Kaia
New week, new work. In fairness sa asawa ko, pinagoopisina na nya ako ngayon. Hindi ko alam kung kailan o paano nangyari pero improved na ng bahagya relationshit namin, kasi hindi na nya ako binubulyawan at di nya na ako binibigyan ng task card. He was actually showing his more humane side. May epekto ata ang pag-aalaga ko sa kanya.
At dahil injured si Boss Benedict, kailangan ko syang pagsilbihan. Pero syempre minsan busy ako kaya nakakalimutan ko din ang mga gagawin.
"Kaia, gutom na ako, kuha ka na ng pagkain."
"Wow! Di ka naman pilay!"
"Sige na nga, ako na ang kukuha ng pagkain natin kahit na masakit ang ulo ko at nahihilo ako."
"Nangonsensya pa. Anong gusto mong pagkain?"
"Kahit-----"
"Tigilan mo ako sa kahit ano."
"Kanin, karne, gulay at tubig."
"Ayaw mong juice?"
"Kung meron pwede rin."
I went out and get us some food. At dahil madami akong bitbit, sinamahan ako ng isang staff para madala lahat. Kaya lang! Pagdating namin sa opisina ang magaling kong asawa aba at may nakadantay pang bruha.
"BENEDICTO!!!!"
"Kaia."
"Erik, Ilagay mo na doon sa lamesa ang pagkain namin."
"Opo Maám."
"Wag kang magalit Kaia, dinalahan ko lang naman ng pagkain si Benedict."
I raised my brow. Kahit naman di kami nagmamahalang tunay, aba mag-asawa pa rin naman kami.
"Pwes dalahin mo na pabalik yang pagkain mo."
"Paborito yun ni Benedict."
Paborito pala ha, sandwich lang naman ang laman kaya ako na ang kumain.
"O ayan ubos na. Sana walang gayuma ito ha."
Hindi naman na nakapagsalita si Daisy at tumalikod na sa amin.
"Daisy!"
Daisy looked back.
"Huwag ka na magabala pang magdala ng pagkain ni Benedict dahil hindi ko naman sya ginugutom! Sa susunod na magdala ka ng pagkain, iisipin kong balak mong magapply na waitress."
Agad naman syang nagwalkout. Pagkaharap ko kay Benedict agad ko syang kinwestyon.
"Kaya ba ako ang pinakuha mo ng pagkain para makapagsarilinan kayo ni Daisy?"
"Wow, tindi ng moodswings ah. Kanina lang sa iba ka galit tapos sakin naman? Wag mo akong awayin. Di ko naman alam na darating sya eh."
"At dapat ako maniwala jan?"
"Bakit? Nagseselos ka ba?"
"Selos mo mukha mo! Kapal neto. Gusto ko lang malaman ni Daisy ang lugar nya. Mamaya sugo yan ng Lola mo dito. Kailangang pumasok sa maliit nyang utak na ako asawa mo at wala syang karapatan maginikot sa'yo habang andito ako! Jan ka na nga! Bwiset ka."
Lumabas na lang ako ng opisina. Mamaya ko na lang kakainin yung pagkain ko. Nabusog naman ako nung sandwhich ni Daisy. Nakakairita! Kung papatol naman pala sya doon sana nilagyan ko ng ilang milyon yung cheke at di na lang nagpakita sa kanila! Nabayaran sana yung mga insultong nakuha ko.
Hindi pa man ako nakakalayo sa office aba't sinugod ako ng Lola ni Ben kasama si Daisy! Talaga naman ang bruhang ito nagsama pa ng back-up!
"How dare you eat the food not intended for you?"
BINABASA MO ANG
ATTEMPERED
Literatura FemininaAttemper hate by accepting love, attemper love by letting fate.