Chapter 30

375 9 0
                                    

TMCSE Chapter 30

Cinderella

Masakit ang mawalan ng kaibigan. Simula nang dumating ako dito from London when I was 14, Sofia was one of the first person who became my friend. Siya yung palagi kong kasama at siya yung naging kaakibat ko sa mga kalokohan sa school nun. Pero ngayon, she hates me because I am in love with the guy she has fallen in love with. Is it really my fault? Kasalanan ko ba talagang mahulog ako kay Alas at mahalin siya ng patago? Sinubukan ko namang lumayo diba? Pero hindi ko nagawa. I pushed him away but he keeps on pulling me back. Babae lang naman ako. Marupok at nagmamahal lang naman ako. Do I deserve every slap Sofia gave me?

"Stop it." narinig kong sabi ni Alas. He held my chin and caressed my lower lip. "You're biting your lip again. I told you to stop doing that."

"I'm sorry. I was just thinking..." I trailed off.

Binaba niya ang hawak niyang libro saka siya tumabi sa akin.

"Stop overthinking. Nakakamatay yan." he said and even kissed my temple. "Sige na. Wag mo ng isipin yun okay? Try to focus on your studies muna. You have an exam this afternoon pa diba?"

Suminghap ako saka tumango sa kanya. Kinuha ko na ang Psychology book ko saka na ko nagsimulang mag-aral. Mabuti na lang at medyo nakapag-aral na ako kagabi. Kaya irereview ko na lang uli sila. Kalagitnaan ng pagbabasa ko ay napalingon uli ako kay Alas.

"Babe, what if ipagkalat ni Sofia sa buong university na sinulot kita?" I asked, panicking. "Sisiraan niya ko for sure. Sasabihin niyang I'm not as good a person as what people think. Baby..."

Binaba nanaman ni Alas ang libro niya pagkatapos ay kinuha ang libro ko at inalis ang salamin na suot ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at pagkatapos ay malamang tinitigan.

"3 days have passed baby and nothing happened naman diba? Sofia can't do that."

"Pero paano nga..." he covered my mouth with his at nanghina nanaman ako. Bakit? Bakit ganyan siya?

"I'm here to protect you. Whatever happens, andito ako. Okay?" sabi niya nang maghiwalay kami. "Hindi kita papabayaan, Portia. Tandaan mo yan." dagdag pa niya saka ako niyakap.

"Natatakot lang ako sa pwede niyang gawin..." malungkot na sambit ko. Suminghap siya saka ako niyakap.

"Alam ko. Pero we can do this okay? As long as we're together, makakaya natin to." tumango na lang ako saka na yumakap sa kanya. Ilang saglit pa kaming nanatiling ganun at pagkatapos ay hinawakan na niya ko sa magkabilang balikat at tinitigan. "Mag-aral ka na okay? I don't want you to fail your exams dahil lang sa bagay na to."

"Okay..." sabi ko.

Nang matapos akong magreview ay niyaya ko na si Alas na magpunta sa school. Wala naman talaga siyang pasok ngayon. Tapos na kasi ang exams niya sa majors niya at wala naman yung prof nila ngayon dahil may emergency daw sa kanila. Ako naman, may exam ako sa isang major subject ko. Buti nga at yun lang ang subject ko ngayong araw. Kaya hindi rin masyadong pagod.

Hinatid ako ni Alas hanggang sa classroom. Nandun din ang dalawang pinsan niyang sina Addie at Stacy. Nang makita nila kami ay masaya silang kumaway at lumapit pa sa amin.

"Wow naman sa clingyness." puna ni Addie.

"Yung mga langgam nagpipiyesta nanaman." dagdag naman ng kakambal na si Stacy.

"What are you two doing here?" tanong ni Alas sa kanila. Pinitik nilang dalawa si Alas sa noo at napangiwi naman siya. "Ouch!"

"Stupid boy. Classmates kaya kami nina Por. Tanga?" asar na sambit ni Stacy. Humagalpak naman si Addie saka pa sila nag-apir na kambal.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon