CHAPTER 8

681 34 4
                                    

Kaia

Agad kong niyakap si Tamara Seigfreid nung makita ko sya. Jusko! Miss na miss ko Mommy ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sarap ng nasa sariling bahay! Feeling ko sobrang bango ni Mommy na kumalma ang buong pagkatao ko.

"Kaia!"

"I miss you, Mommy!"

"Kumain ka na?"

"Hindi pa po Mommy."

"Bitaw na muna, at naghahanda kami ni Myelle ng lunch."

"Ayaw ko Mommy. Miss na miss na miss na kita!!!"

"Ay nako! Bumitaw ka nga at ako'y naiinitan!"

Lalo kong hinigpitan ang yakap. Gusto ko kasing umiyak at magsumbong pero di ko kaya, hindi pwede.

"Mommy! Oh Kaia! Anong ginagawa mo dito? May pasalubong ka? Anak oh, si Tati!"

"Tati! Tati!"

"Aw, ang baby baby namin!"

I carried this little baby and cuddle her.

"Ui! Pinipisa mo anak ko!"

Pilit na kinuha ni Sab ang anak nya. Sayang di ko pa nakakagat eh! Napangigilan ko lang.

"Damot mo naman!"

"Gumawa ka din kasi ng sa'yo!"

"Oo! At pag ako nagkaanak, sisiguraduhin kong lalaki para mas malaki ang mana ko!"

"Gumawa ka na muna!"

Agad na kinuha ni Mommy yung paborito nyang si Aya.

"Oi! Tigilan nyo nga itong apo ko, lakad kayo sa kusina, tulungan nyo si Myelle doon. Gisingin nyo na rin ang ate nyo, may pasok pa yun ng ala una."

"Ako na tutulong kay Myelle, ikaw na gumising kay Ate!"

"Luh! Kakarating ko lang. Ako na sa kusina."

"Ma! Si Kaia na daw po gigising kay Ate!"

Minsan talaga nakakabugnot magkaroon ng mga sira-ulong kapatid. Itong si Sabrielle may anak na at lahat di pa rin nagbabago.

Tapos napakaasungit naman nung isa. So dahil wala ako nagawa, nagtuloy ako sa kwarto ni Ate para gisingin sya kahit ang totoo, nagaalala ako sa kaligtasan ko.

"Ate! Ate! Gising na ate."

Naniniwala akong may problema talaga ang genes ni Attorney at Tamara, jusmiyo!

"Ate!!!"

"Ate!!!"

"Ate!!! Gising na! Kakain na daw!!"

"Ate!"

"Gising na ako! Sisirain mo ba pinto ko???"

"Sorry na, pinapatawag ka na dun sa baba."

Nagtatakbo na ako pababa, baka masabugan ako ng bulkan.

"Nagising mo na ate mo?"

"Yes Mommy!"

"Aya, tabi ka dito kay Tati bilis."

"Kaia, tigilan mo yang apo ko ha! Pag yan umiyak ikaw talaga magpapatahan jan. Kaela, kumain ka na, anong oras ka ba umuwi?"

"Mga past 7 na siguro kanina Mommy."

"Tapos may pasok ka?"

Ate nodded.

"Ate hanggang anong oras duty mo?"

"May meeting lang ako."

"Ate, sama kami ni Sab at Myelle, punta kami mall."

ATTEMPEREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon