CHAPTER 2

892 39 5
                                    

Kaia

Sa wakas, nabigay na din ni Ate ang inutang kong pera. At nakapanghiram na rin ako kay Attorney ng kotse kaya pupuntahan ko na si Madame sa Nueva Ecija.

Today I will clear my conscience! Kasi ang totoo, di ako makatulog ng maayos. I am dreaming of that lady who gave me money to save me. Madalas kong naiisip kung paano akong babawi. Kaya this is my chance! Para maluwag na akong makatulog. 

"Hi Kuya, saan po dito ang farm ng mga Santiago?"

"Ay, ineng, me tatlong farm ang mga Santiago dito, yung isa mga punong kahoy na may bunga, mayroong may mga hayop na maaaring magtour. Tsaka yung tupahan."

So mejo hindi ko naintindihan mga sinabi nya kaya nagtanong na lang ako ulit.

"Kung nasaan po sana si Madame Aurora Santiago po?"

"Ah, yung may tour. Direcho lang po tapos, pagdating sa sangang daan may sign doon, bandang kaliwa."

"Salamat po."

So I drove a little more. Napakalawak ng farm, jusko. Kaya naman pala parang panyong itinapon nya lang ang 480,000.

Welcome To Buenaventura-Santiago Farms

Woaw. The farm is grandiose!

"Hi Ma'am, welcome to Buenaventura-Santiago Farms. May I help you?"

"Ay, I'm here to meet with Madame Aurora Santiago po."

"Ay nasa mansion po nila si Madame, sino po sila?"

Naks! Lakas ah, pwede namang bahay lang. Gaano kaya kalaki ang bahay ni Madame para maclassify na mansion?

"Kaia po, pasabi po ako yung tinulungan nya dati sa States."

"Osige po. Upo po muna kayo."

The receptionist called someone. Ako naman umupo nga pero tingin ng tingin sa paligid. Ang ganda ganda ng farm na ito. Ang saya siguro tumira dito. Feeling ko, magiging happy si Mommy kapag dinala ko sya dito. Napakapeaceful!

Madame Aurora came, all beautiful and regal. Lakas talaga maka senyora!

"Where's my guest?"

"Hi, Madame!"

"Kaia? Naku Kaia ikaw nga!"

I smiled and went near her.

"Naku hija, I am so happy to see you!!"

"Ako din po Madame."

"Ikaw naman, Madame pa rin ba? call me Tita."

"Tita."

I smiled.

"So kumusta ka naman?"

"Okay naman po ako, thank you po talaga dun sa tulong nyo sa akin sa US."

"I told you, it's nothing. You're young and crazy back then."

"Sobrang thank you po talaga Tita."

"Wala yun! Ano ka ba! Kelan ka pa nakauwi dito sa Pilipinas? Tsaka buti nahanap mo ako."

"Nung isang araw lang po ako nakauwi. I really tried my best to go here the soonest. Andito po ako kasi babayaran ko po yung nagastos nyo noon. Yung utang na loob po, hindi ko po yun talaga mababayaran, pero atleast itong utang na pera man lang, mabayaran ko po."

"Ay hija, that's a no need."

"Pero nakakahiya po."

"Naku, wala yun, I told you I wanted to help you back then."

"Parang hindi pa rin pala po ako papatulugin ng konsenysa ko nyan ah."

"Ikaw talaga, ay, ipapakilala kita sa anak ko. Amy, come, this is Kaia, she's a friend I met in the States, Kaia, this is my daughter, Amelia."

"Hi!"

"Hello, ang ganda mo kamukha mo ang Mama mo." Bati ko

"Lalo na po ikaw."

"Kamukha ko din kasi Mama ko."

We shared some laughs with my remarks.

"Ma, lunch na."

"Oh, tamang tama, Kaia, join us for lunch please."

"Hindi na po ako tatanggi!"

"Of course, come, masarap magluto si Amelia."

I join them for lunch. Totoo nga, hindi lang basta bahay, dahil ang laki ng mansion nila. Ang napansin ko lang, kahit nasa bahay, nakaalahas at magandang maganda pa rin ang suot ni Tita, para syang gumaganap na mayamang nanay sa teleserye. Yung tutulog na lang naka eyeliner at eye brows pa!

Feeling ko si Nana ang makakasundo nitong si Tita Aurora. Si Mommy naman kasi hindi masyado nagaalahas at di rin pala make up. Mas kikay pa rin si Nana kesa kay Mommy.

"Hija, why don't you spend your night here? Kesa mapagod ka magdrive pabalik ng Manila."

"Naku hindi na po."

"Sige na, magtatampo ako nyan. Tsaka pwede namang ito na lang ang bayad mo?"

"Tita, paano naman ako tatanggi nyan. Tsaka hindi mo ba talaga ako pagbabayarin? Malaking halaga po yun."

"Ikaw naman yun, kaya okay lang."

"Pero Tita!"

"Naku Kaia, umoo ka na lang kay Mama, wala naman tayo panalo jan."

Pumayag na nga lang ako. Mukha namang talo nga ako dito. Their house is really good. Halatang maluwag ang pamumuhay at estado nila. Naging mahaba ang kwentuhan namin ni Tita Aurora. She was a young lady trapped in an old body! Mas matanda sya sa Mommy ko pero mas energetic sya.

"Ate Kaia, dito ka na po matulog sa guest room. Ilagay mo na muna ang gamit mo and pwede ka na magfreshen up. Sigurado init na init ka kanina."

"Thank you Amy."

"Eto na rin pala yung mga damit na pwede mong isuot. Ang sexy mo kasi sobra kaya no choice kundi luma ang ipasuot ko saýo."

"Hui grabe, hindi ako maarte! Tsaka wala namang problema Amy."

"Sige Ate, maiwan na kita. Sabi ni Ma, andoon lang sya sa pool side para magwine kayo."

I smiled and nodded. Nung makapagshower ako, bumaba na ako at pumunta sa poolside. Excited akong magwine.

Madame and I are happily chatting when her househelp came asking Madame for something. Kaya naiwan na muna ako sa poolside.

"Maiwan na muna kita ha? Babalik ako, feel comfortable."

"Sige po."

I was adoring the flowers on their poolside when one drunk guy came and hugged me calling me by the name Andrea.

"Wahhhhhh!"

"Andrea! Bumalik ka!"

He keeps on coming to me and even kissed me so I had no choice but to throw him into the pool.

"Anong nangyari dito?"

"Tita, who is he? He hugged me and kissed me!"

"My God! Benedict! Hindi ka na nahiya!!! I am so sorry Kaia, he's Benedict, he's my son."

Haii nako! Nahiya ako ng very light kasi yung may-ari ng bahay tinapon ko sa pool. Pero di ko naman kasalanan diba?

 Pero di ko naman kasalanan diba?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ATTEMPEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon