Kaia
I was quietly seating in the office. Patatlong araw ko nang di masyado kinakausap ang mga tao sa paligid. I just kept mum about everything. Bahala na silang lahat. I only talk when it's essential. I just can't wait to end this.
I sighed.
"Kaia."
"Tigilan mo ako ha! At wag mo akong maasar-asar ngayon."
Ben smiled sweetly. Papansin yan mula nung mangyari nung isang araw.
"Lumayo ka sa akin, hindi ako natutuwa sa'yo."
"Ito naman, lagi ka namang di natutuwa sa akin. Wag mong sabihing naglilihi ka na agad??"
Agad kong nabato ng ballpen itong si Benedict! Naglilihi eh ni wala pa ngang nangyayari sa amin!
"Chill, tingnan mo, galit na galit ka na naman, sure ako kamukhang kamukha ko yan."
The staff inside were all smiling from ear-to-ear! Akala ata nila totoo!
"I hate you!"
"Totoo?"
"Oo! Totoong totoo!!"
"Wag ka na magalit. Sayang naman itong dala ko."
He suddenly gave me a bouquet of flowers and a box of chocolate.
"Anong gagawin ko jan?"
"Peace offering ko yan."
"Anong catch?"
Ben sighed.
"Wala, I am just really sorry Kaia."
I accepted the flowers and the chocolates. I really want a truce, pagod na akong mainis, pagod na magalit at higit sa lahat pagod na pagod na akong magwalk out!
"Smile na."
Rather smiling, I rolled my eyes at him.
"Kapag hindi ka ngumiti babawasan ko ang sweldo mo!"
I smiled. Kahit plastic ngingiti ako! Takot akong mabawasan ang sweldo ko. Kailangan kong makaipon para sa birthday ni Attorney!
"Oonga pala, mamayang 3pm, pumunta ka sa dulo ng barn. Hihintayin kita doon."
"Sa init na to?!"
"Kapag hindi ka pumunta, babawasan ko ang sweldo mo at babayaran mo yang boquet at chocolate!"
Hindi na ako nakapagsalita dahil tinakbuhan ako nung aswang. So ginawa ko na muna ang trabaho ko then I went to the barn to meet him.
"Hoy! Bwiset ka! Akala ko tinubuan ka na ng konsensya at bait tapos ngayon binawi mo na agad agad??? Grabe! Ang sama mo! Pinaasa mo lang ako! Aka----"
"Hui! Andami mo naman na agad sinabi!"
"Ikaw kasi! Di ko pa nga na eenjoy ang----"
"Hui! You know, I just wanted to take you out kasi mukha ng nastress ka na ng farm masyado. Andami dami mong sinasabi. Bumalik ka na nga sa bahay."
"Ano? Ilalabas mo ako?"
"Kung ayaw mo, wag!"
"Huy! Joke joke lang naman yun. Lika na, saan ba tayo pupunta?"
"Marunong ka ba magmotor?"
"Hindi masyado, pero jan ba tayo sasakay? Tara na!"
"Kumapit ka ha! Baka mahulog ka, di kita masalo."
"Ihhh! Saan tayo pupunta?"
"Ililibot kita sa buong farm."
Maganda ang farm, napakalawak. Kaya lang marami silang issues. Sabi kasi ni Ben kaya daw mas malaki yung parte nila kasi nakamana rin si Papa nya ng lupa na nacombine sa mana ni Mama nya. Si Tita Eula daw kasi naghahabol dahil mas malawak ang part nila Tita Aurora. Kaya ayun, malaki issues nila dito.
"Ang ganda dito."
"Ngayon ka lang ba nakalibot sa farm?"
"Dito? Oo. Nung dumating naman ako dito pagpapakasal ang sayo ang inintindi ko."
"Do you regret it?"
"Regret what?"
"Marrying me?"
"Sometimes. I mean, yes, a lot of times."
"Honest mo no?"
I smiled.
"Alam mo, yung Papa ko, tamad yun, kaya maliit lang nakuha nyang mana. Yang kabila, malaki at masagana yan masipag kasi si Lolo Art at Uncle Zeke eh."
"Uncle mo rin may-ari nitong kabila?"
"Oo. Pinsan ng Papa ko, mayroon sila jan gawaan ng furniture tsaka mango farm, coffee farm, tapos parang dinedevelop na nila yung cotton production jan."
"Wow, amazing! Pero malaki din tong farm nyo ah?"
"Si Lolo ko ang nagtanim halos lahat nyan, tinutulungan sya dati ni Lolo Art kasi nga yung Papa ko, pasaway, walang masyado maaasahan. Nung mamatay si Papa, binigay na ni Uncle sa amin yung part ng lupa na 'to. Hanggang sa nag-alaga na rin ng mga hayop si Lolo, tapos lumaki ng lumaki at binuksan namin sa public para sa additional income."
I smiled.
"Ang galing."
"Bakit parang amaze na amaze ka? Yung pamilya mo ba?"
"Anong tanong mo sa pamilya ko?"
"Wala ka bang kwento?"
"Naku! Walang interesting sa pamilya ko. Ay! Palubog na ang araw! Tingnan mo!! Haaaang ganda!!!"
Tumingin kaming pareho ni Ben sa palubog na araw.
"I am always amazed by sunsets, alam mo laging sabi ng Mommy ko sa amin, sunsets are reminders that a day had passed and you have lived by."
"Oh anong nginingiti ngiti mo jan?"
"Maganda ka nga pala no?"
"Nagdududa ka pa ha? Nagdududa ka?"
And he just hysterically laugh.
"Bwiset ka talaga! Nakakasira ka ng moment. Tara na nga! Gutom na ako. Tsaka padilim na."
We again ride the motorcycle going back.
"Benedict!!!!!"
"Ma! Nakakagulat ka ha."
"Ay, magkasama kayo? Saan kayo galing?"
"Nagdate. Happy Ma?"
Hinampas ko na lang si Benedict ng pasimple. Gago talaga to eh!
"Very very happy! Sana sa susunod apo naman."
"Ma!"
"Ay Mama Aurora, bakit nga po pala kayo sumisigaw kanina?"
"Ah, kasi may invite tayo!"
"Ano yun Ma?"
"Yung Department of Tourism may padinner para sa naawardan ng DOT top spots, tayo ang representative ng region natin!"
I smiled seeing how happy Ben is.
"See this Ben, Kaia is really our lucky charm!"
Mejo matagal na akong na andito at ngayon ko lang nakita at naramdaman na masaya si Ben. Sana always na syang ganito.