Kaia
After that high blood incident, mejo binawasan na ng Daddy ko ang trabaho ko. Now, I can have a balanced work life. Hindi pa rin ako nakakapagpacheck-up but I am planning this weekend. Full packed ang schedule at magagalit sa akin si Mommy kung hindi ako maglalaan ng panahon para sa rest ko. Pero pinapagalitan nya ako kasi di pa rin ako nakakapagpacheck-up. If only Tita Annika's around, I may have been checked on the comfort of my home. Si Ate naman, sobrang busy, sya ata ang magmamana ng ospital ng mga Chen kasi halos di na sya umuuwi. Huli kong nakita sya eh nung pinauwi sya ni Daddy para iBP ako tapos nagduty na pala ulit sya.
Ang hindi ko alam kung anong nangyari sa akin kasi bigla na lang maaga na akong gumising kasi naglolook forward ako sa breakfast.
"Ano yan?"
"Wow! Umuwi ka na sa wakas. Namiss kita Ate."
Ate's finally around! Sa kanya na lang kaya ako pacheck-up para free. Kaya lang ang sungit talaga. Tinaasan lang ako ng kilay. Di man lang nagpakaplastic para batiin ako.
"Anong kinakain mo?"
"Nilagang itlog."
"Itlog na nga dinner mo kagabi, yan pa rin ang inalmusal mo, yan pa rin snack mo? Nilagang itlog sa ketchup mo pa sinasawsaw?"
"Sarap kaya Ate. Wala kang duty ngayon?"
"Papatayin mo ba ako? Straight duty na ako ng dalawang gabi ah."
"Sungit mo."
"Asan si Aya?"
"Sinama ni Mommy at Ada."
"Si Daddy?"
"Golf with Uncle Akim and Uncle Luke."
"Umuwi si Ninong Luke?"
"Oo, ayun daw pasalubong mo."
Ate immediately hugged the paper bag. Kung ako ang favorite ng Daddy, sya naman favorite ni Uncle Luke. Sya nga ata ang panganay ni Uncle Luke eh.
"Yung dalawa?"
"Nabili pizza at milktea."
"Nakakadiri talaga yang kinakain mo. Tigilan mo nga yan."
Inirapan ko na lang si Ate at nanood na lang ng TV. Napakapakialamera! Hindi ko naman sya inaano.
Ate went up to her room, baka ilalagay yung pasalubong sa kanya. Truth is lahat naman kami may pasalubong galing kay Uncle Luke except mas maganda at mas malaki lagi yung kay Ate.
Tinabihan ako ni Ate, hindi ko pa rin tinitigilan ang itlog. Isang tray ang nilaga ko kanina, at anim na lang ang natitira.
"Hindi mo ba talaga titigilan ang pagkain nyan?"
"Ate, masarap. Hayaan mo na ako kasi sumasaya ang puso ko pag kumakain ako neto."
"Hindi maganda ang sobra Kaia!"
"Uubusin ko lang to Ate, parang naiiyak ako kapag di ko ito mauubos."
Minsan talaga tong kapatid ko napakacreepy. Bigla ba namang lumapit sa akin at inilagay ang dalawang daliri nya sa leeg ko. Akala ko papatayin nya na ako.
"Buntis ka."
"Ha?"
"Nagcheck ka na ba?"
"Ano?"
"Hoy! Buntis ka, magcheck ka."
"Luh sya!"
Bigla na lang sya nagdial sa telepono at tumawag dun sa dalawa at nagpabili ng PT. Ilang minuto lang dumating na yung dalawa.