Chapter 26

459 6 1
                                    

TMCSE Chapter 26

She's Back

"Alas!"

Lumingon kami ni Alas sa tumawag sa kanya at pareho kaming nagulat sa kung sino ito. Mas nagulantang pa ako nang tumakbo siya palapit sa amin at agad na yumakap kay Alas.

"God, I missed you. Hindi mo man lang ako tinetext or something." sabi niya.

"F-Fia..."

"Oh. Bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Di mo ba ko namiss?" tanong ni Fia kay Alas.

Lumingon naman sa akin si Alas na may pangamba sa mata. Sinundan naman siya ni Fia at lumapad ang ngiti nito nang makita ako.

"Omg! Bessy!!!" matinis na sabi niya saka ako niyakap.

"Fia..." sabi ko at saka na siya niyakap pabalik. "K-kailan ka pa dumating?"

"I just came a couple days ago." sagot niya.

"Hindi ka man lang nagsabi. Nasundo ka sana namin sa airport." sabi ko.

"Aww. Sweetest bestfriend. Pero kasi kaya di ko sinabi kasi gusto ko kayo isurprise lahat!" masiglang sambit niya. "Did I surprised you guys?" she asked.

Marahan akong tumango at saka niya ako muling niyakap.

"Alas! Por!"

Bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Fia nang may tumawag sa amin. Paglingon naming tatlo ay nakita namin sina Park, Errol, Wacks, Kyle at Bryan na naglalakad palapit sa amin.

"Uy. Bakit?" tanong ni Alas.

"The girls' want us to have lunch. Tara na." sagot ni Bry. "Uy! Hi Sofia!" bati niya nang makilala si Fia.

"Hey, Bryan! Hi, guys!" bati niya sa kanila.

Tumango lang naman ang iba at saka na naunang maglakad sina Wacks at Kyle. Nag-uusap sila at minsa'y nahuli ko pang lumingon pabalik si Kyle bago nagsalita ulit. Siguro ay nagtataka sila kung bakit napaaga ang uwi ni Fia.

"Uhm. Tara na. Fia, sama ka na samen." anyaya ni Errol.

"Alright!" bulalas ni Fia saka na umangkla kay Alas at hinatak ito.

Naiwan kami ni Park na nakatayo lang. Nakatingin siya sa akin at ako naman ay nakatingin kanila Alas na naglalakad palayo.

"So wala pang alam si Sofia about you and Alas?" tanong niya.

"Yeah..." mahinang sagot ko.

"Akala ko ba sasabihin niyo na?" tanong nanaman niya.

"Di kami makatyempo eh. And I don't want to make her think na inagaw ko sa kanya si Alas." sabi ko.

"Tss. You never stole Alas. Besides, iisipin mo pa ba yun kaysa sa relationship niyo ng pinsan ko?"

"Ewan ko Park. Nalilito ako." sabi ko.

Inakbayan niya ako saka na kami nagsimulang maglakad.

"Yaan mo na. Basta kailangan ipaalam niyo na yan soon. Kailangan na sabihin ni Alas ang totoo kay Sofia para hindi na rin niya isiping siya pa rin ang gusto ni Alas."

Hindi na ako nakakibo at tahimik na lang kaming naglakad papunta sa parking lot.

Halatang nagtataka ang mga pinsan ni Alas dahil magkasama sila ni Fia at kami naman ni Park ang sabay na dumating dun.

"Oh. Bakit..." hindi na naituloy ni Cess ang itatanong dahil siniko na agad siya ni Stacy. "Uhm... Tara na. Nagugutom na ko."

"Onga. Ako din nagutom sa nangyari." sabi ni Kyle saka na sumakay sa sasakyan ni Park. Sumakay na rin dun sina Kit, Wacks, Bam at Bry samantalang sina Ezra, Roxy, Cess, Stacy at Addie ay sa kotse ni Errol.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon