Kaia
For the love of 150,000! Kahit weekend maaga akong gumising para ipamukha sa bwiset na 'tong kaya ko lahat! Haii! Pagkatapos na pagkatapos ng almusal, dumirecho na ako sa farm at nagtrabaho. Yung mga gamot ng Mama nya, nilagyan ko na lang ng labels tapos iniwan ko dun sa Personal Assistant ng Mama nya.
"Kaia? Isn't it too early?"
"Ma, Kaia would never want me to miss her kaya sabay na kaming pupunta sa farm."
I rolled my eyes.
"Isn't she working in the office?"
"She wants to try working on the farm instead Mama."
Wow, di ko alam may spokesperson na pala ako. Sya na lang talaga ang salita ng salita.
"Kaia?"
I just smiled. Talo ang pikon!
Imagine, kahapon pa lang pag-uwi ko, may checklist na naman ako! Kaya naman di ko na lang pinansin yung asawa ko ngayong umaga, ayoko na madagdagan ang inis ko. Di ko na pinatulan ang mga banat nya.
I went to the chicken poultry to get the eggs in the morning. Mahigit 2 hours ako doon sa dami ng manok! But I managed. Actually masaya naman yung trabaho sa farm eh, masyado lang sadista si Ben sa akin na andami nyang pinapagawa!
So after collecting the eggs, I went to the horses to feed them. Then someone introduced himself to me.
"Hi! I am Peter."
Tiningnan ko lang sya, I don't talk to strangers.
"Pinsan ko si Benedict. Sa Manila ako nag-aaral, hindi ako umabot nung kasal nyo."
Oh, pinsan naman pala.
"Ah-Hi, I'm..."
"Kaia, I got the invitation, I just had prior commitments kaya di ako nakarating. Sorry and Congrats."
I smiled at him. Natawa ako, bagay na bagay yung greeting nya na magkasama considering my situation. Sorry and Congrats.
"Teka, kakakasal nyo lang ah? Mukhang pinapahirapan ka naman na agad ng pinsan ko."
"Ah, hindi naman."
"Mahal mo nga siguro ang pinsan ko, sa sama ng ugali noon, ikaw lang siguro ang tatagal."
Gusto kong sabihing hindi rin.
"Nakalibot ka na ba dito sa farm? Ito naman kasing pinsan ko masyado malihim tungkol sa'yo. Nagulat na lang kami sa madalian nyong kasal. Ilang buwan na ba?"
"Ilang buwan?"
"Pregnant?"
"Ah, hindi. Hindi."
"Oh, so bakit kayo nagmadali?"
I smiled. Wala naman si Ben kaya ako na ang gagawa ng kwento para sa kanya.
"He loves me too much. Baka natatakot na makuha ako ng iba."
Peter laughs like a demon. Di maganda ang vibes ko ah!
"Anyway, can I invite you for a snack? Hindi naman na siguro magagalit ang asawa mo kasi kasal na kayo."
Nag-isip ako, sasama na lang ako diba? Baka kasi pagdudahan pa nila ang kasal namin kaya ibinilin ko na lang sa ibang tao ang task ko for today. Babawi na lang ako sa kanila.
Umikot kami papunta doon sa may kanluran, di ko akalain na may magandang orchidarium dito.
"Ang ganda naman dito!"