Chapter 15

868 17 2
                                    

A/N:

I'm going to stop my everyday update. Medyo medyo nauubusan na ng laman yung utak ko. But I will update every Monday and Friday. Isasabay ko na sa MPC. Hahaha. Hope you guys understand. Mehe. I love you all tho. :)

♥DERPHERP

TMCSE Chapter 15

Principal's Office

Kinakabahan ako habang naglalakad patungo sa office ni Tito Manny. He's very kind to me kahit pa nung mga high school pa kami. Pero kapag nagseseryoso siya ay talagang nakakakaba.

"Maupo ka, iho." aniya sabay muwestra sa upuan sa harap ng office desk niya.

Maingat akong umupo sa harapan niya at hinintay siyang magsalita. Matagal akong tinignan ni Tito Manny. Naiilang na ako dahil feeling ko isa akong kriminal. Pagkatapos niyang tumingin sa akin ay naglipat siya ng tingin sa isang framed picture na nakalagay sa desk niya. Si Por. Siguro ay birthday celebration iyon dahil parehas silang nakasuot ng party hat at may pahid ng icing sa mga mukha.

"Portia is my one and only daughter..." umpisa ni tito. Napatingin ako sa kanya habang seryoso siyang nakatitig sa picture nila ni Por. "I've seen Portia grow up and I'm so proud of what she has become. Mabait na anak si Portia. She knows her priorities at masunurin siyang bata. I love my daughter and ang gusto ko lang naman ay maging masaya siya." tumingin siya sa akin.

I don't know where this is going pero sobra na talaga ang kaba ko. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa sobrang kaba. Ngumiti si Tito Manny sa akin.

"Chace, I want you to love my daughter as much as your tita and I loves her. I want you to make her your everything. To make her your inspiration. Hindi ako tutol sa inyo dahil nakita rin naman kitang lumaki and I'm happy that you've grown to be a good man. I'm trusting you na hindi mo sasaktan ang anak ko. Yes, hindi maiiwasan ang minsang pagtatampuhan but don't let a day pass na hindi pa rin kayo nagkakaayos. I like you for my daughter Chace. Wala akong masasabi sa pagpapalaki nila Chad at Priscilla sa inyo. Ang gusto ko lang ay wag mong sisirain ang tiwala namin ng tita mo. Because when that moment comes, babawiin ko ang anak ko sa iyo at hindi mo na siya uli makukuha. Understand?"

"Yes tito." matipid na sagot ko.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sobra na lang talaga ang kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko ay umeecho iyon sa opisina ni Tito Manny. Daig ko pa ang napatawag sa Principal's office dahil sa kabang nararamdaman.

"I want you both to be happy." pahabol niya. Ngumiti siya sa akin at sinuklian ko rin naman iyon ng ngiti.

"Thank you for trusting me tito. I don't know how to thank you dahil pinayagan niyo kami ni Por. I know mga bata pa po kami pero mahal na mahal ko po ang anak niyo."

"Alam ko. I've seen you look at her even before. Nung mga highschool pa kayo. The way you look at her is like how I look at my wife, your Tita Patricia."

"I see Portia as a precious gem, tito. At iingatan ko siya na parang diamond."

"Good." aniya. Tumayo siya saka naglahad ng kamay sa akin. Tumayo na rin ako and shook his hand. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako. "Make my princess happy, Chace."

"I'll make her my queen, tito."

*****

Sinabihan ako ni Tito Manny na wag muna sabihin kay Por na payag na siya sa amin. Natawa pa ako dahil inutusan niya akong magmukha lugmok at animo'y nalugi pagkalabas ng opisina niya. Siya naman ay nagkunwaring seryoso at mukhang galit.

"Dad?" sabi ni Por nang makita kaming sabay na lumabas pabalik sa garden. Nakita kong umiinom na sila ni Tita Patricia ng tea. 

"What happened, Manny?" tanong ni tita.

"Umuwi na kayo. It's getting late." ani Tito Manny. Hindi pa rin ako kumikibo at nagpipigil ng ngisi.

"O-okay." matamlay na sabi ni Por. Humalik na siya sa mga magulang niya at nauna na maglakad.

"Chace." tawag sa akin ni Tito Manny.

"Yes sir?" untag ko.

"Yung pinag-usapan natin." aniya saka na ito umakyat patungo sa kwarto nila.

"Uwi na po kami tita." sabi ko saka na humalik sa pisngi ni Tita Patricia. Matamlay siyang tumango at saka na kami nagpatuloy ni Por.

*****

Tahimik kaming pareho sa biyahe. Hindi ko pa sinasabi sa kanya ang sinabi ni tito tungkol sa amin dahil hindi rin naman siya nagtatanong. Dumating kami sa condo building niya na tahimik pa rin.

"You want coffee?" tanong niya sa akin nang makapasok kami sa unit niya.

"No. Okay lang." sabi ko saka umupo sa couch niya. "Come here." anyaya ko and patted the space next to me.

Umupo siya sa tabi ko at agad ko naman siyang niyakap.

"What's wrong?" tanong niya sa akin. Humalik lang ako sa ulo niya saka umiling. "A-ayaw ba ni dad? Hindi ba siya pumayag?" tanong niya pa.

Suminghap ako saka sinubsob ang mukha ko sa leeg niya.

"Babe..." tawag niya sa akin. "May problema ba tayo?" tanong niya.

"Wala 'to. Wala."

"Ayaw ba ni dad? Please tell me." aniya sabay hawak sa magkabilang pisngi ko. Tinitigan niya ako.

Huminga ako ng malalim saka tumitig rin sa kanya.

"Sabi ng daddy mo, masyado pa raw tayong bata to be in a relationship..." simula ko.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Grabe. Seeing her like this makes me want to just kiss her senseless. Dahil sa ganung reaction niya ay ipinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal.

"So..."

Hindi ako sumagot at nagbaba lang ng tingin. Naramdaman ko sa kamay ko ang pagtulo ng luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko saka ko pinunasan ang mga luha niya. "Hey."

"A-akala ko kasi okay kay dad eh. B-bakit a-ayaw niya bigla?" humihikbing sabi niya.

"Portia, wala namang sinabi si Tito Manny na ayaw niya eh." nag-angat siya ng tingin saka ako tinignan ng nagtataka. "He told me na bata pa tayo but he supports us." sabi ko. Sorry Tito Manny. Hindi ko na natiis. I just love your daughter.

"W-what?" pagtataka niya saka nagpunas ng luha.

"Baby, okay na okay po sa daddy mo na maging tayo." sabi ko sabay ngiti. Bigla niya kong hinampas ng paulit-ulit.

"Nakakainis ka! Akala ko ayaw ni daddy! Argh! Kainis ka talaga!!" sabi niya habang hinahampas pa rin ako. Tawa lang naman ako nang tawa. Napakacute talaga ng girlfriend ko.

"Damn. I love you." biglang sinambit ko. Tumigil siya sa paghampas sa akin saka nanaman naiyak. Marahas niyang pinunasan ang mga luha niya saka ngumiti.

"I love you too." sabi niya. Niyakap ko siya at saka hinalikan sa buong mukha.

"Hindi kita matiis. Sabi ni Tito Manny wag ko daw munang sabihin sayo pero umiyak ka na so I had to tell you immediately. Haha."

"Kainis kayo ni daddy. Niloloko niyo ko palagi."

"Hahaha. Sorry na." sabi ko sabay halik uli sa kanya.

"Wala kang prize akala mo." banta niya sa akin.

"Ha?!" gulat kong tanong. "But baby! Ang daya naman. You told me na kapag pumayag si Tito Manny may prize ako. That's unfair!" angal ko.

"That's not unfair. Kasi niloko mo ko and pinaiyak mo ko so that's your punishment." sabi niya saka na tumayo at pumasok ng kwarto.

"Babe!" hinabol ko siya at pumasok ng kwarto niya.

I found her sitting in front of her mirror at nag-aalis ng hikaw at kwintas niya. Tapos ay tumayo siya and went to her closet to get clothes saka pa kinuha ang towel na nakasampay malapit sa pinto ng bathroom niya. Sumunod ako sa kanya at saka ko pinigilan ang pagsara ng pinto sa bathroom.

"Alas maliligo ako!" aniya.

"Prize ko." pagmamakaawa ko.

"Wala nga diba? Now, please let go of the door." sabi niya. Hindi ako nakinig at saka pa ako pumasok ng bathroom niya. "Alas!"

"Hindi ako lalabas dito hangga't wala yung prize ko."

"Ano ba. Maliligo nga ako eh."

"Babe! Conserve water, shower together." biro ko pa. Umirap siya sa akin at saka umupo sa nakasaradong toilet bowl. Lumuhod ako sa harap niya para pantayan siya. "Bati na kasi tayo please?"

"Hindi naman nga kasi tayo nag-away. Bakit ba nakikipagbati ka wala namang away na nangyari?"

"Eh kasi sinusungitan mo ko." ngumuso ako saka pa siya tinignan. Humalukipkip siya at saka ako tinignan ng masama.

"Hindi kita sinusungitan. Sabi ko lang naman maliligo ako. Ikaw tong nag-iisip na nagsusungit ako sayo." malumanay na sabi niya.

"Sige na nga hindi na. Sorry na baby ko ha?" sabi ko. Tumango siya saka na tumayo.

"Sige na. Sa kwarto ka muna. Maliligo lang ako." sabi niya sabay bukas ng pinto.

"Can't I just stay here?" malokong sabi ko.

I really want my prize right now. Yang pagsusungit niyang yan sa akin? Shit. Nakakaturn on. And fuck I'm starting to think that I'm a pervert. Pero kasi Portia na yan eh. Damn!

"Alas!"

"Hahaha. Fine fine. Lalabas na ko. Kiss ko muna?" sabi ko saka na ko lumapit sa kanya. Tinignan niya muna ako ng masama at saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Bitin." sabi ko.

"Tsk. Labas!" tsaka na niya ko tinulak palabas ng bathroom. Tawa na lang ang nagawa ko at saka pailing-iling na humiga sa kama niya.

*****

Naririnig ko siyang kumakanta habang nasa shower. Amoy ko rin ang shower gel na gamit niya. Strawberries and cream? Hm. Must be her favorite. Matapos ang ilang minuto ay narinig ko na ang pagpihit sa shower valve at ang pagkakahawi ng shower curtain. Kumakanta pa rin siya kaya naman aliw na aliw akong makinig sa kanya. Nang magbukas ang pinto ay nagkunwari akong natutulog. Ipinikit ko ang mata ko saka pa niyakap ang unan niyang amoy strawberry din.

"And if you want you got it forever
This is not a one night stand oh baby
So let the music take your mind
Just release and you will find"

Narinig kong kanta niya. Napapangiti na ako habang naririnig ang boses niya. She really does have a beautiful voice. Nagpatuloy lang ako sa pagtutulog-tulugan habang nararamdaman ko ang paglalakad niya sa kwarto niya.

"You're gonna fly away
Glad you're goin' my way
I love it when we're cruisin' together"

Nagmulat ako ng konti at nakita siyang nagsusuklay habang nakatapat sa electric fan. Hindi ba siya nilalamig? Nakaon na ang aircon niya at full blast pa pero nagawa niya pang magelectric fan.

"Music is played for love
Cruisin' is made for love
I love it when we're cruisin' together"

Ini-off na niya ang electric fan kaya agad akong pumikit ulit. Naramdaman kong medyo bumaba ang kama at alam kong nakaupo na siya sa gilid na iyon. Naramdaman ko rin na hinaplos niya ang buhok ko. Napapangiti na ako dahil sa ginagawa niya.

"Buti nakatulog na tong mokong na to. Napagod din siguro." narinig kong sabi niya. Naramdaman kong humiga na siya sa tabi ko at saka niya pa hinaplos ang mukha ko. "I love you, Chace Vincent. Mahal na mahal kita." aniya.

Gusto ko ng dumilat pero nang maramdaman ko ang paglapit niya at ang unti-unting paglapat ng labi niya sa labi ko, hindi na ako dumilat. Dinama ko na lang ang halik niya. I couldn't help myself, I started to kiss her back. Halatang nagulat siya dahil medyo napalayo siya at natigil ang paghalik niya sa akin.

"So you're not asleep?" tanong niya.

"I'm trying to pero hinalikan mo na ko." sagot ko saka ko siya kinabig palapit lalo sa akin. "And you know I couldn't resist your kisses."

Ngumiti siya sa akin at saka ako muling hinalikan.

"And I can't resist yours too."


The Most Cliche Story EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon