A/N:
Typos. Typos everywhere.
♥DERPHERP
TMCSE Chapter 10
Seloso
Nakakapagtaka lang why all of a sudden, nagwalk out si Alas. Lalo na when Parker and I posed for the last 30 frames. Bigla na lang niyang binato yung inuupuan niyang monobloc saka padabog na lumabas sa studio.
"Problema nun?" tanong ni Kyle.
Agad naman kaming nagtinginan nina Parker, Pons at Ate Mads. Ngumiti si Ate Mads at Pons. Si Park naman ay bahagyang natawa.
"Sabi ko na eh. Hindi yan makakatagal dito." bulong niya sa akin. "Di pa nga tumatagal yung plano natin, affected na agad siya." dagdag niya.
Pero imbes na matuwa ako dahil sa inaasta niya ay natatakot ako. Natatakot akong baka mangyari nanaman yung sa bar. At baka hindi lang putok na labi ang abutin ni Parker.
"Let's continue. Para matapos na." ani BJ.
"Uhm. Ako na kakausap sa kanya." sabi ni Ate Mads saka na siya lumabas ng building.
Tinuloy na namin ang ginagawa namin. May iba pang pose na pinagawa sa amin ni BJ at meron pa rin siya kinuhaang solo shots ko. Tapos ay nakisali ang mga makukulit na pinsan nila na sina Kyle, Wacks, Errol, Ezra, Bry at Bam sa amin. Tumatawa na lang si BJ habang pinipicturan kami. Puro wacky pa ang ginagawa nila. May isa pang binuhat nila akong lahat at saka sila nagpose ng nakakatawa. Pagkatapos nun ay sumali na rin ang mga babae. Nagmistulang barkada shoot ang nangyari sa amin.
Hindi nagtagal ay tinapos na ni BJ ang shoot. Sabi niya, mas marami pa raw ang kalokohan ng magpipinsan kaysa sa seryosong shots. Aniya pa baka mapagalitan siya ni Ate Mads kapag nakita ang shots naming lahat.
Bumalik na ako sa dressing room at si Pons naman ay sumunod din sa akin.
"Ano? Nagkausap na ba sila ni ate?" tanong ko the moment he locked the door.
"Ewan ko. Pero di ka ba natutuwa?! Eeeeeh! Nagseselos siya ramdam ko girl!" aniya.
"Ssshhhh!" pinatahimik ko siya dahil baka may mga tao sa labas. "Hindi ako natutuwa okay? What if manuntok nanaman siya? Paano kung mag-away na sila ng tuluyan ni Parker? Mahirap na! Nakakaawa si Park dahil siya yung naiipit dito." sabi ko.
"Eh hindi naman nanakit ng tao diba? Yun nga lang yung monobloc ang nasaktan. Pero the hell I care?! Basta halatang nagseselos siya. Aminin mo na kasi. Kinilig ka din." asar niya sa akin. "At ito pa, nakita mo si Fia kanina? Ay nako! Ang mata niya nanlilisik! Kaloka. Tapos kaninang andito kayo ni Parker, naririnig ko silang nagtatalo sa labas. Paano kasi, pinag-uusapan nila kayo. Tapos itong magpipinsan, more pa sa sabi na sana kayo na daw ni Park. Umentrada naman ngayon si BJ. Sinabi kay Mads na bagay kayo ni Park. Ito namang si Madison more more pa sa gatong. Na maganda daw kung kayo ni Park ang couple of the night sa model ekek. Eh andun si Alas sa tabi ni BJ. Ayun! Nagwalk out. Hahaha."
"Nagwalk out din siya kanina?" pagtataka ko.
"Yup. Ang haba ng hair mo girl ha. Twice na nagwalk out ang pinakagwapong Lopez dahil sa iyo. Seloso pala yun. Jusmiyo. Hahaha."
Tulala lang ako habang iniisip ko pa rin ang ginawa ni Alas. Hindi ko talaga alam kung anong dapat kong maramdaman. I mean, a part of me wants to jump for joy kasi nga mukhang nagseselos nga siya. But there's also a part of me na nalulungkot. Kasi mahirap mag-assume. Paano kung hindi naman pala siya nagseselos diba? Mukhang tanga nanaman akong pinapakilig ang sarili dahil sa observations ng mga kaibigan ko. Isa pa, mahirap umasa kasi wala naman siyang pinapangako o pinapahiwatig sa akin. Maybe it's just his reaction dahil nga umiiwas ako sa kanya tapos yun pa ang masasaksihan niya.