Ben
"Ben,..."
"Hmmmn?"
"Ginawa mong tour guide si Kaia?"
"Oo, this week lang naman. Nakaleave si Dea. Bakit?"
"Sure ka bang okay lang yun?"
"Pumayag naman sya, di naman sya umayaw kaya tingin ko okay lang."
"Wrong decision Bro."
"Bakit?"
"Halika."
David brought me to the restaurant and saw my wife happily chatting with a man.
"Bro, kahapon pa yan nagpapapansin sa asawa mo. Tsk. Ikaw naman kasi."
"Hayaan mo sya."
"Talaga ba?"
Sinamaan ko ng tingin si David.
"Tingnan mo yung upuan sa tabi ni Kaia."
May bouquet???
"Nakadalawa na nyan si Kaia mula kahapon. Yung isa nasa office. Tapos bago na naman ngayon."
"Eh ano naman David?"
"Wala naman, gusto ko lang ipakita sayo at iremind na din na hindi pangit ang asawa mo. Gusto ko lang ding sabihin sa'yo na hindi maganda ang ugali mo kay Kaia. Tingnan mo nga, kayang kaya naman pala ng asawa mong makipag-usap ng maayos at nakatawa. Never ko pa kasi kayo nakita na ganyan. Mas sweet pa sila ng guest kesa sa inyo at ikaw ang may kasalanan kasi wala ka ng ibang ginawa kundi ang yamutin ang asawa mo."
"Hayaan mo sila David. Kung doon sila masaya."
"Sigurado ka?"
"Wala akong paki."
"Okay. Good luck, wala sanang iyakan."
I went back to the office. Naiinis ako pero syempre hindi ko ipapahalata. Marealize ko na tama si David, pero anong magagawa ko kung hindi masaya sa akin si Kaia? Pag upo ko sa office, nakita ko yung bulaklak sa vase. Hindi naman maganda kaya tinapon ko.
Evening came, itong si Kaia, hindi man lang nagpakita sa akin buong araw.
"Kaia, gabi na hija, halika, kakain na tayo."
"Hindi na po Ma, kumain na po ako sa restaurant kanina kasama yung guest natin."
"Oh, I see. Kumusta naman?"
"Okay naman Ma, nakakatuwa lang yung isang guest natin, sobrang interesado sa farm."
"Baka sa'yo?!"
"Anong sabi mo Ben?"
"Sakin Ben?"
Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakainis. Hindi na rin naman ako makakakain kaya umalis na ako sa lamesa.
Mama laughed and tapped Kaia's shoulders.
"Iba talaga ang charm mo Kaia."
Kaia laughed too. I saw her bracelet. It looks new. Kaya sinundan ko sya sa kwarto.
"Saan galing ang bracelet mo?"
"Ah kay Sherwin."
"Sherwin??"
"Yung guest."
"Bakit ka tumatanggap ng ganyang regalo?"
"Huh? Anong regalo?"
I walked out! May asawa na sya tumatanggap pa sya ng regalo galing sa iba. Sa sama ng loob ko, nagpalipas na lang ako ng oras sa may pool.
"What seems to be the problem Kuya?"
"Tama bang tumanggap ng regalo galing sa ibang lalaki ha Amelia?"
"Regalo? Sino?"
I sighed.
"Wait, si Ate Kaia ba?"
"Ako siguro!"
"Tingnan mo yang ugali mo kasi! Napakagaspang! Tinatanong kita ng maayos eh! Kung ako si Ate Kaia, di kita talaga tatagalan or better, di talaga kita pinakasalan. Kung makaasta ka akala mo inlove na inlove sayo yung tao na kahit anong gawin mo di ka iiwan eh."
I looked at my sister.
"Mag-isip isip ka ha Kuya, baka pag napuno si Ate Kaia, bigla ka nyang iwan. Tandaan mo, kaya ka nya pinakasalan kasi mahal nya si Mama, kapag gumaling si Mama, maiiwan ka na namang mag-isa! Magbago ka na, sya na lang nakakatiis sa'yo aba!"
"Matulog ka na Amelia!"
"Ikaw, wag ka matulog! Baka bangungutin ka sana!"
"Sino kaya ang masama ang ugali sa atin?!"
"Ikaw! Tse!"
I let Amelia leave. I sighed.
I really don't know what I feel now. It's way too long that I felt insecure. Napakatagal na nung huli akong mainis dahil lang sa babae. I usually feel indifferent, I usually don't care but Kaia is a different story.
Unang kita ko pa lang kay Kaia, naiinis na ako sa presensya nya. I do not why but her presence makes me tremble, makes me nervous but at the same time, makes me always look at her and admire her beauty.
Is Kaia that someone who can help me? I sighed. I don't know and I don't want to. She is different and I am afraid, she'll ruin the vow I made.