!"

"Grabe si Ate!"

"Joke lang. Eto naman."

Mommy Mara was heading out when she saw us.

"Kaia, anjan na pala kayo."

"Yes, Mommy."

"Ihahatid lang namin si Ayie sa airport, maiwan muna kayo jan."

"Aalis ka Yie?"

ATTEMPEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon