CHAPTER 7

655 35 4
                                    

Kaia

Napakabilis talaga ng panahon. Akalain mong kahapon, isang buwan na akong andito. Naka pagpaalam na ako kay Tita Au na uuwi muna ako sa weekend. Kapag hindi ako umuwi, baka mapatay ako ako ni Attorney for real.

Isang buwan na pero jusko naman talaga! Mag-asawa ka ba naman ng sadista! Madalas talaga mali ang mga desisyon ko sa buhay, halimbawa na nga lang itong pagpapakasal ko sa taong di ko naman kilala bilang bayad sa utang na loob ko sa nanay nya.

Mejo okay na ako sa farm. Nasasanay na ako sa pagtira ko dito, sanay na rin ako sa mabigat na trabaho. Okay naman ang mga kasama ko dito, si Mama Aurora, si Amelia, si David tsaka yung mga tao dito sa farm. Mayroon din naman syempreng may ayaw sa akin. Yung Tita ni Benedict, yung Lola nya at yung pinsan nyang si Peter.

Isang beses isang linggo, sinasamahan namin ni Amy si Mama sa ospital na ikinasasaya nya kasi wala syang bukambibig kundi kasama ko ang manugang ko. Ito ang manugang ko. Ito ang asawa ni Ben and more things about me being married to Ben.

Haii, buhay.

"Oh, ano na namang ipapagawa mo sa akin ngayon?"

"Ito."

I look at the list. Madalas talagang bwiset si Benedict sa buhay ko. Imagine my first task is to bring the carabao into the waterhole. Sira ulo ba sya?? Makakaya ko ba naman yung kalabaw eh ang liit ko?!

"Baliw ka ba? Paano kong makakayang dalahin ang kalabaw sa putikan nya???"

"Ang arte mo naman."

"Maarte?! Gago kang talaga ano? Paano kung suwagin ako nyan? Hindi mo ba nakikita ang laki nyan? Tingnan mo nga kung anong size ko?! Aba! Isang hita lang ako ng kalabaw tapos gusto mo bitbitin ko????"

"Kung gusto may paraan Kaia, kung ayaw, may dahilan."

Naiiyak na ako sa inis!

"Sige, gagawin ko. Pero after this day, I quit. Ayaw ko na. Ayoko nang maging alila mo dito! Sayo na ang 150,000 mo!"

I turned my back on him and keep my tears from flowing. Di ako iiyak sa harap nya! Bwiset sya!

I just rolled my eyes because I could never win kung susukuan ko ang mga pinapagawa nya. Attorney did not raise a quitter! Pero sobrang di makatao itong pinapagawa nya. I am decided if he'll not change today, then, I really need to do something.

Fortunately, the guys seemed to know that this task is too heavy for me so they helped me. They even told me to just stay near the waterhole, sila na daw ang bahala sa task ko. I thank them and grab this chance to rest. Sulit na sulit nga naman ang bayad sa akin dito ah.

I am seating at a big rock near the waterhole when somebody pushed me which made me fall on the mud!

"Ooooops Sorry."

"Sorry?? Eh sinadya mo!"

"Sorry not sorry malanding basura!!"

"Anong sabi mooooo?!!!!"

"Malanding basura."

"Anooooo?! Sino ka ba?"

"Ako lang naman ang babaeng inagawan mo! Ako ang dapat na asawa ni Benedict. You are nothing but a trash. Jan ka nababagay, you lowly harlot!"

Ah, hindi pa nakuntento sa una kong pagkahulog, tinulak na naman ako!

"Ano ba????!!!"

"You are nothing but a lowly harlot, jan ka nababagay!"

Mapipigilan ko pa ba ang bugso ng damdamin ko kung kanina pa masama ang loob ko?

Galit na galit talaga ako kaya hinila ko ang buhok nya at inilubog din sya sa putikan kasama ang mga kalabaw. Di bale nang makulong ako ngayon basta't matutuluyan kong talaga itong babaeng ito!

ATTEMPEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon