Kaia
I think after our honeymoon trip, okay naman na kaming mag-asawa. Aside from the fact that I've given my everything to him, he showed more care and cautiousness towards me.
Parang sa pagkakataong ito, nararamdaman ko ng, asawa nya talaga ako. Because now, more than anyone else, I feel safest inside his arms.
"Wife, lunch?"
"Wait, tatapusin ko lang ito."
"Wiiifffeeeeyyyyyy..."
"Oo na sige na."
One thing about Ben, he won't let me get hungry. Hindi yan papayag na hindi ako kakain sa oras ng kainan. Hindi pwedeng malilipasan ako ng gutom. Kapag weekend, hinahayaan nya akong magpahinga pero dapat kumain ako ng almusal kasabay nila.
"Wife,."
"Hmmmn?"
He just smiled at me.
"Tigilan mo ako Ben ha! Lumayas ka nga dito! Doon ka sa labas! Icheck mo ang mga hayop doon."
"Wife!"
"Isa!"
Ben sneaked a kiss and run outside. I just shook my head. Lokong loko na talaga si Benedict.
"Ma'am Kaia, talaga namang patay na patay na saýo si Boss!"
"Sira ulo yang Boss nyo kasi."
"Pero Ma'am, alam nyo po, never, as in never po talaga namin nakitang ngumiti man lang si Boss. Heto lang nung dumating kayo."
I smiled at Jenny. Ako din naman, kay Ben lang naging ganito.
"Ay Maám, dumating na nga po pala yung mga inorder natin na acrylic letter boards. Pipinturahan pa po ba namin yun?"
"Oo, pinturahan muna natin ng green tapos tsaka natin dikitan ng plastic na dahon."
"Sige po Maam, pinturahan na po namin."
"Ay, ako din magpipintura. Iinstallan ko pa kasi ng ledlights yun."
"Kami na po Maam."
"Ui, syempre tutulong ako."
"Grabe Maám madudumihan po kayo ng pintura."
"Eh ano naman, ikaw talaga Jenny. Magpapalit lang ako ng damit, doon na lang tayo sa staff hall magkita. Latagan nyo na ng mga old news paper para derecho na tayo magpintura ha?"
"Sige po Maám."
"Sarado naman ang parkway papunta sa hall, kaya makakakilos tayo ng maayos doon."
"Osige po Maam, ipapaayos ko na po lahat para ready na tayo."
I went home fast to change for work clothes yung damit na pwedeng mantsahan.
Pagpunta ko sa hall, nakakatuwa kasi ready na ready yung team nila Jenny. Nagsimula na agad kaming magpintura. Twing makakatapos kami ng letter, dinadala ni Rey sa parkway para patuyuin. We are almost done. Masaya kasi marami kaming nagtutulong tulong. Masaya kasi may nagpapatawa at nagkukwento ng mga karanasan nila noon. Dahil sa sobrang tuwa ko sa kanila, I even promised them all that I'll treat them burgers after this work.
We are almost done nung bigla na lamang may sasakyan na dumaan at nasagasaan ang mga pinintahan naming letter boards! Alam ko nakasarado ang parkway papuntang hall kasi wala namang event! Kaya nga pumayag ako na doon kami magpatuyo ng mga napinturahan na namin.
"Maám! Yung mga napinturahan na natin!!!"
The boys run and tried stopping the car. Kaya lang,nagderecho pa rin ng pagsagasa, in the end anim na letter board and nasira nya. Nadurog at naging bubog kaya hindi na pwedeng ifix. Nanlumo ako, napakatagal pinturahan ng isang letter board at napakabigat!
Pagbaba ng driver, kumulo na lang ang dugo ko. I am telling myself no to get super mad kasi baka sya ang sagasaan ko!
"Ohhhh, my bad. I'm so sorry."
"Sinadya mo yun Daisy!"
"Ui Kaia, wag ka namang mapagbintang!"
"Tigilan mo ako sa arte mo Daisy ha!"
"Awww, bakit ka ba galit na galit ha? Hindi naman ikaw ang nasagasaan ko? It's just this crap trash you are using to lure my Benedict!"
"Ikaw ang trash! Sa ginawa mo hindi ko na kailangan pang ilure si Benedict. Kahit sino di ka papatulan! Kahit kalabaw sa sama ng ugali mo!"
"What?!"
Heto na naman sya at sinampal ako. Syempre, nagdilim na ang paningin ko. Sa halip na magsorry, kung ano ano pang sinabi nya tapos sinampal pa ako! Kung di ba naman makapal ang mukha! Kaya agad kong hinigit ang buhok nya.
Parehong ayaw naman magbitaw. Nagsabunutan kami hanggang gumulong na kaming pareho sa mga bubog ng durog na acrylic. Masakit pero di ako makapigil sa sobra sobrang galit! Alam ko naman na mapapagalitan ako, alam ko na magagalit si Ben pero okay lang. Kahit palayasin nila ako ngayon, okay lang. Kung matapos sa araw na ito lahat ng pangarap ko, okay lang. Ang importante masaktan ko ang bruhang ito. Kung hindi ko masasaktan itong Daisy na ito ngayon, baka atakihin ako sa puso sa sobrang galit.
Tumigil lang kami nung si Ben na ang naghiwalay na pilit sa aming dalawa. Kakahiwalay lang namin ni Daisy, agad na syang lumapit kay Ben at yumakap sa mga bisig nya. Hindi ko na sila pinansin at tumalikod na ako. Kumukulo pa rin kasi ang dugo ko at nadadagdagan pa ang init ng ulo ko. Kailangan ko na lumayo kasi baka pati si Ben masaktan ko.
"Maám, dumudugo po yung noo at braso nyo!"
I sighed. Mahapdi nga.
"Maám nabubog po ata kayo ng acrylic."
Dinaluhan ako nung mga taong kasama ko kanina.
"Ma'am, andami nyo pong sugat!"
"Ma'am, dalahin po namin kayo sa clinic?"
"Huwag na, tapusin nyo na lang yan. Jenny, itext mo na lang sa akin yung mga nasirang letters, tatawagan ko yung supplier para magparush, kailangan natin yan sa festival."
"Ma'am?"
"Sige na Jenny."
"Pero sino po maglilinis ng sugat nyo?"
"Ako na lang po Maam!"
"Hindi na Chelle, tapusin nyo na lang yung ginagawa natin. Ako na ang bahala. After ko linisin, babalik na lang ako."
"Maam, kami na po bahala. Magpahinga ka na lang po."
I smiled. Buti pa sila, nag-aalala sa akin. I was about to walk away and clean my wounds by myself when someone grabbed me.
"Wife..."
"Sorry, alam kong mali ako. Sorry. Hindi lang ako nakapigil kasi pinaghirapan namin yun eh."
"Wala naman akong sinasabi ah."
"Alam kong magagalit ka, naiintindihan ko."
"Kaia, galit ako, Oo, pero hindi saýo."
I looked at him.
"Above everyone else, you are my priority. You are my wife. I'm sorry if I made you feel like I am choosing someone else over you. I promise wife, it'll be you and only you."
"Pero si Daisy."
"I'm sorry it took a while for me to run to you. I talked to her and warn her about hurting you. I ask her to go away and not bother you again. Hindi na sya uulit Wifey, hindi na nya pwedeng gawin ulit ito sa iyo. Hindi na ako papayag."
"Totoo?"
Ben nodded.
"I mean, totoo ka ba? Ikaw ba si Benedicto Luis?"
"Wife!"
I smiled.
"Ang daming sugat tuloy. Ipagamot muna natin. Pumunta tayo sa ospital, baka ma-infection yan."
"Hindi na. Kaya---"
"Hindi pwedeng hindi. Hindi pwedeng nasasaktan ka, kasi mas nasasaktan ako. Halika na wife, please."
I blinked over five times. Is he really Benedict?
Sometimes, miracles do happen. Hindi ako pinagalitan ng asawa ko?