Chapter 21

753 40 10
                                    

Hi guys, another update. Wala lang, nagmamadali tayo eh. Kaia's story is light kaya sya ang inuna ko. Hindi po ito nakakaiyak. Nakakagalit lang. Don't worry babalaan ko kayo kapag nakakaiyak ang story.

Quota na sa update ha? Matatapos agad to! Haha

Kaia

I decided not to go to the farm today. I feel so sick. Actually, ilang araw na masama ang pakiramdam ko. Gumising akong parang naikot ang mundo ko sa matinding hilo. Siguro kasi lagi akong puyat at stressed. Ikaw ba naman ang uwian ng asawa mong naghahanap ng ibang babae, hindi ka ba naman mastress?!

Lunch time na nung naisipan kong bumaba. Si Mama lang ang nasa dining table.

"Oh, Kaia, anong nangyari? Di ka pumunta sa farm?"

"Sinubukan ko po kanina pero nahihilo po ako."

"Bakit?"

"Baka po mataas na naman ang dugo ko."

"Puyat ka kasi ng puyat kakahintay sa asawa mong suwail."

"Hindi naman po Ma. Pero hindi po ako nakapagpaalam kay Benedict na hindi ako makakapasok."

"Oh, bakit? Hindi ba kayo nagkausap kaninang umaga?"

"Maaga po ata syang umalis. Hindi ko na po kasi naabutan."

Mama sighed and hugged me.

"Kaia!! Kaia!!! Kaia!!!!"

"Oh, anjan pala ang asawa mo. Ben, andito kami sa dining table."

Ineexpect kong tanungin nya ako bakit hindi ako nakapasok pero iba ang tinanong nya.

"Kaia!! Anong ginawa mo sa mga orchids?????!!!"

"Ha?"

"Bakit mo sinira ang mga orchids ni Andrea?!"

"Ano?"

"Ben sandali nga! Bakit ba ang taas ng boses mo?!!"

"Huwag ka ng tumanggi Kaia! Ikaw lang naman ang magiinteres na sirain yun!"

"Benedict ano ba?!"

"Ano Kaia! Aminin mo na!"

"Ano bang problema mo?? Wala akong sinisira!"

Nagulat na lang kami ng sampalin nya ako tapos sya pa ang nagwalk out.

"Benedict! Benedict! Bumalik ka rito! Anong ginawa mo kay Kaia! Benedict!"

"Kaia, anak."

"Anong maling ginawa ko Mama?"

Mama hugged me.

"I am so sorry Kaia. I am so sorry."

I went to our room. I calm myself down. Nag-isip akong mabuti kung ano ang dapat gawin. Tinawagan ko si Amelia para alamin ang nangyari, sabi nya, nasira daw ang orchidarium ni Benedict kaya mainit ang ulo. Marami nga raw sinesante ngayong araw na hinahabol pa nila David at Amelia kasi mga nagalsabalutan na.

I sighed.

I tried so hard to understand him. Second time ko lang nasampal sa buong buhay ko, ang una, nung malaman ni Mommy na nagpakasal ako at pangalawa ay ito. I know I don't deserve either of those slaps because both were not my own will.

Kahit gaano pa mang kasama ang loob ko, I waited for him so we could talk this out. So we would know if this is the time to stop. Dinadalahan ako ni Mama Aurora ng pagkain sa kwarto. She had her never-ending sorry for her son.

I waited the next day, I am still sick, feeling ko sa stress to. Benedict came akala ko magsosorry sya. Akala ko magkakausap kami. Pero hindi nya ako pinansin at kumuha lang sya ng damit tapos umalis na hindi man lang ako tinapunan kahit tingin. My heart ached. I do not deserve this pain.

But I promised that I will stand by my decision. I still believe that we can talk this out. Naghintay pa ako ng ilan pang araw, hanggang sa dumaan ang isang linggo pero hindi ako inuuwian ng asawa ko. I was alone. I was crying. I was so sad. I was so scared. And above all, I am so disappointed not only to Ben but to myself. I am not really good in making sound decisions.

So many things run inside my head. And this time, I made up my mind.

I fixed my things. I called Sab to fetch me today. I just realized na hindi kailanman maayos ang relasyong ito, dahil simula pa lang, hindi naman willing si Benedict. He's doing this for his mother and his mother alone. I was right before I turned blind by love, ang relasyong ito, hindi forever.

Come to think of it, lagi nyang sinasabing happy sya sa akin but he never told me he loves me. If he did, I really cannot recall.

I sighed.

Oonga naman, masaya lang sya pero hindi nya ako mahal. At ang kasayahan nyang iyon, maari ring mawala ng ganun kabilis.What a stupid girl Kaia. Asang-asa sa bagay na wala namang aasahan.

Past lunch when Sab arrived. Ako naman, nagpaalam na. Mula nung sampalin ako ni Ben, hindi na ako iniwan ni Mama. I know that she is trying to protect me. I know she loves me. Sa dami ng sakit na naidulot ng maling desisyong ito, Mama was an exemption.

"Mama, thank you po. I had a wonderful year living here. Thank you for being very good to me. If ever mapadpad po kayo ni Amelia sa Metro, just call me. I'll be happy to accompany you."

"Kaia, hija, iiwan mo na ba talaga si Mama?"

"Opo. Sorry Mama. Uuwi na po ako, and this time, for good na."

"Oh Kaia."

"We already tried our best Mama, but I could never be enough for him. Let's please start accepting that things won't come as we wish."

"Kaia, I am so sorry. I am really sorry. I am sorry for luring you into this marriage, sorry for hurting you. I am really sorry Kaia."

"Wala po kayong dapat ipagsorry Mama. Things happened because we permit those to happen. And now, I am sorry because I am leaving your son. I am sorry Mama."

Mama Au cried non-stop.

Isinama ni Sab si Myelle, which is a good thing kasi dalawa silang naghahakot ng gamit ko. Mas mabilis kaming natapos. I looked back one more time and made sure na walang matitirang gamit ko sa bahay na ito.

Mama Aurora cried so hard pero hindi nya ako pinipigilan. Iyak lang sya ng iyak.

"Hindi mo na ba hihintayin si si Amelia?"

"Hindi na po, gagabihin po kami sa daan."

"Kaia." Mama hugged me tight

"Ingat po kayo Mama and stay healthy, my lawyer will be sending the annulment papers. They will be the ones to get in touch with him."

"Uuna na po kami Maam." pagpapaalam ni Myelle

I left Mama in her house crying.

"Hindi kami nagpaalam kay Attorney, sure ka ba na sa bahay ka uuwi?"

"Oo."

"Ayaw mo sa condo?" pagaalok ni Sab

"Sa bahay na lang."

"Pero mapapagalitan ka ni Attorney."

"Yun ang kailangan ko. Kailangang pagalitan ako ni Attorney tapos yayakapin ako ni Mommy."

I am now ending this suffering. It may hurt now but I'll heal soon. Praying that Ben could heal too.

ATTEMPEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon