Chapter 12

1K 15 1
                                    

A/N:

Warning: SPG =))

♥DERPHERP

TMCSE Chapter 12

Mahal

Feeling his lips against mine felt like I was in dreamland. Kung pwede lang wag na magising ay nagawa ko na. Dati, iniisip ko lang kung ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng isang Chace Vincent Lopez. Pero ngayon? Ramdam na ramdam ko na ang bawat galaw ng mga labi niya sa labi ko. His soft and sweet lips na maingat akong hinahalikan and I couldn't help but smile in between our kisses.

Tumigil siya sa paghalik sa akin at saka niya ako tinitigan. He held my face at parang kinakabisado ang bawal himaymay ng mukha ko.

"Sana matagal ko nang narealize na ikaw pala ang mahal ko. Para hindi na kita nasaktan." aniya.

"Ayos lang yun. May mga bagay na kailangan munang mapagdaanan bago natin marating ang gusto natin." sabi ko. Hinalikan niya uli ako sa labi. Mabilis lang iyon at nakakabitin.

"I love you." aniya.

"I love you too."

Niyakap niya ako at saka hinalikan ang ulo ko. Feeling his warmth against me makes me feel safe. Like no one's gonna hurt me. Sobrang ang sarap pala sa feeling kapag nalaman mong mahal ka ng mahal mo.

"Tara na sa loob. Maybe they're looking for us." aniya.

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Paano namin sasabihin sa kanila ang nararamdaman namin sa isa't isa? Alam ko matutuwa sina Ate Mads, Pons at maging si Parker kapag nalaman nila. Pero paano sila Kyle? Ano ang magiging reaction nila?

"Uhm... Natatakot ako." sabi ko saka ko siya pinigilan sa paglalakad.

"Bakit?" tanong naman niya saka pa hinaplos ang mukha ko. "Are you scared of what they're going to say?" tumango naman ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.

"Syempre iisipin nila na sinulot kita kay Fia. Iisipin nila--"

"Shh. Ano ka ba. Hindi mo naman ako inagaw eh. You avoided me right? Iniwasan mo ako pero ako ang pilit na humahabol sa iyo." sabi niya. "Kaya wag kang kabahan. Mahal mo ko, mahal din naman kita. Walang problema yun diba?"

Hindi ako sumagot sa kaniya. Basta ang alam ko lang, kahit na sinasabi niya sa aking mahal niya ako, may kaba pa rin akong nararamdaman sa puso ko.

*****

Pumasok na kami sa venue. Hindi niya inalis ang kamay niya sa pagkakahaway sa kamay ko. Pagkadating namin ay agad naming nakita ang mga nagtatakang itsura ng mga pinsan niya. Si Pons, Ate Mads at ang bagong dating na si Parker lang ang nakangiti.

"Oh." tanging sinabi ni Wacks. "Nyare?" tanong niya pa.

"Kami na." sabi ni Alas. Nagulat ang lahat pati na rin ako. Napatingin kami sa kanya at kita sa itsura niya na seryoso siya.

"Ano? Pakiulit?" sabi ni Kyle. "Kayo na? As in Alas at Por, kayo na?"

"Oo nga. Hindi ka ba nakikinig?" sabi ni Alas.

"Paano..."

"Narealize ko lahat ng ginawa ko simula nang dumating ako rito. Naisip ko na mali ang kausapin si Por na ilakad ako kay Fia. Maling pilitin siya sa bagay na hindi naman niya gusto. Dahil sa mga bagay na yun, nasaktan ko siya. Hindi ko masisi si Por kung bakit siya lumayo sa akin. Iniwasan niya ako dahil ayaw niyang magkasira sila ng bestfriend niya. Pero ako itong habol nang habol sa kanya." sabi niya.

Hindi kumibo ang mga pinsan niya. Tinitigan lang nila kami. Nakita kong palihim na ngumingiti si Park at Ate Mads sa akin. Si Pons naman ay kumindat sa akin at umarteng kinikilig pa.

The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon